Chapter Ten~

371 8 1
                                    

Dedicated only to you, my lovely bessie. Thanks sa support! I really much appreciate it. Loveyou! ;)-ZL

CHAPTER TEN

DESIREE's POV

"Des, are you okay?"





Napapitlag ako nang hawakan ako ni Terrence sa mukha. Agad kong pinalis ang kamay niya at lumayo sa kaniya.





No... bakit involve sa ganito si Greg?





"Desiree."





Bumalik ang tingin ko kay Terrence na mukhang nasaktan sa ginawa kong kilos. Doon ako nilukban nang guilt. Hindi ko naman sinasadyang gawin iyon. Pero hindi ko alam... bumalik lang sa akin ang imahe nang nakaraan.





Brent.. ginawa niya rin iyon sakin.





Agad na ipinilig ko ang ulo ko at yumuko. Kung anu-ano nanamang naiisip ko, pero hindi ko napigilan nang tumulo nang mabilis ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Shit, bakit ba ako umiiyak?!





"Desiree, ano bang problema?" Nag-aalalang tanong sakin ni Terrence.





Iniangat ko sa kaniya ang ulo ko para sigawan sana siya pero nagimbal ako nang makita ko ang mukha ni Brent sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na itinulak siya nang hahawakan niya ako.





"Hindi! Patay ka na!" Sigaw ko. Agad na binalot ako nang matinding takot at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko. "Lumayo ka sakin! Kriminal!" Singhal ko.





Napuno nang kalituhan ang mukha niya at bumalatay rin ang sakit dito, but I know better. Malamang na nagpapanggap lang siya. Katulad nang panlilinlang na ginawa niya sakin noon.





Nanginig na ako sa takot nang muli siyang nagtangkang lumapit sakin at pangako, halos mabaliw na ako mahawi ko lang siya palayo sakin.





"SINABI NANG WAG KANG LALAPIT E! WALANGHIYA KA!" Buong lakas na sigaw ko at bigla na lang akong napaiyak nang maramdaman ko ang pader sa likod ko.





Nanlamig ang buong katawan ko at parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Wala na, wala na akong pag-asa, siguradong papatayin niya na ako.





XX TERRENCE's POV XX

What the hell?





Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin si Desiree habang nasa harapan niya ang dalawang kamay niya animo pinoproteksyunan siya nito.





"Desiree, what the fuck are you talking about?" Inis na sabi ko. The way she looks at me makes me feel like I'm some maniac freak. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to?





I took a step closer but stopped when she screamed. Lalong nangunot ang noo ko.





"Diyan ka lang!" Takot na takot na sabi nito. "M-maawa ka, w-wag kang lalapit s-sakin." Nanginginig na usal ni Desiree.





I felt dumb for feeling sorry for her. Pero dahil hindi ko alam ang nangyayari, I don't know what to do. So for the third time, I stepped closer.. na dahilan nang pagkapit niya sa railings at akmang tatalon.





"Damn it, Desiree! Don't!" I was about to hold her in the waist pero tinabig niya ang kamay ko.





"L-lumayo ka sakin Brent! Tapos na tayo! Patay ka na!" Patuloy parin ang iyak niya.





G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon