Chapter Sixteen~

291 6 4
                                    

A/N; OMG GUYS! KAILANGAN NYONG SUMALI SA WATTPAD FORUMS! ANG SAYA SAYA DUN XD share ü ENJOY READING~ ZAIRALOUISE.

CHAPTER SIXTEEN

DESIREE's POV

"Get. The. Hell. Out. Of. There. Desiree!"

Napaigik ako nang marinig ko ang puno nang pagkaseryoso ang boses ni Terrence. Well, hindi rin naman ako matutuwa kung paghihintayin niya rin ako nang 30 minutes sa loob ng CR.

Yes, thirty damn minutes.

"Terrence-"

"Kapag hindi ka pa lumabas sa loob nang limang minuto, I'm going to leave you here."

Natilihan ako sa sinabi niya at kahit na hindi ako natatakot sa banta ni Terrence, ayokong mag-taxi mag isa. I don't trust any people to take me home. I just can't. Hindi ko rin kasi dala ang kotse ko.

"Fine." Labag sa loob na sabi ko at hindi siguradong binuksan ko na ang pinto.

Pagbukas ko nang pinto ay hindi inaasahan ang tumambad sa harapan ko. Yung akala kong ubod nang galit na mga staff nang Shakey's at mahabang pila nang customer na inip na inip na eh kabaliktaran sa totoong nangyayari ngayon.

Bakit? Dahil ngayon, imbis na galit ay puno nang simpatya ang lahat ng mga taong nakatingin sakin ngayon. Magmula sa customers hanggang sa staffs.

Dumako ang tingin ko kay Terrence at doon na ako tuluyang nanghinala nang mapansin kong nagpipigil siyang mapatawa.

"Ma'am okay na po ba kayo?" Tanong nang isang crew at inalalayan pa akong maglakad papalapit kay Terrence na ngayon ay pilit pinaseryoso ang mukha.

"Huh?" Hindi siguradong sabi ko. "Oo, okay lang ako. Bakit?"

Hindi sumagot ang babae pero nakita ko na sa mata niya, na para bang sinasabi niyang naiintindihan niya ako. Nilingon ko si Terrence pero panay parin ang iwas niya sa akin kaya naiinis na hinila ko na siya palabas.

Humanda sakin tong-

"Sir! Sir!"

Palayo na sana kami ni Terrence pero mabilis rin kaming naabutan nang bababeng nasa palagay ko ay 30 plus years old at ang manager nito. I sighed and watched her catch her breath bago siya tumingin kay Terrence.

"Pag hindi niyo po na kayanan Sir, eto po." May binigay siyang parang calling card na inabot naman ni Terrence. "Magaling po siyang Physician at matutulungan niya po kayo talaga."

Nagtagis ang mga bagang ko sa narinig ko. Physician kamo?

Inantay ko munang makaalis ang babaeng manager- finally pgtapos niya ako bigyan nang nakakaawang tingin- ay tsaka ko hinarap si Terrence. Inilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at tinaasan ko siya nang kilay.

"At ano nanamang ginawa mo't ganon na lang nila ako tingnan na akala mo e namatayan ako nang sampung anak?" Pagalit na tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba mga pabigat na ginagawa sakin nito e!

Tumingin muna si Terrence sa paligid bago siya tumigil sa akin....pagtapos ay humagalpak nang tawa.

Naiyukom ko ang kamao ko at naiiritang inintay ko muna siya tumigil. Saktong sampung segundo eh naghihingalo na siyang tumatawa bago simulang kalmahin ang sarili niya.

"Oh, God. That was a great one." Sabi ni Terrence at umiling-iling. Pagtapos ay amused na tinignan ako ni Terrence. "Let's go?"

"Terrence!" Halos pasigaw na sabi ko sa kaniya. Ang ibang tao eh napatingin sa gawi namin pero hindi iyon ang pinakamahalaga sakin ngayon.

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon