Prologue

706 16 6
                                    


Sabi nila bago ginawa ng Diyos ang mga tao nandiyan na ang mga anghel. Mayroong isang anghel na ang pangalan ay Lucifer. Si Lucifer ay ang pinaka perpektong anghel na ginawa ng Diyos pagdating sa lakas, ganda ng anyo at katalinuhan ay walang kapantay si Lucifer sa ibang mga anghel.

Ngunit nang ginawa ng Diyos ang mga tao at inutasan ang mga anghel na lumuhod at pagsilbihan ang mga tao ay agad na nag salita sa Lucifer. "HINDI AKO LULUHOD KANINO MAN MALIBAN SAYO AKING PANGINOON!!" Kalahati sa mga anghel ay sumangayon kay Lucifer. Ngunit sa kabila nang hindi pag sangayon nila Lucifer sa kagustuhan ng kanilang ama ay ginawa parin ng Diyos ang mga tao.

Dahil doon ay nagkaruon ng digmaan sa langit. Si Lucifer at ang mga kasama nyang nag rebelde ay napatalsik sa langit. Tayong mga tao ang dahilan kung bakit nalayo si Lucifer mula sa Diyos. Simula noon ay isinumpa ni Lucifer at nang kaniyang mga kasamang anghel na napa layas sa kahariaan ng Diyos na sisirain nila ang mga tao.

Langley, Virginia, United States  August 10, 2013

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Langley, Virginia, United States
August 10, 2013

"Gusto kong hanapin ninyo ang babaeng ito at dalhin n'yo siya sa akin ng buhay," utos ng lalaking naka amerikana sa kaniyang mga tauhan. Ibinigay niya sa mga ito ang litrato ng isang babae, naka uniporme ito na pang pulis. "Ayon sa aking nabalitaan ay nasa Pilipinas ngayon ang babaeng 'yan. Sa Manila to be exact."

"Gawin ninyo ang lahat upang madala n'yo lang siya dito ng buhay," dagdag pa ng lalaki.

"Masusunod po!" agarang sagot naman ng mga tauhan niya. Lumabas ang mga ito mula sa silid kasabay naman nito ay ang pagpasok ng isang babae at isang lalaki sa loob. Tumayo ang lalaking naka amerikana at pagkatapos ay binuksan nito ang wine na naka patong sa kaniyang lamesa.

"Maupo kayo, Jill at Chris." Pinaunlakan nila Jill at Chris ang alok ng lalaking naka amerikana. "Nasa kalagitnaan ng napakalaking krisis ang buong mundo ngayon alam n'yo naman na siguro 'yon 'di ba?"

"Kaya mo nga kami ipinatawag dito hindi ba?" sagot ni Chris.

"Gaano ba kalaki ang krisis na ito na sinasabi mo at kailangan mo pang ipatawag ang FBI at CIA para lang dito?" sabat naman ni Jill. "Hindi ba't nandiyaan naman si Claire para sa mga pagkakataong ganito?" Natahimik ang lalaki dahil sa itinanong sa kaniya ni Jill at napatingin nalamang ito sa bintana.

"Bakit hindi mo sagutin ang itinanong ni Jill sa'yo?" hirit ni Chris. Napainom muna ng wine ang lalaki bago tuluyang sumagot.

"Isa pa nga 'yon sa aking mga problema ngayon. Mag mula ng ipinadala ko si Claire sa Pilipinas para sa isang misyon dalawang taon na ang nakararaan ay hindi ko na muli siya na contact pa," sagot ng lalaki. "Kaya ko kayo ipinatawag dito ay hihingin ko sana ang tulong niyo habang hindi pa namin natatagpuan si Claire. Gawin niyo ang makakaya niyo upang pahupain pansamantala ang nangyayari habang wala pa siya."

"Pahupain? Ang liit naman ata ng tingin mo sa amin ni Jill? Tagapagpahupa lamang kami ng nangyayari habang wala si Claire? Bakit ano ba ang sa tingin mo ang hindi naming kayang gawin na kayang gawin ni Claire!? That's it I'm done here, humanap ka ng ibang pwede mong maging utusan," iritang iritang balik ni Chris sa lalaki. "Tara na Jill!"

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon