Chapter Seven~

389 6 0
                                    

CHAPTER SEVEN

DESIREE's POV

Mabilis na naiwasan ko ang malakas na suntok ni Terrence. Kasabay noon ay nilipat ko ang lakas ko sa binti at agad na umatake sa pagsipa sa kaniya.





Sa sobrang focus ko sa pagtama sa kaniya, hindi ko napansin ang pagharang niya sa binti ko gamit ang pwersa nang dalawang kamay niya.





Napaigik ako nang tumama dito iyon. Shit! Ang lakas nang depensa niya! >____<





Napasinghap ako nang maramdaman ko ang sarili ko na nawalan nang balanse at tuluyan na ngang tumumba sa placemat.





“You lose." Malamig na sabi ni Terrence at umalis na nang ring.





Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang bulto nang katawan ni Nico na papalapit sakin.





Grrrrr. Ano bang problema nang kumag na yon?!





“Hey, Des. Are you okay?"





Tumingin ako sa taas at ngumiti. “Oo naman." Sabi ko at inabot ang kamay niya.





Tinignan ko si Terrence na kasalukuyang masama ang tingin sa kung saan Humanda talaga sakin yang lalaking yan. Aba't! Namumuro na siya sakin ah!





"You're fine, Des. Just don't move this arm for the meantime dahil baka tuluyang mamaga na. Take some pills over there to help you gain fatigue in just few minutes."





Si Nico na nga pala ang isa sa mga doktor sa G&G. Katatapos niya lang mag-aral last last year at noong nakaraan naman siya nagtake nang examination niya.





Kung paano niya napagsabay ang trabaho at pag-aaral eh hindi ko alam. Pero siguro ito rin ang dahilan kung bakit siya puro panandaliang missions lang ang kinukuha.





Agad na binawi ko ang braso ko nang matapos i-check ni Nico ito. Kaunting namamaga dahil sa bigat ng pressure ni Terrence kanina pero hindi ko na ininda iyon. Malalaki ang hakbang na nilapitan ko ang damuho na ngayon ay nainom na nang tubig.





Ang kapal talaga ng mukha. GRR!





Sa inis ko, pagkalapit ko ay marahas na tinabig ko iyon sa gulat ni Terrence.





"What the-" Napatingin sakin si Terrence at nanliit ang mata nito. "-fuck, Desiree! Ano bang problema mo?!"





Ibinalik ko din sakaniya ang masamang tingin na ibinigay niya at dinutdot ko ang dibdib niya. Muntik ko nang makalimutan ang galit ko nang maramdaman ko kung gaano naka-flex ang muscle niya sa dibdib habang nababasa ito nang pawis at-





Yung totoo, Desiree? -______-





Inalis ko sa isip ko ang nakakadiring imahe na nabuo dito at tinaas ang mata ko sa mata niya rin.





"Hoy, mister! Ako ang dapat magtanong niyan. Ano bang problema mo? Kahapon ka pa nagbubwisit ah? Akala mo naman natatakot ako sayo? PSH! Kung may sama ka nang problema sakin, sabihin mo. Hindi yung gaganiyan-ganiyan ka!" Walang tigil na sabi ko.





Dumaan ang galit sa mata ni Terrence pero agad din niyang inalis yon. "Just.." he sighed. "Just leave me alone, Desiree."





"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi kung anong problema, Terrence Ford." Matigas na sabi ko.





G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon