Chapter Twenty-Eight~

237 7 4
                                    

Dedicated to this lovely girl. Thankyou po for reading my book! ^___^

Enjoy guys! -ZL

CHAPTER TWENTY-EIGHT

DESIREE's POV

Hingal na hingal ako nang makarating sa bar. Halos hindi ko na nga maramdaman yung binti ko sa sobrang pamamanhid eh.

Gaano kalayo? Sabihin na nating parang nilakad ko ang Tagaytay hanggang Mall of Asia.

Malayo ba? Okay lang naman sakin, exercise na rin naman 'to.

Masaya? Well.. Hindi! Mapapatay ko talaga ang may kasalanan nang lahat nang ito! >__<

Hindi ako nag-abalang tawagan si Chief, na kung tutuusin ay tutulungan ako agad-agad.

Bukod sa ayokong makutya ng mga co-agents.. hindi pa ako handa sa reaksyon ni Chief sa sinabi ko. Good or Bad.

Kung anuman ang sasabihin niya tungkol sa akin at mga bata, I don't want to hear it now. Siguro pag natapos ko na ang mission na 'to or sa gitna ng operasyon na ito. Anything! Basta't hindi ngayon.

Isa pa, hindi ko hahayaang maging magmukha akong 'weak' sa mata ni Terrence. I won't satisfy that stupid monkey!

"Miss, ano pong gusto niyong drinks? Mukhang pagod na pagod kayo ah."

Feeling ko daig ko pa ang sinapian kesa sa babae sa The Last Exorcism 2 nang marinig ko ang boses iyon. Pakiramdam ko lahat nang init at dugo ko sa katawan umakyat lahat sa ulo ko.

Mabilis na nilingon ko ang walanghiya na lalaki. Nakangisi pa at itinaas ang basong hawak nito ngunit agad ding nawala ang ngisi niya nang makita niya ang emosyon ko. Pero bago pa siya makakilos, nilundagan ko na agad siya.

"Walanghiya ka, alam mo ba kung gaano kasakit  yung mga binti ko ngayon?! Ha?!" Galit na tili ko sa kaniya. "Hindi diba?! Kaya ipaparamdam ko sa'yo!"

Kung hindi niya nailapag agad ang baso at ang boteng hawak niya sa table ay malamang na basag na iyon ngayon.

Wala naman kaming poproblemahin sa customers dahil masyado pang maaga at sarado pa ang bar sa mga oras na ito.

That gives me much time to murder this asshole.

Agad na sinabunutan ko siya nang mahigpit sa buhok niya ng makaayos ako ng upo sa tiyan niya. Hindi naman mahirap gawin iyon since medyo may kahabaan ang buhok niya. Buti na lang talaga!

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon