Chapter Eleven~

378 6 2
                                    

CHAPTER ELEVEN

DESIREE's POV

“Umm, guys? Hello? Nagtatanong ako?"





Nakadagdag nang kyuryosidad ko ang gulat sa mga mukha nila. Seryoso, lahat ba sila high?





Syempre joke lang. -____-





“May narinig ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Terrence.





Tinaasan ko siya nang kilay. “Bakit, may kailangan ba kong malaman?"





Mabilis na umiling-iling si Terrence. “Ah.. hehe. Wala 'no! Anong kailangan mong malaman? Diba guys?"





Lumipat ang tingin ko sa kanila Vinn, Nico, Yanna na halos patayin na siya nang tingin. Sino ba ang hindi? Eh, obvious naman na may tinatago sila, duh.





Agad na tumayo si Yanna at lumapit sakin. “So... how are you feeling?"





“Okay na okay lang ako." Seryosong sabi ko. “Ano bang nangyayari?"





Gulat na napatingin siya kanila Vinn na nagkibit-balikat lang bago tumingin ulit sa akin. Puno nang curiousity ang mata ni Yanna.





“Hindi mo alam?"





Nangunot ang noo ko at pinilit alalahanin ang mga nangyari. “Hmm.. naaalala ko nasa rooftop ako kanina. Tama?"





Tumango si Yanna sa akin kaya tinuloy ko. “Tapos, ang forever papansin na si Terrence, ginulo nanaman ang momentum ko."





Nakita kong napangiwi si Terrence sa peripheral vision ko na ikinangisi ko. “Tapos, niyaya niya ako nang mission tungkol sa mga sex slaves." Tuloy ko. “Tapos—"





Napatigil ako nang parang binato ako nang kungsino nang maalala ko bigla ang lahat ng nangyari.





“Desiree? Desiree, why did you stop?"





Tiningnan ko si Yanna sa mata at nakita ko ang matinding pag-aalala doon. I grasped her hands immediately. “Si Brent!" Mabilis na sabi ko.





“Brent?"-yanna





“Oo, si Brent. Buhay siya, Yanna! Papatayin niya ako!" Naramdaman ko ang pagtulo nang luha ko.





“Pero Des, imposible yun. Sigurado akong patay na siya."





“Hindi!" Matigas na sabi ko. “Kitang-kita ng dalawang mata ko yun! Hindi ako pwedeng magkamali!"





“That was Terrence."





Agad na natigil ang pagluha ko at diretsong lumipat ang tingin kay Vinn.





Anong sinasabi nito?





“Si Terrence lang ang kasama mo during the whole time na nasa roof top kayo. He said he was just discussing the mission at nang banggitin niya ang pangalan nang masterminds, doon mo na siya inakusahang si Brent. You've mistaken him as that bastard."





At doon ako nasapul nang katotohanan. So... ayun pala ang nangyari? Psh.





"Desiree." Tawag sakin ni Chief gamit ang seryosong boses. "We need to talk."





Bigla akong kinabahan sa boses ni Chief. Parang hindi yata maganda ang magiging daloy nitong usapan ah.





...





...





“Desiree, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I want an honest and straight question, am I clear?"





Napahinga ako nang malalim at ninenerbiyos na tumango lang. Nang makasigurong okay na ako ay lumabas na kami nang clinic dito sa G&G.





Naiwan na sa labas sina Nico, Yanna at Vinn. Si Terrence, gustong sumama as usual, pero pinigilan siya ni Chief.





Instead, sapilitang pinalabas muna siya nang HQ dahil alam naman naming gagawin noon ang lahat makapakinig lang.





Tumingin ako kay Chief at para bang iyon na lang ang hinihintay niya at binuka na ang bibig nito.





Please. Wag muna ngayon.





“Nakalimutan mo bang inumin ang gamot mo?"





Gulat. Yan lang ang emosyong rumehistro sa akin. “Huh?" Gulong-gulo na sabi  ko.





“Nong nangyari ang insidente kay Brent." Yes, ang tinutukoy niya eh yung nagtraydor ako. “Hindi ba't dahil sa mga galos mo, binigyan ka ang reseta nang doktor? Madalas ka ding bangungutin at may gamot ka din para don, diba?"





Tumango ako.





Napabuga si Chief nang malalim. “Ayun naman pala eh." Sabi niya. “So.. bakit ka nagkakaganito?"





Agad na inialis ko ang pagkalito sa mukha ko. Well, I must say, hindi ko inaasahang ganito ang usapan namin. Ang akala ko mabubuko na agad ako tungkol kay Greg. Whew.





“Stress lang ako lately.." Pagsisinungaling ko.





Matamang tinignan ako ni Chief. “Nai-istress ka na bang masyado kay Terrence, Des? If you want, I can switch partners. Kung ganiyan ang epekto sayo ni Terrence, I wouldn't mind breaking my own rules."





"Hindi, Chief." Nakangiting sabi ko. “Oo, naiirita ako nang sobra sa lalaking 'yon pero hindi naman siya ang dahilan nito. I guess I'm just pushing myself too much. Madami rin kasing nangyayari sa outside world ko.. you know."





Besides, ayoko nang makagulo pa sa ibang tao.





Tumango-tango si Chief. “Do you still have a boyfriend?"





Pilit ang ngiti na tumango ako, habang unti-unting bumabalik ang nerbiyos. “Bakit, Chief?"





“Oh, nothing." Bale-walang sabi niya. “Anyway, you can go now. Sa tingin ko'y nagmamakaawa na si Terrence na buksan ang pintuang yan. Don't forget to drink your meds, Des. Ayoko nang mauulit 'to."





Tumango lang ulit ako at nagpasalamat kay Chief. Tumayo na rin ako at tahimik na nilandas ang papuntang pintuan. Akmang bubuksan ko na ito nang muli akong tawagin ni Chief.





“I'm sorry, Des. I know you're confused as to why I act like this pero.. para na rin kitang nakababatang kapatid. Nagkamali ka man noon, alam kong may mabuti kang reason bakit mo nagawa iyon. At alam ko namang hindi mo na ulit ako bibiguin pa. I just wanted you to be okay, alright?"





At doon, nagsimula nanamang bumalik sa akin ang isang emosyon na akala ko, hindi ko na mararamdaman at mae-encounter pang muli.





Guilt.





Dahil hindi ko alam, baka sa ikalawang pagkakataon...





...





...





I'll be a stupid liar again, for Greg's sake.

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon