Chapter Nine~

446 7 3
                                    

A/N: Dedicated to: MsButterfly because I love her so much! ♥ :)

Birthday ko na bukas kaya please, more votes? Ngayon lang promise! XD Mwehehe! Thankyou :">

CHAPTER NINE

DESIREE's POV

Nabubwisit na hinawi ko- sa napakaraming beses na- ang mukha ni Terrence palayo sakin.

"Pwede bang tumigil ka na, Terrence Ford? Gusto mo talaga nang sakit sa katawan eh, noh?" Nanggigil na sabi ko sakaniya.

Napatawa siya nang mahina. "It's your fault. Ayaw mo kasing ibaba yang buhok mo. Ikaw ang gumagawa nang mga bagay na kinaiinis mo so don't blame me." Tapos ay bumalik  siya sa pag-ihip sa batok ko.

-_____-

Sa hindi ko malamang dahilan, ayaw na ayaw niya kapag nakataas, in other words, nakapusod or ponytail yung buhok ko. Reason? Hindi ko nga alam.

Bumuntong-hininga na lang ako at hinayaan siya. Hindi naman ako nakikiliti eh. Nakakairita lang talaga kasi nagbabasa ako.

Itinutok ko ang atensyon sa librong binabasa ko. Hangang-hanga rin ako kay MsButterfly, ang author nang His Secret Agent Pretend Wife na ngayon ay published book na.

Eh yung mga gadgets nila eh mas upgraded e, kulang na lang yata malikha nila yung pagpapalutang nang tao. Tapos yung missions? Dudugo muna utak mo bago mo matapos. Ibang klase!

^______^

O_____O

Napasinghap ako nang maramdaman kong dumikit ang labi ni Terrence sa leeg ko. Saglit na saglit lang iyon at halos daplis lang pero sigurado ako sa naramdaman ko dahil tumayo ang balahibo ko. Naghihilakbot na tinignan ko siya.

"Anong ginagawa mo?!"

"What? Nothing."

Naging matalim ang tingin ko sa kaniya. "Wag mo akong pinaglololoko, Terrence ah. Nako talaga! Lumayo ka nga sakin at baka mahawaan mo pa ko nang sakit!"

Umuuyam na tinignan niya ako. "Excuse me, Miss. Kahit ilang beses mo pa akong ipa-test sa doktor, you'll never find any kinds of virus in me. Besides, it's not like hindi pa natin nagagawa 'iyon'."

Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "Walanghiya ka, lumayo-layo ka nga sakin!" Patiling sabi ko at hinampas siya sa braso papalayo. Tinawanan niya lang ako pero patuloy parin ang pang-aasar sakin.

Teka, bakit mukhang gulat na gulat kayo?

>__________<

Oo na, i-eexplain ko na! Nangyari kasi yun nung ikatlong araw ko pa lang dito sa G&G. Hindi ko naman sinasadyang mangyari iyon eh. Saktong nagkaproblema kasi kami ni Greg, tapos eh naglasing ako sa Plazo de Bar.

Eh sa likas na malandi si Terrence, ayun. Hinarot niya ako at paggising ko na lang, nakahiga ako sa kama niya at pareho kaming hubad.

Joke.

Ang totoo niyan, isa lang naman akong mahinang babae na naakit sa katawan at mukha niya. Crush ko na ang manyak na si Terrence unang kita ko pa lang sa kaniya pero never kong sasabihin sakaniya yun no!

So ayun nga... totoong may problema kami ni Greg nun, pero hindi ko naman aakalain na yun yung magiging daan para mangyari ang hindi dapat.

Okay, I'll let you in a secret if this helps anything.. may problema kasi ako. Hindi ako pwedeng malasing, o kahit makainom man lang nang alak, dahil kung hindi..trouble na ang kasunod noon.

Magiging sobrang high ako at mapusok na. Nagkataong si Terrence ang unang lumapit sakin noon kaya ayun.. kaboom!

Siyempre, hindi alam ni Greg ang nangyari. At si Terrence naman, hindi nagtanong nung walang pruweba na birhen pa ako. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero kinabukasan, parang walang nangyari.

G&G: I'm the Secret Agent Babe~ [SuperSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon