Project Wendigo and The Russian Sleep Experiment Act 2- Balor

168 8 1
                                    

San Francisco Police Department
San Francisco, California, United States
February 26, 2014
1:30 PM

"Hepe, mayroon pong naghahanap sa inyo. Kakilala raw po siya ni Leon at nais niya daw po sana kayong makausap tungkol dito," sambit ng isa sa mga pulis sa kanilang hepe na abala sa pagpipirma ng sandamakmak na papeles.

"Sige papasukin mo siya," sagot ng hepe nang hindi manlang nililingon ang kaniyang tauhan. Kaagad na pumasok ang isang lalaki na pormal ang kasuotan at kaagad din itong nakipagkamay sa hepe. "Maupo ka." Isinara ng hepe ang pintuan ng kaniyang opisina.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo?"

Nginitian lamang siya ng lalaki at tinitigan sa mata ng diretso. Parang isang kakaibang itim na mahika ang ginamit ng lalaki sa kaniya, natulala ang hepe at hindi ito nakagalaw mula sa kaniyang kinatatayuan. Tila nagbago naman ang kulay ng mata ng lalaking kaharap ng hepe.

"Ipakita mo ang lahat ng nalalaman mo sa'kin tungkolsa detective na si Leon Santos," walang emosyong bigkas ng lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ipakita mo ang lahat ng nalalaman mo sa'kin tungkolsa detective na si Leon Santos," walang emosyong bigkas ng lalaki. Sa isangkislap ng mata ng naturang hepe ay biglang nagiba ang paningin niya sakani-kanina lamang ay tao sa kaniyang paningin ay ngayon ay katakot takot nahalimaw na.    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inangkin ng demonyong si Balor ang lahat ng kaalaman na mayroon ang hepe paukol sa detective na hinahanap nito. Bakas ang matinding galit sa mukha ng nakakakilabot na nilalang habang sinasamsam niya ang mga alaala ng hepe sa detective na kamakailan lang ay nakasama nito sa paglutas ng kaso ng Zodiac Killer.

"Kagaya ng sinabi ko, pagbabayarin kita sa ginawa mo sa'kin Leon."

Unknown
Seattle, Washington, United States
February 26, 2014
1:39 PM

"Ano ang mga krimen na nagawa ninyo at bakit kayo napatawan ng panghabang buhay na pagkakakulong?" tanong ni Leon sa isa sa mga presong ngayon ay kumakain. Sa huling pagkakataon ay binigyan ni senador Ian ang bawat isa sa mga preso na ihanda ang kanilang sarili bago tuluyang umpisahan ang napagusapan nilang eksperimento.

"Hi-hindi, wala kaming kasalanan. Dinala lamang nila kami dito gamit ang pangako nilang bibigyan nila kami ng magandang trabaho." diretsong sagot ng isa sa mga kriminal kuno na nanginginig pa dahil sa labis na takot. Nangangamba ito para sa kaniyang papasukin na sitwasyon, hindi ito makakain ng maayos dahil sa matinding kaba na nadarama. "Ma-maniwala ka sa'min wala kaming kasalanan!"

"Nagulat nalamang kami dahil tinatawag na nila kaming kriminal ngayon, maniwala sa'kin wala akong kasalanan pati narin ang mga kaibigan ko ay walang kahit na anong ginagawang krimen!!" Bago pa man makapagsalita si Leon ay nakaramdam siya ng matinding kuryente sa kaniyang likuran. Nagawa niya pang lingunin ang taong may kagagawan nito at labis niyang ikinabigla nang makita niya ang senador na may hawak na taser gun.

Hindi na nagawa pang makapanglaban ng detective dahil sa ilang saglit lamang ay nawalan na ito ng malay. "Uumpisahan na natin ang eksperimento, ipinapangako ko sa inyo na oras na malampasan ninyo ito ay babayaran namin kayo ng malaking halaga ng salapi," bigkas ng senador. Dinampot naman ng mga tauhan nito si Leon at idinala sa loob ng isang selda na kung saan ay sinuguro nilang hindi na muna ito makakapanggulo pa sa kanilang ginagawa.

Ipinasok nila sa loob ng isang silid ang limang magkakaibigan, pinausakan ng gas stimulant upang maging sanhi ng pananatiling gising nila. Matapos nito ay kaagad namang bumalik sa loob ng kaniyang opisina ang senador at tumawag ito sa telepono upang iulat ang kanilang nagawa.

"Mr. President, naumpisahan na po namin ang eksperimento."

"Magaling, nagawan mo na ba ng paraan ang pakielamerong detective na 'yon?"

"Opo, ikinulong po namin siya sa loob ng selda dito sa gusali. Sinisiguro ko pong hindi na po siya makapanggugulo pa ho sa ating eksperimento," sagot ng senador.

"Maguumpisa na ang ating Project Wendigo," madiin na bigkas ng tinatawag ng senador na mr. President. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon