Exorcism of 13th Part 1

240 13 1
                                    

"Leon Santos, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Claire Ocampo, na maging kabiyak ng iyong puso? Sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan at mamahalin mo siya sa habangbuhay? Kagaya ng sagradong utos ng Panginoon?" panimulang panata ng paring nagsasagawa ng kasal ni Leon at Claire.

Ngumiti si Leon habang tinititigan ng diretso sa mata ang pinakamamahal niyang tao. "Opo father," nakangiting sagot ng detective. "Mahal na mahal kita, Claire." Ang ngiti ni Leon ay napalitan ng takot matapos niyang makita ang dugong namumuo sa gown na suot ni Claire.

"Claire!? Claire!!!"

"Sir, gising! Narito na po tayo, binabangungot po ata kayo?" Ginising ng driver ng taxi si Leon matapos niyang marinig ang pulit ulit na pagsigaw nito habang ito ay natutulog. "Sir ayos lang po ba kayo? Narito na po tayo sa Los Angeles mental hospital."

Hinahabol parin ni Leon ang kaniyang hininga matapos niyang magising. Para sa kaniya ay napaka makatotohanan ang kaniyang napaginipan at hindi ito maalis sa kaniyang isipan. "Sa-salamat po."

St. Vincent Catholic Church
Los Angeles, California, United States
February 18, 2014

"Ano ang ipinagawa sa'yo ni Balor!?" tanong muli ni Chris sa pari na kanina pala pinipiga sa impormasyon. Kinuha ng pari ang isang papel mula sa kaniyang bulsa at iniabot niya ito kay Chris.

"Basahin ko daw 'yan sa harapan ng babaeng nag ngangalang Ashley na kasalukuyang naka-detain sa Los Angeles mental hospital. Hi-hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang nakasulat diyan sa maniwala kayo o sa hindi, isa lang ang nasisiguro hindi maganda ang maidudulot niyan sa taong binasahan ko!" paliwanag ng pari na patuloy paring nanginginig sa sobrang takot.

Sinuri kaagad nila Jill at Chris ang mga katagang nakasulat sa papel. "Latin ito 'di ba?" paniniguro ni Jill sa kaniyang kasama.

"Oo, sigurado akong latin ito."

"Kailangan niyo akong tulungan, ngayong nagawa ko na ang kagustuhan niya ay sigurado akong papatayin ni—" Naputol ang sinasabi ng pari nang bigla siyang mawalan ng boses. Namilipit siya dahil sa labis na sakit na nararamdaman mula sa kaniyang lalamunan.

"Hoy!! Anong nangyayari sa'yo!!?" Bago pa man makalapit si Chris sa pari ay nagsuka na ito ng dugo. Kahit pa namimilipit na sa sakit at pasuka suka na ito ng dugo ay pinilit parin ng pari na gamitin ang dugong isinuka niya upang ipang sulat sa sahig.

Takbo

Iniukit ng pari ang katagang ito sa sahig gamit ang sarili niyang dugo bago siya tuluyang bawian ng buhay. "Takbo Jill!!" Hintak ni Chris papalabas ang kaniyang kasama, napakabilis ng kanilang pagtakbo labis nilang ikinatatakot ang nilalang na pwedeng sumulpot at patayin sila anumang sandali nitong gustuhin.

Habang patuloy lang sila sa pagtakbo ay kinuha ni Jill ang mga asin na nakatago sa kaniyang bagahe at ikinalat ito sa dinadaanan nila. "Fuck!! Anong ginagawa ng demonyong si Balor dito sa bansang ito!?" natatarantang tanong ni Chris.

"Tanga ano bang malay ko!? Bakit hindi ka magpaiwan dito para itanong sa kaniya kung ano ang ginagawa niya dito? Balitaan mo na lang ako kapag nakalabas ka pa ng buhay!" balik naman ni Jill sa natatarantang kasama.

Nang makalabas sila ng simbahan ay agad nilang ikinalat ang mga natitirang asin sa pintuan ng simbahan at pagkatapos ay tuluyan nilang itong isinara. "Hindi natin siya mapipigilan ng ganito lang, kailangan natin ng tulong!" suhestiyon ni Jill.

Kaagad nilang tinawagan ang boss nila upang ibalita ang nangyari. "Anong gagawin namin? Kailangan nating makahanap kaagad ng paraan upang mapatay ang nilalang na 'yon!"

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon