Chapter Twenty-One~

251 7 6
                                    

Im truly, deeply, and madly sorry for making you all wait. Wag niyo sana ako iwanan sa storyang ito dahil maging ako naguguluhan sa plot ko dito. XD Loveyou all~ ZAIRALOUISE♥

CHAPTER TWENTY-ONE

DESIREE's POV

"Wala ba talagang magsasalita sainyong dalawa?"

Sinulyapan ko si Terrence, na ngayon ay masama ang tingin sa table ni Chief, kahit na alam kong para sa akin yon, bago ko ibinalik ang tingin kay Chief.

Ayokong makielam pa samin si Chief. Tama na yung nangyari kay Jamilla. I saw how she was hurt. Ayokong pagdaanan ulit iyon. Nakakapagod masaktan.

Mula nang sigawan factor namin ni Terrence kanina, hindi niya na ako kinakausap. Hindi ko nga alam kung bakit. Nagtry ako, wa epek.

Ayoko nang ganitong away. Sanay ako nang simpleng bangayan namin pero kung ganitong hindi niya na ko papansinin, aba mas mabuti pa yung minu-minuto nag-aaway kami.

Bumuntong-hininga si Chief. "Okay, fine. Hahayaan ko kayong dalawa ayusin itong gulong ginagawa niyo. Pero please lang, don't you ever bring this on your mission. Inilusot ko lang 'to sa  pulisya kaya umayos kayong dalawa."

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango ni Terrence kaya ginaya ko na lang din siya. Chief looked at us with worries in his eyes pero inalis niya na iyon at binigay na sa amin ang tig-isang folder.

Binuklat ko iyon at nakakita ako nang isang babaeng may edad na pero puno pa rin nang kolorete o make-up sa mukha. Base sa information na nakalagay, siya si Rosario de Guzman. Edad na 45 years old at mag-isa na lang sa buhay. Isa lang ang tanging kinukuhaan niya nang pagkakakitaan..

...

...

isang bar. LeDance Bar.

"Sa nakikita niyong yan, si Mrs. de Guzman ang may-ari nang bar. Mahigit limang taon na rin mula nang mabuksan ang nasabing bar. Sa hindi malamang dahilan, agad na naging mabenta ito lalo na sa matataas na posisyon sa pulitika." Paninimula ni Chief.

Nagulat ako nang biglang nagsalita ni Terrence sa kalmado nitong boses.

"May kinalaman ba 'to sa huli naming mission? Because if it doesn't have, then Im outta here. Sinabi ko na sainyo. Hindi ako tatanggap nang ibang mission hangga't hindi nasosolve ang case na iyon." Sabi ni Terrence na diretso lang na nakatingin kay Chief.

Sumandal si Chief sa swivel chair bago binigyan nang tipid na ngiti si Terrence. "Yes, I know that." Pagtapos ay tumingin sa akin. "Kaya nga pinatawag ko na kayong dalawa. Dahil may koneksyon ito sa huling mission niyo."

Huminga ako nang malalim. Mukhang ngayon pa lang, hindi ko na magugustuhan ang kahihinatnan nang pag-uusap na 'to ah.

Pinilig ko ang ulo ko at muling nag-focus nang magsalita na ulit si Chief.

"Sa LeDance bar unang nagkaroon nang kaso ang mga nawawalang menor-de-edad na babae. Noong una ay hindi pa napapansin nang may ari na si Mrs. de Guzman dahil napakarami namang mga babae ang nandoon pero dumating ang isang gabi, isa sa mga staff ang bigla na lang nawala nang parang bula."

"Sabi sa statement, noong una ay pinabayaan ito nang ginang dahil baka hindi na gusto ang trabaho at bigla na lang umalis nang walang paalam. Pero dumating pa ang isa sa mga big shows nang LeDance Bar, ay doon rin nawala ang pinakamagaling na performer nang club. Hindi na ito pinalampas nang may-ari at agad na nagsabi sa pulis."

"Ang sabi niya pa, madami raw silang mga kliyente na suki na pero wala naman daw nangyayari noon sa loob nang nakalipas na taon. Nagsimula lang iyon noong dumating ang ilang mga lalaki na hindi maitatangging may itsura at maganda hubog nang katawan."

"So simula noon, agad na nagsisiwalaan na ang mga babae?" Tanong ko. This is interesting. Iba talaga ang nagagawa ng 'looks' ika nga. Tsk.

Umiling si Chief. "No. Hindi naman agad-agaran ang pagsisiwalaan. Kada dalawang linggo ang makalipas, isang babae lang. Pero ang nasabing mga lalaki, isang beses sa isang linggo kung dumalaw. Para siguro hanapin ang target nila."

Tumango ako at hinayaan nang ipagpatuloy ni Chief ang iba niya pang sinasabi.

"Natatakot na ang may-ari dahil nawawalan na daw siya nang pinagkakakitaan sa buhay. And no, hindi ito isang mababang uri nang bar. Isa ito sa mga bar na may lisensya ang lugar at mga nagtatrabaho, though hindi ko alam kung may ginagawang iba or paghuhubad sa loob kapag walang bantay."

"Ayun na yon?" Naka-kunot ang noo ko. "So anong kailangan naming gawin?"

"You need to go in to that club."

I give Chief a pointed look. "Yung totoo, Chief? Alam natin mapagmasid ang manager. Siguradong mahahalata niya kaming sinusubaybayan namin ang lugar niya. Hindi lang malalagay ang identity namin sa delikadong sitwasyon, mas lalo pang magffreak-out ang mga taong nagtatrabaho na doon."

"We know that, Desiree."

Akmang magsasalita na ako pabalik nang mapatigil ako.

It was Terrence at hindi si Chief ang nagsalita. Gulat na tinignan ko siya at mas lalo pang nagulat nang makita kong sa akin nga talaga siya nakatingin.

He cleared his throat at muli nang iniwasan ang tingin ko. "I get what Chief wants. Hindi tayo doon pupunta bilang customer. Pupunta tayo doon....

...

...

As workers."

Nakangiting tumango si Chief. "Ang galing mo bro." Terrence rolled his eyes. Hindi naman iyon pinansin ni Chief at tumingin sakin ulit. "Si Terrence ay magsisilbing bartender sa bar. Habang ikaw, Desiree-"

"What, waitress?" Pekeng tumawa ako. "Baka masapak ko lahat nang mga animal sa bar na iyon pag nagserve ako! Isa pa, base dito sa information, hindi naman nila kailangan nang waitress eh. Ang kailangan nila-"

Biglang lumakas ang kaba ko at napatigil na rin ako sa pagsasalita. No. Hindi. Hindi pwedeng mangyari 'to. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Chief.

I know he can see it in my eyes pero alam ko rin na wala siyang ibang paraan para maging successful ang operasyong ito.

Terrence smirked at me. Siguro dahil nakita niya ang pamumutla ko.

"Exactly, Desiree. Hindi ka pwede maging waitress doon dahil sa tindi nang patience mo." Sarkastikong sabi niya sakin. "Kaya papasok ka doon bilang..

...

...

strip dancer."

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon