Chapter Twenty-Nine~

252 6 7
                                    

Dedicated to my Senpai. She wouldn't understand this.. But still! XD Hi senpai! ♥

Enjoy sweet readers!


CHAPTER TWENTY-NINE


DESIREE's POV


Tatalilis na sana ako palabas pero bigla na lang humagis sa mukha ko ang isang maiksing short na palagay ko ay miniskirt. Maong pa iyon kaya medyo masakit ang impact.







"Aray!" Nakangiwing inalis ko sa mukha ko ang miniskirt. "Maka-hampas naman." Pareklamong ko pang dagdag at tumingin sa kanila- na ngayon ko lang nalamang nakatitig na pala sila sakin.







"Sino ka?" Sabay na tanong nila Barbie at Lou sa akin samantalang si Bea eh walang emosyon na nakatitig pa rin.







Katulad pa rin siya nang dati. *sigh*







Naalarma ako nang bumuka ang bibig ni Bea kaya naman agad na inunahan ko na agad siya. Nginitian ko ang dalawang babae na naghihintay pa rin nang sagot ko bago ko inayos ang boses ko.







"Ako nga pala si Megan-"







"Ikaw si Desiree."







I froze in my spot. Paniguradong mababasa niya ang emosyon ko agad agad kaya matindi ang pag pipigil kong ipakita ang pagkagulat ko sa kaniya.







So naalala niya pa rin ako until now? Dapat ba akong ma-flatter o mas mangamba roon?







Sa kabila nang mga tanong ko, sinalubong ko pa rin ang tingin niya. Kitang-kita ko na ang galit na naroon at ganoon na lang ang pagkadismaya ko. Kaya pala naaalala niya pa ako eh kasi galit pa rin siya hanggang ngayon. Over lang ah!







Tila balewala ang galit niyang iyon sa akin at pekeng kinunutan ko siya nang noo. "Pasensya ka na, Megan kasi ang pangalan ko." Sabi ko sa malumanay na boses.







"Hindi mo ako maloloko, Desiree. Marami mang nagbago ngayon sa iyo, kilalang kilala ko pa rin ang mga mata mo, at ang buong itsura mo." Nagtitimping galit na sabi niya. I can see her temper rising dahil ang ugat niya sa leeg ay kita na at nakayukom din ang dalawang kamao niya.







I fidgeted. Not because I'm scared. Pero hindi ko na kasi alam ang gagawin or sasabihin, lalo na't andito pa ang dalawang babae na confused na tinitignan ako. Thankfully, napansin ni Lou ang kunwa'y pagkanerbiyos ko kaya bigla siyang lumayo at lumapit sa akin.







"Ikaw talaga, Bea. Tinatakot mo nanaman si girlaloo dito eh. Pagalitan ka nanaman niyan ni Mamita, sige ka." Sabi niya at nilingon na ako saka nginitian. "Sorry, ganiyan lang talaga yan. Medyo weird. Ikaw ba yung bagong room mate namin? Tara ipapakita na kita sa space mo."







And that saved me. Kahit pa hanggang umalis ako eh nakatitig nang masama si Bea. Alam kong magtutuos kami balang araw, but this is not the time for that. Masiyadong importante sa akin ang mission na ito para isingit ang unsettled issue naming dalawa.







Bumalik ang ngiti sa labi ko bago ko siya sinundan. Okay, this is it!







~♥~♥~♥~♥~♥~







"So... paano mo nakuha ang ganiyang figure?"








Napaangat ako nang tingin habang nakataas rin ang kilay. It was Barbie. Curious na curious ang mukha niya sa akin ngunit halata rin ang pagkainggit.







I almost boast about it- pero pinigilan ko. It's not like pwede ko sa kaniyang sabihing nakuha ko ito dahil sa missions ko at trainings. Hindi naman pwede diba?







I smiled at itinuloy ko na ang pagliligpit nang gamit ko. "Mahilig lang ako talagang mag exercise." Sabi ko kasabay nang kibit ng balikat.







"Ganun?" Nakasimangot na sabi niya. "Nakakatamad kasing mag-exercise. Pagod na nga kami sa pagsasayaw, exercise pa. Hay nako."







"Hindi ka naman mataba ah?" Nagtataka kong sabi at tinignan ang kabuohan niya.







"Ano?" Gulat na sabi ni Barbie tapos ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa tiyan niya. "Nararamdaman mo ba ang lambot na yan? Taba yan! TABA!"







Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. Bumuntong-hininga ako bago ko tinanggal ang kamay ko sa tiyan niya at inilipat ang kamay sa balikat niya pagtapos ay tinitigan ko siya.







"I want to tell you something at gusto kong makinig ka sa sasabihin ko, okay?" Tumango lang si Barbie kaya itinuloy ko na ang pagsasalita.







"Lahat tayo, unique dito sa mundong ito. Mataba, payat, sakto lang. Hindi dapat mapressure kung gaano ba dapat ang itsura para tanggapin ka nang mundo, ang mahalaga?" Nginitian ko siya. "Ang mahalaga ay tanggap mo ang sarili mo at wala kang tinatapakang tao."







Gumuhit ang realization sa mukha niya, ngunit andoon pa rin ang pag-aalinlangan. Kaya itinuloy ko na ang pagsasalita ko.







"Ngayon, sa trabaho natin, kailangan fit ang katawan. Hindi pwede ang mataba- yung sobrang taba na talaga." Hinila ko si Barbie sa harapan nang malaking salamin at nasa likod ko siya.







"Tingin mo ba magkakasiya ka sa salaming to kung mataba ka?"







Umiling siya.







"Tingin mo ba," Itinuro ko ang bewang niya. "Makikita ba ang curves mong yan, kung mataba ka?"








Umiling ulit siya.







"At sa tingin mo ba, magandang tingnan sayo ang damit na to kung mataba ka?"







Sa pangatlong pagkakataon ay muli siyang umiling. Pagkaharap niya sa akin ay halos maluha-luha na siya at mahigpit na niyakap niya ako. "Thanks,  Meg." Mahinang bulong niya sa akin.







Ngumiti lang ulit ako at nang humiwalay na siya sa akin ay inayos niya na ang itsura niya. "Salamat ulit, ha? Ewan ko ba. Siguro nagpapaniwala ako sa mga pinagsasabi nang bruhang Louisitang iyon. I mean, sanay na ako sa bangayan namin pero minsan kasi pag mag-isa na lang ako napapa-isip lang talaga ako kung totoo ang mga sinasabi niya."







"Okay lang iyon."







Ilang sandali pa ay muli akong naiwan mag-isa sa silid ko.







I was thankful dahil natulungan ko siya sa problema niya. It might have looked such an easy problem to you, pero sa kaniya hindi. Kailangan niyang marinig iyon para masecure siya.







Ilang beses na ba tayong nakakarinig nang mga taong namamatay dahil sa gutom, sa pagpunta sa ilang doktor para sa pampapayat, ilang beses na ba tayong nakakita nang mga babae or minsan ay lalaking ginugutom nang sobra ang sarili para lang ano? Pumayat.







We are not born to please the people of the world. We are born to please God.







Hindi natin kailangan nang mga taong huhusga sa atin kung sino man iyon. At alam kong simula pa lang ito nang pagbukas ko sa misteryosong magaganap sa lugar na pinasukan ko. I know, this is going to be hard.







Narinig ko ang cellphone ko na tumunog. Nasa gilid ito nang kama ko kaya naman kinailangan ko pang pumunta sa kabilang gilid bago ko ito nakuha. Nakalagay ang pangalang 'Terrence' sa screen at ganoon na lang ang pag iikot ko nang mata ng mga ilang miss calls na ang naririto.







I answered the phone nang muli siyang tumawag. "Bakit ba-"







"Desiree!"







Napahinto ako pagkarinig ko nang boses ni Terrence. Tila ba kinakabahan ito at parang di mapakali.







"Anong nangyari?" Mahinang bulong ko na puno ng nerbiyos. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ko nakuha ang sagot na bumulabog nang buong katahimikang kanina ko lang nararamdaman.







...







...






"Inatake si Chief. Inatake siya sa puso."

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon