Chapter Thirty-Four ~

257 4 5
                                    

Desiree's POV

"Anong meron at ang tahimik yata ng paborito nating babe ngayon?"



Kunwari'y di ko narinig ang sinabi ni Barbie na may himig ng pang-aasar. Hindi naman sa wala ako sa mood..



Okay fine, wala lang talaga ako sa mood.



Ever since nung araw na nalaman kong alam na ni Russel ang buong impormasyon tungkol sa buhay ko, hindi na din ako tumigil sa kaiisip.



I'm scared.



Natatakot ako na baka pati ang buhay ng mga anak ko e maidamay ko na sa komplikado kong sitwasyon. Komplikado kong buhay.



"Uy, girl! Ano ba!"



Agad akong napapitlag sa biglang hampas sa akin ni Lou sa balikat ko. Napatawa silang dalawa ni Barbie na kasalukuyang kasama ko rin sa kwarto namin.



Si Beatrix kasi ay maagang umalis, hindi naman na ako nag-abala pang tanungin kung saan siya pupunta. It's not like I should care. Sasagutin din naman niya ako ng hindi kaaya-ayang pambabara at tulad ng sinabi ko- wala ako sa mood lalo na sa mga ganoong bagay.



"Kanina ka pa lutang. Namimiss mo na ba yung bartender natin?" Nanunudyong sabi ni Barbie sakin. Itinaas-baba naman ni Lou ang kilay niya tila nagpapahiwatig ng kung ano.



Si Terrence kasi ay umalis muna sa bar dahil day-off niya daw. Tinanong ko naman ang ibang bar tender na nagtatrabaho dito pero hindi naman daw sila binibigyan ng day-off. Malakas yata talaga ang tama ni Mrs. de Guzman sa shokoy na yun. Ewan ko ba.



Pinaikutan ko sila ng mata. "As if." Sabi ko at nagbuntong-hininga. "Wala, iniisip ko lang kung kakayanin ko ba yung gagawin kong performance mamaya sa harap ni Mister Chiu."



Mas mabilis pa sa kidlat ang pagkawala ng mga ngiti sa labi ng dalawa. Namutla din silang pareho pero sa kabila nito ay tumawa pa din sila....ng pilit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon