Chapter Three~

505 8 2
                                    

CHAPTER THREE

DESIREE's POV

“Chief, maawa ka naman sakin oh? Please!" Pinagsalikop ko pa ang mga kamay ko at nagbeautiful eyes kay Chief.





Tinignan naman niya ako at bumuntong-hininga.





“Desiree, I'm afraid I cannot do that. Hindi ba't sinabi ko na sayo, finalized na ang buddy system natin. Ayoko namang magulo iyon dahil lang ayaw mo siyang kasama."





Itinuro ni Chief si Terrence. Pinukol ko si Terrence nang masamang tingin pero pinalitan niya lang ako nang ngisi at itinaas-baba pa nito ang kilay.





Hudas talaga! Bwisit!





>_____<





Eksaheradang suminghot ako at ginagap na ang kamay ni Chief. 





“Utang na loob, Chief! Maawa ka sakin. Ayokong mamatay nang maaga dahil sa stress sa kumag na yan." Sabi ko at itinuro si Terrence.





Tinignan siya ni Chief at kitang-kita ko ang pagsilay nang ngisi sa labi nito pero agad niyang inalis iyon at seryosong tinignan ulit ako.





“I'm really sorry, Desiree. Kung wala ka nang ibang pakay, you two can go out now. Madami pa kasi akong inaasikaso. Vinn will give you all the gadgets you need."





Alam mo ba yung pakiramdam na may bagay kang gustong gusto na bilihin pero dahil wala kang pera, hindi mo mabili?





Yung halos ayaw umalis nang paa mo dun sa lugar na yon kasi alam mong hindi ka na babalik don?





URGHHHHH!





“Let's go, Desiree." Nang aasar na tawag sakin ni Terrence.





Inungusan ko lang siya at muling binalingan si Chief, “Chiiiiieeeeef..." Buong pagmamakaawang sabi ko.





Pero hindi na ko pinapansin ni Chief. Kulang na lang maglulupasay ako sa sahig e. Kasi naman! Ayoko nga, eh! >____<





Nabuo ang excitement sa akin nang umangat ang mukha ni Chief pero nadismaya din ako nang hindi sakin ang tingin niya. Kay Terrence.





“Terrence, will you do the favor for me?"





Naguguluhang tinignan ko si Chief at si Terrence. Ano yun?





Umiiling na nakangiti si Terrence habang tinignan ako bago muli kay Chief.





“Gladly, sir."





Pagtapos noon ay malakas na napatili ako nang mula sa upuan ay biglang binuhat ako ni Terrence. You know, bridal style.





“Ibaba mo ko, walang'ya ka!" Pagtapos ay sinamaan ko siya nang tingin.





Tiningnan lang ako ni Terrence at nagpatuloy na sa paglabas sa office ni Chief. Naglilikot ako sa bisig nang lalaking to at patuloy na sumisigaw.





“Chief! Hindi pa tayo tapos!"





“Damn, woman. Hindi ka ba naiingayan sa boses mo?" Naiiritang sabi ni Terrence.





“Wala kang pakielam." Pabalang na sagot ko habang karga padin ni Terrence sa hallway papunta sa Search Room.





Nakita ko sa peripheral vision ko ang ibang agents na nangingiting nakatingin samin at ganun na lang ang kahihiyan na nadama ko.





G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon