The Zodiac Killer Act 2- A father's unconditional love

200 7 1
                                    


San Francisco Police Department
San Francisco, California, United States
February 24, 2014

"Bakit ikaw lamang ang natirang buhay doon sa hotel at ano ang nangyari sa mga taong nandoon!?" tanong ng hepe kay Leon habang nakaposas ang mga kamay nito at nasa silid kung saan isinasagawa ang interogasyon. "Sabagay, katakataka din ang pag alok mo sa amin ng tulong upang tugisin ang Zodiac. Hindi kaya't ikaw ang kriminal? Nagpapanggap ka bilang panibagong Zodiac at ikaw ang nagsasagawa ng mga krimen na ito."

"Habang inaaksaya mo ang panahon sa pagpupumilit na pagpapa amin sa akin ay posibleng may nabibiktima na naman ngayon ang Zodiac o kung sino man ito. Pakawalan mo na ako at ipinapangako ko sa'yong gagawin ko ang lahat upang mahuli lang ang may kagagawan nito," pagmamatigas ni Leon sa hepeng kanina pa gustong basagin ang mukha niya. "Hindi niyo ako pwedeng ikulong, inosente ako. Innocent until proven guilty, wala kayong ebidensya at wala kayong dahilan upang ikulong ako."

"Matapang ka, ano naman sa tingin mo ang magagawa mo? Halos lahat ng kapulisan dito sa Amerika noon ay ginawa ang lahat ng kanilang makakaya upang malutas lamang ang kasong ito! Sa tingin mo ano ang magagawa ng isang pipityuging detective na kagaya mo upang malutas at malaman kung sino ba itong hinayupak na Zodiac na ito!!?" halos lumabas na ang lahat ng nananalaytay na ugat sa ulo ng hepe dahil sa matinding inis na nararamdaman nito.

"Ang kasong ito ay imposible!!"

Tiningnan ng diretso sa mata ni Leon ang naturang hepe at nginitian niya ito. "Walang imposibleng kaso, kung sa tingin mo ay imposible na ang kasong kinakaharap mo ay gawin mo itong posible. Kung wala ng susi para sa pintuang nakaharang sa'yo ay ikaw na mismo ang gumawa ng susi para buksan ito." Tila natigilan ang hepe sa kaniyang narinig. Isang binatang detective na nasa harapan niya ngayon ang unti-unting nagpapamulat nang mata niyang matagal ng nakapikit sa katotohanan.

"Si-sino ka ba talaga? Bakit ba pursigidong pursigido kang lutasin ang kasong matagal ng hindi maisara sara ng buong Amerika? Para ba sa karangyaan? Para ba sa pera? Sagutin mo ako, bakit!?"

"Sumumpa akong bibigyan ko ng katarungan ang mga nabiktima nitong taong ito na mas masahol pa sa demonyo. Ako si Leon Santos at isa akong detective!!"

Intercontinental San Francisco Hotel
San Francisco, California, United States
February 24, 2014
4:30 AM

Habang abala ang kapulisan sa pagiimbestiga sa pinangyarian ng malagim na pagpatay sa mga taong nasa loob na tinuluyan ni Leon ay nasa labas lamang si Duke at pinagmamasdan ang mga ito. "Mas malala pa rito ang mangyayari kung itutuloy mo ang plano mong pagpatay kay Leon. Sa ngayon ay siya nalamang ang pagasa natin upang malutas ang krimen na ito," bigkas ni Claire habang dahan dahan na naglalakad papalapit kay Duke.

"Bakit hindi mo na lang ako patayin nang sa gayon ay wala ng maging hadlang pa," kalmadong sagot ng hitman. Alam niya sa sarili niya na heto nalamang ang natatanging paraan upang makatakas siya sa kasunduan nila ng organisasyon nang hindi napapahamak ang kaniyang anak.

"Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon mo ngayon, maniwala ka sa'kin kinasusuklaman ko rin ang organisasyon na 'yon kagaya ng nararamdaman mo ngayon. Hindi ko maipapangako ang kaligtasan ng anak mo, pero gagawin ko ang lahat upang maibalik lamang siya sa'yo." Tinitigan sa mata ni Claire si Duke na para bang nagsusumamo na pakinggan siya nito.

"Huwag ka ng magpakahirap pa, alam naman natin na kapag hindi ko pa nagawa ang misyon ko bago matapos ang araw na ito ay papatayin na nila si Dianne. Si Dianne nalamang ang natitira sa'kin kaya kung mawawala siya ay wala naring silbi ang buhay ko! Ipinangako ko sa batang 'yon na po-protektahan ko siya bilang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko!!"

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon