BB 15: I Want You Back

110 0 1
                                    

I Want You back

"Kamusta ang pakiramdam mo?" salubong sa akin ni kuya pagbangon ko. Napatingin ako sa bintana at nakita kong madilim na. Wow. Ang tagal yata ng tulog ko ah. "Feelin' better? Hindi ba masakit ulo mo?" tanong nya ulit at dinama pa nga ang aking noo.

"I'm okay kuya. Effective ung herbal na pinainom sakin ni crys na gawa ni lola." I smiled at him.

"Mabuti naman. So, can you join us tonight? Nasa labas na silang lahat, barbecue party it is."

"Of course! I wouldn't miss the fun. Kayang kaya ko ang sarili ko."

"Siguradong sigurado ka ha?" He asked again. I nodded giving him assurance that I'm perfectly fine and he does not need to worry about anything. "Change your clothes then, magsuot ka rin ng makapal na jacket at malamig ang hangin sa labas. I'll wait for you outside the door."

Tumango ako at dali dali ng nagbihis. My kuya's sweet side rarely comes out dahil mas madalas ang kalokohan nya but at least I can really feel his love and concern for me. Doon palang sa part na yon masasabi kong swerte na ako.

Pagkatapos ko magbihis, nagmadali na rin akong lumabas ng kwarto kung saan naroon nga si kuya at hinihintay ako. Nakasandal ito sa dingding. Okay I admit, ang gwapo ng kuya ko lalo pag seryoso.

"You ready?"

"Yap!"

"Wear this." humarap sya sakin at sinuotan ako ng green beanie bonnet. Inayos nya pa nga ang buhok ko e. "Mahamog na sa labas, mas okay na ung handa."

"Kuya?" napangisi ako.

"Ano?"

"Daig mo pa si daddy. Di na ako bata okay? Makaasta ka dyan kala mo naman sobra sobra ang tanda mo sakin. 4 years lang naman. Tanda ka?" I chuckled.

"Tss! Wag ka na ngang magreklamo dyan. Tara na sa labas at hinihintay na nila tayo."

Natawa nalang ako ng bigla ay nagtransform ito sa ordinaryong pag uugali. Masungit na parang bata na mapang asar na ewan. Inunahan ako maglakad e, samantalang kanina may paalalay pa. Kaloka. Di ko naman kasi mapigilan ung sarili ko na pansinin sya pag ganung nagiging praning at over sa pag aalala at alaga hahaha.

"Okay ka ba talaga? Bat ang tagal mo maglakad?"

Napatukop ako sa aking bibig upang magpigil ng tawa ng huminto ito sa paglalakad at lumingon sa akin bago ako muling nilapitan at hawakan sa braso. Alam kong di ako matitiis ng kwagong to dahil nakita nya kung paano ako nanghihina kanina. Hahaha.

"Ehem! Ehem!" I cleared my throat at nagseryoso na nga din, wala ng tatawa at baka mainis pa ang isang to. "I'm really okay, nagmamadali ka lang talaga maglakad no." sagot ko.

Paglabas namin ay naroon na nga silang lahat at may kanya kanyang pwesto na, magkakaharap sa isang mahabang mesa. Mayroon ding ihawan sa dulo.

Nang makita ako ay agad namang tumayo si crys at lumapit sa akin.

"You okay now?" She asked. Tumango ako. Ngumiti naman ito saka ako inakay na maupo sa kanyang tabi.

"Wala si philip?" Tanong ko nang mapansin ko ngang ni anino ng makulit na yon ay wala. "Akala ko ba makikisalo sya satin ngayong gabi?"

"Nandito sya kanina, pinuntahan ka nga e kaso tulog ka kaya di kana nya inabala."

"E nasan na?"

"Nagpaalam kaya ka nga pinuntahan kanina, pasensya na daw hindi sya makakasalo satin ngayon. May importanteng ginagawa alam mo na, bukas na ang pyesta kaya ayun, umalis sila ni kuya felix bukas ng umaga ang balik, nagdalawang isip pa nga e kasi may sakit ka pero ayon binatukan ng kuya mong magaling. Close na sila agad."

Behind BarsWhere stories live. Discover now