Chapter Eight~

377 7 0
                                    

CHAPTER EIGHT

DESIREE's POV

“Terrence?"

Walang sagot.

Napairap ako at muling sumubok sa mas malakas na boses. “Terrence? Anjan ka ba sa loob?"

Nang wala akong makuhang sagot ay makapal ang mukhang pinihit ko na ang door knob at dahan-dahan pumasok sa loob.

Hindi ko alam kung bakit, pero kinabahan ako. Para bang.... may mangyayaring hindi ko inaasahan. Yun bang maka-mountain moving life changing. Ganon.

Ang korni. =___=

Naabutan ko doon si Terrence na tahimik na nakatayo lang sa harap ng glass wall niya at hawak sa kamay ang isang baso nang beer. Since transparent ito, nakikita namin ang buong syudad sa labas, pero dahil Secret Agent kami, ginamitan namin ito nang 'Invisible Wall' dahilan para akalaing pader lang ito nang mga tao sa labas.

Astig, no?

Hindi naman rin kasi pupwedeng makita nang ibang tao ang mga nakapaloob sa bawat office namin. Masyadong confidential.

Kita ko sa gilid ang mga paggalaw- si Chief. Akmang hihinto ako sa paglalakad nang tanguhan niya lang ako na para bang iginigiya akong ituloy ang anumang gagawin kaya napatango na lang din ako.

Nang makaalis si Chief sa loob ay tuluyan na akong lumapit kay Terrence, tumingin rin ako sa bintana at doon ko na binasag ang nakakabinging katahimikan.

“Ano ba kasing problema?" Mahinahon kong sabi.

At sa pangatlong pagkakataon... wala nanamang sagot.

Huminga ako nang malalim at ipinikit ko ang mga mata ko. Inhale.. Exhale.. Inhale.. Exhale..

Huuu! Grabe. Hindi ko alam pero baka High Blood pa ang ikamatay ko dahil dito sa lalaking to.

>____<

Tinignan ko na siya sa pagkakataong ito at literal na sinigawan na talaga. “Ano ba, Ford?! Hindi ka ba magsasalita?!"

This time, sa nakakagulat na pangyayari *insert sarcasm here*, lumingon siya! Can you believe it? Psh.

Tinignan niya ako at bumuntong-hininga. "Why are you here, Desiree?"

Lalong napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Talagang yan pa ang itatanong mo sakin ha? Grabe, napakatalino mo naman-"

"Desiree." Sabi nito. May galit sa boses niya kaya naman napatigil na rin ako sa pagsasalita. He looked at me warily bago siya nag-iwas ng tingin sakin. "Didn't I told you to leave me alone?"

"Terrence," Sabi ko naman sa naiinis na boses. "Walang mangyayari kung pababayaan natin 'to. Lalo lang lalala. Ano ba kasing problema mo't biglang ang dali-dali mong magalit jan? Oo, alam ko namang nag-aaway tayo...pero hindi naman umaabot sa sakitan."

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry. Nawala lang ako sa pag-iisip ko. You just looked weird.. smiling like an idiot kahit wala namang nakakatuwa sa mga nangyayari. Or are you faking it again? Di ba't sinabi ko nang wag-"

"Oy, oy!" Pigil ko sakaniya. "Ang kapal mo naman mang-akusa! Sipain kita eh, hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako?"

"Why?"

I was caught off guard by his question. Puno din ito nang pagkaseryoso at.... selos?

Umiwas ako nang tingin nang makita ko ang matalim na mata niya. "Chismoso ka din 'no?"

"Desiree." Sabi ni Terrence na

malapit na mawalan nang pasensya.

"Ah, basta!" Itinaas ko ang mga kamay ko sa hangin. "Kung ano man yang ikinagagalit mo, bahala ka."

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon