Chapter Thirty~

201 6 0
                                    

CHAPTER THIRTY

DESIREE'S POV

"Chief, please don't move. You're making this hard for me, for all of us!" Naiiritang boses ni Nico ang sumalubong sa akin. Kaunting napahinga ako ng maluwag dahil kung wala pa ring malay si Chief, malamang ay hindi nagsisi-sigaw ngayon si Nico.


Na sobrang 'rare' nga kung mangyari.


"Hindi ako embalido, Nico Schadron. Bitiwan mo ako kung ayaw mong masuspinde."


Gamit ni Chief ngayon ang 'im the boss' voice niya at nai-imagine ko na lang at stressed face ng mga tao sa loob at paghihilot ng mga sentido nito. Kaya naman dito ko na piniling umentrada.


"Sir kailangan ninyo po kasing mag-steady, mahihirapan po kasi kaming i-inject ang syringe-"


"No! Get that devil-made thing away from me or i will make sure this will be the last day you're going tohave this work!"

Kawawang nurse, biglang namutla ang kaniyang mukha sa takot. I cleared my throat kaya naman lahat ng attention ay agad na lumipat sa akin. Bumadha ang 'relief' sa mukha ni Chief animo superhero niya ang dumating.


Agad namang napangiti ako doon, yun nga lang ay fake iyon. Fake na agad napansin ni Chief kaya nangunot rin ang noo niya dito. Tumungo muli ang tingin ko sa nurse na nakahawak pa rin sa syringe.


"Miss." Nahindik na tumayo ang babae sa tawag ko pero agad din itong tumango sa akin. "Sige na, pakiturok na ang syringe, paki-doblehan ang pag-iingat kundi, hindi ko pipigilan si Chief na ipatanggal kayo sa trabaho."


Hindi pa roon natatapos ang speech ko at humarap ako kay Chief. I gave him a stern look. "Ikaw ang pinakamatanda sa amin, pinakamagaling na kahit ilang baril ang kaharap mo eh hindi ka natatakot kumurap, pagkatapos ngayon isang tusok lang ng katulad ng karayom gumaganyan ka? Kapag hindi ka tumigil, ipapatawag ko talaga si Alexis."


Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod doon. Then a heavy sigh na galing kay Nico na hindi ko namamalayang nasa tabi ko na pala.


"Thank God, Desiree. You're a lifesaver." Simpleng ngiti ang ibinigay niya sa akin.


Pinaikutan ko lang siya ng mata bago sumiryoso. "Kamusta ang kalagayan niya?"


"He's fine." Panimula niya habang pareho kaming nakatingin kay Chief na ngayon ay tahimik na nakalihis ng tingin sa syringe. Kitang-kita ang pagpipigil niyang sumigaw dahil sa sobrang kagat ng labi nito.


"But he needs to take some rest, Des. Nagkaroon siya ng mild stroke and it is not something that we can ignore. May mga gamot tayong maibibigay sa kaniya but if he does not cooperate with us, the possibility of him having a heart attack is 75%. We can't risk that."


Humugot ako ng isang napakalalim na hininga. Muntikan pa akong maluha ngunit pinigilan ko.

Walang patay, at walang mamamatay.


Chief Russel has been my mother and father since I joined this Organization. Kung hindi dahil sa kaniya, walang wala ako. Kaya naman sobrang masakit rin sa akin na may ganitong kalagayan si Chief.


"May paraan naman diba? You're one of the best doctor here in the Philippines, Nic."


Nico smiled bitterly. "It's a 50/50, Desiree. I can only do so much."


Hindi na rin humaba ang usapan sa amin ng lumapit sa kaniya ang nurse na nag-inject kay Chief. "Doc, naghihintay na po sa 4th floor si Lyla." Nakangiting sabi nito sa kaniya.


"Thank you, Ellie." Agad na ibinalik ni Nico sa akin ang tingin niya. "Sorry, Des. I have to go, may iba pa kasing pasyente ang naka schedule sakin. And I know you can handle Chief very well."

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon