Chapter Two~

596 8 1
                                    

CHAPTER TWO

DESIREE's POV

“Late nanaman?"





Agad na inihinto ko ang pag-aayos ko nang mga papeles sa table ko dito sa office at nilingon ang nagsalita.





“Good morning, Chief." Nakangiti kong bati. “Medyo busy ako eh."





Tumaas ang dalawang kilay ni Chief. “Saan naman? As far as I know, wala pa naman akong binibigay na mission sayo ah."





Lumunok ako. “Sa bahay 'to.. Pinaayos lang sakin ni Greg."





Alam ni Chief ang tungkol samin ni Greg...pero hindi niya alam ang tungkol sa anak namin.





Doubt crossed his eyes. “Greg? Kamusta na nga pala kayo?"





“Okay naman." Sabi ko at pilit na inignora ang mapanuring tingin ni Chief.





Eto na nga ba ang sinasabi ko. Kahit na ba ilang buwan nang makalipas noong pangyayari tungkol sa pagtatraydor ko sa kanila.. They're still doubting me. Kahit na alam na nila ang totoo.





Pero sa tingin ko, malaya naman silang husgahan ako kahit kelan nila gustuhin. As long as my babies are safe, ayos na 'ko.





“I see." Sabi ni Chief at tumango-tango. “Anyway, andito nga pala ako para sa bago mong assignment."





Kasabay noon ay inilapag ni Chief ang isang violet folder kung saan naglalaman nang panandaliang mission.





Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang litrato nang isang...well, sabihin na nating may itsura ang lalaki. May bigote ito na bumagay sa mukha at ang brown eyes din nito. Kung sa unang tingin sa mukha pa lang, for sure na deserve mo dito ang second look.





“His name is Hanz Villaroel. Isa siyang dating model nang isang underwear company. Ngayon ay nagmamay-ari nang isa sa mga dinadayong restaurant, ang Villaroel's Dine. Isa na sa dahilan ang pagdayo dito ay ang pagiging sikat nang lalaki."





Napataas ang kilay ko. “Women?"





“Yes." Sagot naman ni Chief habang nailing. “You know some of your kind really knows how to make a fool of themselves."





Akmang sasagot ako pero ipinagpatuloy ni Chief ang pagsasalita.





“Anyway, wala naman daw masasabi sa luto, dahil talaga namang pang five-star ang lasa nito. I've tried some in their menus nang ichineck ko ang lugar, it's good. However, may nangyayaring palitan tuwing sasabit ang closing time nang nasabing restaurant."





“Drugs?"-me





“I wish iyon nga ang ibinibenta. But, no. Tuwing sasapit ang closing time nang restaurant, lahat nang mga taong naiiwan sa loob....hindi na nakakalabas pa."





And that's how to get my attention, dear. “Let me guess!" Excited na sabi ko. “Mga babae ang natitira at ini-export sila sa ibang bansa para gawing prosti, tama ba ako?" Proud na sabi ko.





Napangiwi si Chief. “Wrong. Even the guys are involved here. Listen, tuwing closing nila, everyone who are still inside the place, nila-lock na nila nang lihim. And then they will serve an extra free ‘delicious' piece of cake.”





G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon