Langley, Virginia, United States
February 19, 2014
2:05 AM"Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo ang posibilidad na namatay na sina Chris Williams at Jill Thompson sa kadahilanang pagsuway sa aking kautusan na kaharapin ang demonyong si Balor. Nawalan na po ako ng kontak sa kanila at hindi ko na din po ma-monitor ang kanilang destinasyon," ulat ni James sa labindalawang taong nakatataas.
"Heto na nga ba ang sinasabi ko sa inyo, kung sinunod niyo lamang ang suhestiyon ko ay hindi sana aabot sa ganito. Kailangan natin ng mga perpektong kawal kagaya ng nagawa natin kay Claire," sambit ni ginang Gloria. "Nagsasayang lamang kayo ng panahon sa pagkuha ng kagaya nila Chris at Jill."
"Hindi makatao ang naging eksperementong ginawa natin kay Claire noon kaya hindi natin masasabi na isang imahe si Claire ng perpektong kawal, ginang Gloria," sabat naman ni ginoong Glen. "James, ano na ang balita tungkol kay Claire? Mayroon na ba kayong lead sa kung nasaan siya?"
"Wala pa ho, pero ginagawa po namin ang lahat upang makita siya," mahinahong sagot ni James sa mga ito.
"Eh 'yong fiancé niya? Huwag mong sabihin sa'king hindi mo parin nahahanap ito?" sunod na tanong naman ng ginong na ikinabahala ni James.
"Ano po ba kasi ang gagawin ninyo sa fiancé niya? Bakit po pati ito ay nadamay sa kaguluhang ito?"
"Wala ka sa pwesto upang magtanong, ang kailangan mo lang gawin ay sumunod James. Hadlang ang fiancé niyang 'yon para sa mga kailangang gawin ni Claire. Katulad ng doktorang si Karen ay kailangan din nitong mawala alang-alang sa pagbabagong hinahangad natin," sagot ni ginang Gloria sa ngayon ay natahimik ng si James.
Natigil ang paguusap nilang lahat nang biglaang pumasok ang isa sa kanilang kawal. "Bakit niyo ako ipinatawag? Anong kailangan ninyo?" malamig na bungad ng lalaking bagong dating. "Kakauwi ko lamang galing sa aking misyon kaya huwag ninyong sabihin sa'kin na may panibago na naman?"
"Duke Manuel, kailangan ka namin para sa isang napaka espesyal na misyon," bungad ng ginang pagkatapos ay tumayo ito at ibinigay kay Duke ang litrato ni Leon Santos. "Kailangan ka namin upang patayin ang lalaking 'yan, hadlang siya sa pagbabagong hinahangad nating lahat kaya kailangan na niyang mawala."
"Hindi niyo sinabi sa'kin na pumapatay nadin ng tao ngayon ang organisasyon na ito?" pilosopong balik ng lalaki. Matipuno ang katawan nito at napakatangkad na aakalain mo ay isa itong manlalaro ng basketbol. Siya ay si Duke Manuel, isang dating hitman bago siya pumasok sa organisasyon ay isa siyang kilalang hitman.
Pumapatay ito ng kahit na sino basta masunod lamang ang presyong sinisingil niya sa kaniyang mga kliyente, kahit sino pa ito ay nagagawa niya itong patayin gamit lamang ang isang bala. Walang kahit na sino ang may alam ng dahilan kung bakit siya sumali sa organisasyon, pero ang lahat ng nasa loob nito ay kinatatakutan siya at nirerespeto.
Tinatawag na Modern day Grim Reaper si Duke dahil sa kaniyang pambihirang kakayahan na pumatay ng kahit na sino. Oras na itutok na niya sa kaniyang tigpo ang kaniyang baril ay wala na itong takas sa kamatayan. "Hindi ko kailangang sundin ang inuutos mo," pagmamatapang ni Duke sa matandang kaharap.
"Naalala mo ba ang kasunduan natin noong unang araw mo rito?" banggit ng ginang na tila ba ay may tinatagong sikreto. "Tutuparin ko na ito, oras na matapos mo ang misyon na ito." Agad itong naalala ni Duke na parang kahapon lamang, napakagat siya sa labi dahil sa labis niyang galit sa matandang nasa harapan.
"Daddy!!" pagmamakaawang sigaw ng isang bata habang inilalayo sa kaniyang ama.
"Marie!!"
BINABASA MO ANG
Misteryo Remake
HorrorSi Leon ay isang sikat na detective sa Pilipinas. Napakarami na niyang nalutas na iba't ibang kaso at napakarami na rin niyang naipakulong na mga kriminal. Masasabing isa siya sa pinakamagaling na detective sa buong mundo. Merong paniniwala si Leon...