Europe
March 31, 1942
10:30 PM"Dito ka lang, huwag kang aalis dito. Babalik kaagad si ate, hahanap lang ako ng makakakain natin," sambit ng isang dalaga sa kaniyang nakababatang kapatid. Kasagsagan ng ikalawang digmaang pandaigdig at sa bansang Europa ay may dalawang magkapatid na pilit humahanap ng paraan upang mabuhay sa kalagitnaan ng marahas digmaan.
"Pangako, babalikan mo po ako ate Gloria?" paninigurado ng nakababatang lalaki. Nginitian lamang siya ng kaniyang kapatid at hinaplos ang buhok nito. Kumaripas ng takbo si Gloria patungo sa kabilang kalsada habang palingo lingon sa kaniyang paligid upang makita kung sakaling may mga sundalong dadaan.
Napalingon ito sa isang eskinita na kung saan ay nagkukumpulan ang mga aso. "Swerte!" nakangiting bulong ng dalaga. Kaagad nitong binugaw ang mga aso gamit ang kapirasong kahoy na nakita niya sa gilid ng kalsada. "Shoo shoo shoo!!" Nang magsilayuan ang mga aso ay tumakbo siya papalapit sa tira tirang pagkain na nasa lapag ng kalsada na kani-kanina lamang ay pinagsasaluhan ng mga aso.
Tira tirang kanin at isdang halos tinik nalamang na nakapaluob sa plastic ang kaniyang nakuha. Maligaya na siya dito, kung tutuusin ay isa na itong malaking biyaya para sa kaniya dahil isang buong araw na silang hindi kumakain ng kaniyang kapatid. "Tara, kumain na tayo!" nakangiting bigkas ni Gloria sa kaniyang kapatid nang siya'y makabalik.
Nang mapansin ni Gloria na tila ay kulang pa ang dala niyang pagkain para sa isang tao ay pinanuod nalamang niya ang kapatid sa pagkain nito. "Dahan dahan lang Troy, baka mabilaukan ka niyan wala pa naman tayong tubig," paalala nito. Tumango lamang ang nakababata nitong kapatid at ibinalik ang atensyon sa pagkain, kahit na halos tinik nalamang ang tirang isda ay sinusulit niya ito at isinasabay sa tutong na kaniyang pilit na nilulunok gaano man ito katigas.
Dahil sa labis na sakit na kaniyang nararamdaman sa tuwing nakikita ang kalunos lunos na sitwasyon nilang magkapatid ay hindi maiwasang maiyak ni Gloria. "Huwag kang magalala, darating ang araw na makakakain din tayo ng masasarap. Mabubuhay din tayo ng mapayapa."
"Hoy, tara dito tingnan niyo ang nakita ko!!" sigaw ng isang sundalong nakakita sa dalawang gusgusing bata. Hinatak ni Gloria ang kapatid papalayo ngunit naabutan sila ng tatlong maskuladong sundalo. "Huwag na kayong manlaban pa!!"
"Bitawan niyo kami, ano bang mapapala niyo samin!?" pagmamatigas ng dalaga. "Parang awa niyo na, wala naman kayong makukuha sa amin! Pakawalan niyo na kami!" Kinaladkad sila ng mga sundalo patungo sa kampo ng mga ito. Parang hayop, parang mga hayop kung ituring ang dalawang magkapatid habang kinakaladkad ito ng mga sundalo.
"Sa tingin mo matutuwa kaya si commander sa ireregalo natin sa kaniya? Isang napakagandang pang aliw at isang alalay, sigurado akong mapupuri tayo nito ni commander!" bigkas ng sundalong kumakaladkad kay Gloria. "Teka, may naisip ako. Tutal ibibigay din naman natin ang mga ito kay commander bakit hindi muna natin pakinabangan itong dalaga ngayong gabi lang?"
"Tutal hindi din naman tayo sigurado kung hanggang kailan ang itatagal natin sa digmaan na ito ay magpapakasaya na ako ng lubos lubos!" Nabalot ng takot ang magkapatid, biglang naalala ni Gloria ang naging dahilan nang pagkaulila nilang dalawa. Pinasok ng mga kriminal ang kanilang tahanan at pinatay ng mga ito ang kanilang ama.
Samantalang ang kanilang ina naman ay ginahasa ng mga ito bago patayin, wala silang ibang nagawa kung hindi ang panuorin ang lahat ng ito mula sa loob ng cabinet kung saan sila nagtatago. Poot, labis na galit at matinding kalungkutan. Habang dinadala siya sa madilim na sulok at inilalayo sa kaniyang kapatid na iniwan ng mga sundalo sa gitna ng kalsada ay paulit ulit, ulit niyang tinatawag ang Diyos. "Pakiusap, tulungan mo po kami."
BINABASA MO ANG
Misteryo Remake
HorrorSi Leon ay isang sikat na detective sa Pilipinas. Napakarami na niyang nalutas na iba't ibang kaso at napakarami na rin niyang naipakulong na mga kriminal. Masasabing isa siya sa pinakamagaling na detective sa buong mundo. Merong paniniwala si Leon...