Chapter Thirty-Three

149 2 1
                                    

Desiree's POV


"Are you sure she's involve here, Desiree?"



Napaikot ko nalang ang mga mata ko at pasalampak na umupo sa couch sa office ni Chief- na ngayon ay nakataas ang kilay na nakamasid lang saming dalawa.



Pagkarating na pagkarating namin sa Headquarters ay binomba na ako ng tanong ni Terrence. Okay lang naman sana sa akin iyon, ang kaso lang ay paulit ulit siya ng tinatanong.



Kung narinig ko daw ba at totoo ngang may kinalaman si Mrs. De Guzman sa nawawalang star dancers ng bar na iyon.



As if naman magsisinungaling ako sa kaniya? Duh.



"Alam mo, nakakarindi ka na." Bwisit na sabi ko at inirapan siya.



"Just answer the damn question, Desiree." Tiim-bagang na sabi niya sakin.



Nangunot ang noo ko. "Bakit ba hindi ka makaintindi? Oo nga, narinig ko talaga 'yon! Hindi ko sinisiraan ang girlfriend mo, excuse me."



Lalong dumilim ang mukha niya. "I'm sorry if I can't help but doubt your words. Minsan na kasing napahamak buhay hindi lang ng akin kundi ng iba pang miyembro ng Agency na ito dahil sa pagsisinungaling mo."



Ouch.



Nakita kong maging siya mismo ay nagulat sa sinabi niya, pero bago pa makapagsalita ang isa sa amin ay biglang umentrada si Chief.



"You are dismissed, Ford."



Mabilis na dumako ang tingin niya kay Chief bago ibinalik sa akin. "I didn't mean to say that-"

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon