Chapter Twenty-Seven~

230 8 0
                                    

Dedicated to my Master! Hello Master Potato! Wala lang gusto ko lang i-dedicate sayo. :))

Sorry guise kung maiksi. Sinasabaw na talaga ako eh, pasinsya XD

CHAPTER TWENTY-SEVEN

DESIREE's POV

"Ano ba kasi talagang nangyari, Desiree? You know you can always talk to us, gagawin namin ang lahat para makatulong. Lalo na ako."

Muli ko pa ring iniwasan ang tingin ni Chief. Alam kong malapit na siyang mairita sa mga kinikilos ko pero anong gagawin ko? Dahil sa padalus-dalos ko, hindi ko naisip ang mga pangyayari.

Hindi alam ni Chief na may mga anak na ako.

Ang alam niya lang ay ang tungkol kay Greg. Noon ay nagtataka ako kung bakit hindi alam ni Chief na si Greg ay ang lalaking kinakasama ko at ang nasa mission na kinuha ni Terrence ay iisa. Yun pala ay gumagamit nang face mask si Greg, ibang lalaki ang itsura niya sa mga files na nakolekta. Maging ang pirma niya ay iba rin.

Gregory Georgeson. Yun ang pekeng pangalang ginamit niya.

Noong una, duda ako na magagawa ni Greg iyon. Pero nang tingnan ko ang ilan pang larawan nang mga kaso sa BDSM, alam na alam kong siya talaga iyon base sa bulto nang katawan. I can never be wrong with that, especially ilang beses ko na siyang nakasama. Taon pa.

 I can say that it's a clever idea. Naisip niya sigurong hindi ako maghihinala dahil akala niya ay iisipin ko na magkapareho lang nang pangalan.

Siguro masyadong maliit ang tingin ni Greg sa pulisya, tulad nang akala niyang trabaho ko, kaya hinayaan niyang makilala ko siya sa ganoong pangalan. Siguro rin, kaya hindi siya mahuli-huli nila Chief ay dahil nakatago ang mga tunay na papeles niya.

"Desiree?"

My eyes snapped back to Chief. At gusto ko na lang maglulupasay sa sahig nang makita ko ang concern sa mata nito. Totoong-totoo ang emosyon ni Chief.. he did not deserve this.

Kapag pinabantayan ko ang bahay ko, hindi nila mabubuko si Greg, pero malalaman nilang may anak ako. I can't risk the kids, for pete's sake!

"Chief-"

"Desiree. Alam kong may problema ka. I noticed it, mula pa noon. Ano ba talagang problema? Ayokong pag-isipan ka nang masama, Desiree. You know better than doing your mistakes again." Seryosong sabi ni Chief sa akin.

Natilihan ako sa sinabi niya. 'You can't lie to me again, or I'll end you.' Iyon lang ang nag-iisang ibig sabihin nang salitang iyon. Wala nang iba.

Pero kaya ko nga ba?

Mas mapoprotektahan ko ba ang mga bata kapag nalaman na ni Chief ang totoo?

Ilang minuto ang lumipas.. ilang pakikipagtalo sa isip ko bago dumating ang pinal na desisyon ko. Ibinalik ko ang tingin ko kay Chief at huminga nang malalim.

"Chief.. may sasabihin ako." Puno nang kaseryosohan na sabi ko.

His eyes lit up. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon, pero wala nang atrasan. Nang tumago siya ay kusa nalang na bumuka ang bibig ko at lumabas ang mga salitang hindi ko inaasahang masasabi ko rin.

"May mga anak na ako."

~♥~♥~♥~♥~♥~

"Yun lang ang mga gamit mo? Bakit parang ang konti naman yata?" Nagtatakang tanong sa akin ni Terrence pagtapos niyang ilagay ang gamit ko at sumakay nang kotse.

"Pakielam mo? Eh sa yan lang eh." Sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Sungit." Humahalukipkip na sabi niya bago sinimulan nang i-start ang sasakyan.

I rolled my eyes and looked out of the window. Sariwa pa rin sakin ang mga pangyayari kani-kanina lang. Kung iba lang sana ang mga sitwasyon, baka pinagtawanan ko pa si Chief sa mukha niya kanina.

Obviously, gulat na gulat siya. Ang akala niya nga eh nagbibiro pa ako. Pero nang hindi ko siya sinabayan nang tawa eh dun na naging akala mo nakakita nang multo ang itsura niya.

"Anong iniisip mo?" Tanong bigla ni Terrence.

"Anong pakielam mo?" Balik ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin parin sa daan. "Bakit ba ganiyan ka sumagot? Hindi naman kita inaano ah! May regla ka ba?"

"Oo, meron." Seryoso kong sagot pagtapos ay napangisi. "At balak kong tagusan 'tong upuan nang kotse mo."

Hindi na ako nagulat nang bigla-bigla na lang nagpreno si Terrence. In fact, nakatukod na nga ang kamay ko sa harapan ko. Mabuti na lang at walang masyadong nagda-drive dito sa highway na dinadaanan namin ngayon kundi nagka-bunggu-bungguan na.

"The fvck, Desiree! Iiwanan kita dito!" Galit na banta niya sa akin at nakatingin nang masama.

Napabungisngis ako sa sinabi niya. "As if." Paghahamon ko.

Ngayon, siya naman ang ngumisi. Pagtapos ay may kung anong kinalikot sa isang remote control na hindi ko manlang napansin.

Maya-maya eh narinig ko na lang ang 'click' nang pintuan nang kotse sa gilid ko at bastang bumukas iyon. Tapos ay impit na napatili ako nang gumalaw ang kinauupuan ko natanggal iyon sa pwesto- pagtapos ay umandar pa-kanan.

Ngayon ay nasa labas na ako nang kotse pero nananatili parin ako sa upuan ng kotse. May kung ano muling pinindot si Terrence dahil bigla na lang natanggal ang seatbelt ko at mayroong malakas na pwersa sa may likod nang upuan ang tumulak sakin paalis sa upuan.

Napaigik ako nang mahina nang bumagsak ako sa ground. "Shit!" Mahinang mura ko at dali-daling tumayo. Akmang susugurin ko pa si Terrence pero bago ko magawa iyon, bumalik na sa dati ang kotse..

..at pinaharurot na ni Terrence iyon paalis.

Nanghihilakbot na tinignan ko ito palayo nang palayo hanggang sa hindi ko na ito matanaw.

Ilang segundo pa ang makalipas bago rumehistro sa akin ang mga pangyayari.

"Walanghiya ka, Ford! Bakit mo ko iniwanan dito?!" Sigaw ko nang malakas kahit na alam kong hindi niya na ako maririnig.

Bwisit na lalaking yun talaga!

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon