Project Wendigo and The Russian Sleep Experiment - Prologue

161 8 8
                                    


Ang Russian sleep experiment. Isa itong eksperimento kung saan ay may limang tao na napili para manatiling gising sa loob ng tatlumpung araw. Noong 1940 ang mga siyentipiko ng Russia ay sinubukang alamin kung ano ang magiging epekto ng sobrang kakulangan sa pagtulog sa mga tao. Pumili sila ng limang bigating kriminal sa bansang Russia at pinangakuan nila ang mga ito na papakawalan sila oras na makayanan nila na manatiling gising sa loob ng tatlumpung araw.

 Pumili sila ng limang bigating kriminal sa bansang Russia at pinangakuan nila ang mga ito na papakawalan sila oras na makayanan nila na manatiling gising sa loob ng tatlumpung araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ikinulong sila sa iisang kwarto at inilantad sila sa experimental gas stimulant upang manatili silang gising. Inoobserbahan mula sa maliliit na butas ng kwarto ang mga kriminal at mayroon ring mga mikropono sa loob nito para marinig nila ang pinaguusapan ng mga ito. Binigyan sila ng sapat na makakain sa loob ng tatlumpung araw at may mga libro din para mapaglibangan.

Sa loob ng limang araw ay wala pa namang masyadong nag babago sa mga kriminal bukod sa mas naging emosyonal lang ang pag uusap ng mga ito. Sa ikaanim na araw ay medyo naging bayolente na ang pag uugali nila. Naging praning na sila at nagumpisang mag sisihan kung bakit sila nasa ganoong sitwasyon.

Makalipas ang siyam na araw, isa sa mga kriminal ay biglaan nalamang nagsisisigaw nagtatatakbo sa loob habang umiiyak at sumisigaw ng may pagkalakas na naging dahilan ng pagkawala nang kaniyang boses. 'Di nagtagal ay nadiskubre nang mga siyentipiko na nasira na ng kriminal na ito ang kaniyang lalamunan dahil sa labis na kakasigaw.

Makalipas ang labinglimang araw ay hindi na magawang sumilip ng mga siyentipiko sa butas dahil kung ano-ano na ang itinakip dito ng mga kriminal. Nagpasya silang buksan ang pinto ng silid upang tingnan ang mga kriminal.

Bago nila ito buksan ay nagbigay muna sila ng babala sa mga ito. "We are opening the room to test the microphones. Step away from the door and lie flat on the floor or you will be shot. Compliance will earn one of your freedom."

Ilang sandali pa ay may isang sumagot sa kanila. "We no longer want to be free." Pumasok ang mga siyentipiko sa loob ng kwarto pag pasok nla ay isang kagimbal gimbal na imahe ang kanilang nakita sa loob. Nakita nilang hindi kinain ng mga ito ang mga pagkain na ibinigay para sa kanila.

Duguan ang bibig ng mga kriminal, ang bawat isa sa mga ito ay mayroong laman ng tao sa kanilang kamay na tila ay kinuha pa nila sa sarili nilang katawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Duguan ang bibig ng mga kriminal, ang bawat isa sa mga ito ay mayroong laman ng tao sa kanilang kamay na tila ay kinuha pa nila sa sarili nilang katawan. Sa loob ng labinglimang araw ay ito pala ang kinakain nila at hindi ang pagkain na ibinigay sa kanila ng mga siyentipiko.

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon