Chapter Twenty-Six~

236 7 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

DESIREE's POV

Pinukol ko nang masama nang tingin ang kanina lang na bukas na telebisyon.

"There. That wasn't so hard, right? Pwede ka namang manuod sa ibang place-" Agad na tumigil siya sa pagsasalita nang ilipat ko ang tingin ko sa kaniya...tapos ay nginitian niya ako at muling itinuloy ang sinasabi. "-para hindi ka nakakaistorbo nang tao."

Ang kapal talaga nang mukha nang hinayupak na Ford na 'to! Argh! >__<

"At talagang sa akin mo pa sinabi yan? Lumayas ka dito!" Sigaw ko sa kaniya at inis na binato ko siya nang unang bagay na nahawakan ko... ang unan sa tabi ko.

Bale-wala lang naman na inilagan niya iyon at kinunutan ako nang noo. "Desiree, ilang taon ka na? Five?"

"Umalis ka na sa harapan ko bago ko sirain yang pagmumukha mo." Tiim-bagang na sabi ko sa kaniya habang pinapatay ko na siya sa isip ko.

Matamang tinignan niya lang ako, dapat eh tatanungin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Chief- na nakangiti nang maluwag.

"Congratulations, guys."

Napaikot ko na lang ang mga mata ko. "Super late naman nang bati mo. Ikaw pa ang boss namin niyan ha?"

Nginisihan niya lang ako. "Well, naging busy ako eh. Aba hindi naman porket ako ang boss eh hindi na ako pwedeng umibig. Tumitibok rin naman ang puso ko. At kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!"

"Di'ba kanta iyon?" Naguguluhang sabi ni Terrence. "Wala kang originality, Chief ah."

"Shhh!" Saway sakaniya ni Chief. Sino samin ngayon ang five year old? -___-

"Anyway," Muling sabi ni Chief Russel. "Pumunta ako dito para sabihin saiyo Desiree na kailangan mong magpaalam sa pamilya mo. You will stay at the bar's dorm. Lahat nang mga babaeng nagtatrabaho doon ay doon nakatira. Ayaw kasi ni Mrs. de Guzman na hassle at parating may nalelate sa trabaho kaya ipinapa-stay in niya."

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon