White Magician

195 11 4
                                        

Unknown
Seattle, Washington, United States
February 29, 2014
2:30 AM

"Anong nangyari?" Nagising nalamang si Leon sa gitna ng wasak-wasak at gumuho na gusali. Nagkalat ang bangkay ng mga siyentipiko sa paligid at ang mga nilalang na tinatawag nilang Wendigo, ang mga nilalang na dati ay tao. "Si-sino ang may gawa nito?"

Napaluhod nalamang si Leon habang pinagmamasdan ang karumaldumal na sinapit nang bawat isa sa mga nilalang na nasa paligid niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napaluhod nalamang si Leon habang pinagmamasdan ang karumaldumal na sinapit nang bawat isa sa mga nilalang na nasa paligid niya. Nagulat nalamang siya nang makita niya ang isang kakaibang kwintas na kaniyang suot. "Ano 'to? Naguguluhan ako, ano ba ang nangyari!?"

Napansin niya na gumalaw nang bahagya ang isa sa mga wendigo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napansin niya na gumalaw nang bahagya ang isa sa mga wendigo. "Arghh," usal ng kakaibang nilalang. Mula sa malaking kamay nito ay nalaglag ang isang kwintas, ang kwintas na naglalaman ng larawan nang kaniyang pamilya. Doon ay biglang naalala ni Leon na hindi pala totoong kriminal ang mga ito, ginamit lamang ang kanilang kahinaan at pinagsamantalaan sila, alangalang sa eksperimentong ito.

"Patawad, patawarin ninyo ako. Hindi ko kayo nagawang mailigtas, mahina ako. NAPAKAHINA KO!!" Sa gitna ng sandamakmak na bangkay ay tumulo ang luha ng isang detective na unti-unti nang nawawalan ng pagasa sa buhay.

"Lahat tayo ay mahina, nasa atin na 'yon kung gugustohin nating maging malakas," sabat ng isang lalaki. Ang lalaking nakaputi, biglaan nalamang uting lumitaw mula sa likuran ni Leon. "Ang lahat ng tao ay mahihina mula pa noon, ngunit kung lahat tayo ay magpapadaig sa ating kahinaan ay wala nang matitira sa atin upang baguhin ang lahat."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon