Chapter Twenty-Five~

249 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

DESIREE's POV

"Are you sure we're going to do this?"

Tiningnan ko si Terrence sa rearview mirror. Nandoon pa rin ang concern sa mata niya pero ano namang pakielam ko?

..........fine. Kaunting masaya ako dahil kahit hindi niya nararamdaman ang katulad nang saakin eh, concern pa din siya. That's all I need to see to gain my confidence.

"I need to do this, Terrence. Kailangang-kailangan." Tipid na sabi ko.

"Alam mo namang pwede pa nating itigil 'to-"

"Just drive."

Tumiim ang bagang nito. "Bakit hindi ikaw ang mag-drive?" Nanghahamon na tanong niya.

"Duh? Sino ba ang nasa driver's seat?" Sarkastikong tanong ko. "Ako yata?"

"We can switch places. Ikaw na ang magdrive." Akmang aalis na siya nang bigla akong tumili nang malakas.

At pagkatapos noon ay ilang tao rin ang um-'aray!' maliban kay Terrence. Ooops? Nakalimutan ko yata naka-on na ang SEA(Spy Ear Amplifier) ko. Mwehehe~

"What the heck, Desiree?!"

"Bakit ako?!" Matalim na tinignan ko siya. "Ikaw ang may kasalanan. Wala namang issue, ginagawan mo!!"

He glared back. "Sinasabi ko lang namang ikaw ang magdrive, anong masama doon?!"

"Masama? Walang masama! Pero anjan ka na nga sa upuan na yan tapos aalis ka pa? Gusto mo ba talagang ma-late tayo?!"

Sasagot pa sana siya nang biglang sumigaw rin si Vinn na nasa SEA. Base sa mukha ni Terrence, malamang na naka-on din ang kaniya.

"GUYS! Ano ba?! This is just the SECOND mission at umaariba nanaman yang kaguluhan niyo. You know I can hold you two right?"

Tahimik lang kaming pareho. Sino bang gustong masuspinde? Nang isa pang kasing taas nang posisyon namin? Wala.

"Good. You have exactly twenty minutes to go there at kapag hindi niyo na-meet ang exact time, hindi na kayo matatanggap at hindi niyo magagawa ang mission niyo. Now be a good children at tigilan niyo na ang pag-aaway dahil sinisigurado ko sainyong hindi ko na kayo sasagutin nang maayos kapag nag-away pa ulit kayo." Mariing sabi ni Vinn at nawala na sa background.

Pinigilan ko ang matawa dahil kaboses niya talaga si Chief doon, medyo mas masungit at parang mas matanda nga lang ang way nang pagsasalita niya. I looked at Terrence and immediately scowled.

Nakatitig nanaman siya sakin animo may bagay na pinipilit siyang alamin sakin. 

Walang salita na nagsimula nang magdrive si Terrence. Ako naman eh inirapan lang siya bago tumingin sa labas nang bintana at iniisip na ang mga pwedeng mangyari.

Kinakabahan? Sobra. It was like.. ten years ago? Mula nang huli kong gawin ito. At alam ko namang hindi lang ito basta mission. Dahil alam kong sa pinasok ko, maging ang nakaraan din eh babalikan ko.

Hindi ako sigurado sa kahihinatnan nang mga kilos ko, at ayaw ko rin namang mag-isip nang hindi maganda. Kung anuman ang mangyari sa huli, alam ko namang kabutihan pa rin ang mananaig. Katotohanan kalakip nang kabutihan.

"We're here."

Napapitlag ako sa biglaang pagpihit ni Terrence sa break. Sinamaan ko ulit siya nang tingin pero balewala lang na sinalubong niya ang tingin ko at tinaasan ako nang kilay.

"Mauna ka nang bumaba." Sabi ni Terrence.

"Eh bakit hindi ka mauna?"

"Guys." Vinn's voice entered the SEA again.

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon