The Zodiac Killer Act 3- Rise of Zodiac

163 9 1
                                    


"Claire, positive! Lumabas ng headquarters si Gloria kasama ang mga tauhan niya at dala-dala rin nila ang batang si Dianne!" ulat ni Jill sa kausap mula sa kabilang linya ng telepono. "Sumakay sila sa loob ng kotse at nakasunod sa kanila ang dalawang kotse na puno ng mga tauhan ni Gloria." Pinaandar nila ang kanilang sasakyan at maingat na sinundan ang kotse ng ginang.

"Magaling, umaayon ang lahat sa plano! Hinayaan kong malaman ni Gloria na narito ako sa San Francisco upang pumarito siya at sigurado akong dadalhin niya ang anak ni Duke upang magamit niya ito sa pagkuha sa'kin at kay Duke pabalik!" natutuwang bigkas ni Claire. "Dito na maguumpisa ang totoong laban."

"Jill, Chris, handa na ba kayo?"

Nakatinginan pa ang dalawa at sabay na tumango sa isa't isa. "Handa na kami Claire!" sabay na sagot ng dalawang matalik na magkaibigan. Alam nilang dalawa na hindi biro itong papasukin nila at anumang oras ay posible nilang ikamatay ang kahit na simpleng pagkakamali lamang. Lihim namang napangiti si Claire dahil sa kaniyang narinig mula sa kabilang linya, hindi niya akalain na kung sino pa ang minamaliit ng buong organisasyon ay sila pa ang tunay niyang mapagkakatiwalaan.

"Oras na para pagbayaran ni Gloria ang kaniyang mga kasalanan!" naguumapaw na sigaw ni Claire. Desidido na siyang umpisahan ang laban sa organisasyon na nagpalaki sa kaniya. Sa organisasyon na umagaw sa buhay ng matalik niyang kaibigan. Ang organisasyon na nag turo sa kaniya nang lahat ng kaniyang nalalaman.

"Kapag natalo tayo ay mamamatay tayo. Kapag nanalo tayo ay mabubuhay tayo at kung hindi naman tayo lalaban ay hindi tayo mananalo," ultimatum ni Claire. Ngayon ay buo na ang loob niyang ipaghiganti ang yumaong kaibigan.

Samantala habang nasa loob naman ng sasakyan si Dianne ay hindi siya pinanghihinaan ng loob, hindi siya nakakaramdam ng takot sa kung ano man ang posibleng mangyari sa kaniya. Hawak ang kwintas na ibinigay sa kaniya ni Duke ay umaasa siyang magkikita at magkakasama pa sila muli ng taong itinuring niyang pangalawang ama. "Bakit, bakit ninyo ito ginagawa? Hindi ko po kayo maintindihan kung bakit ninyo ito ginagawa?" tanong ni Dianne sa ginang na katabi.

"Ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti ng kinabukasan ng mga tao. Wala akong ibang hangad kun'di ang pagbabago lamang na inaasam ng karamihan," sagot ng ginang sa bata. Biglang bumalik sa kaniya ang malagim na alaala na matagal na niyang itinago. Nakikita niya ang sarili sa batang katabi, ang walang kamuwang muwang na bata.

"Hindi, mali po ito! Hindi po ito ang tamang paraan para sa pagbabagong hinahangad mo!" pagmamatigas ni Dianne. "Kung may mga inosenteng nagdurusa ay hindi mo ito matatawag na pagbabago. Naniniwala po akong hindi ka tunay na masamang tao, kaya alam kong alam niyo po na mali na itong ginagawa niyo."

Labis na ikinagalit ng ginang ang kaniyang narinig hindi dahil sa nakikielam ang bata sa kaniya kun'di dahil tama ang sinasabi nito. Alam niya sa sarili niyang mali na ang kaniyang ginagawa pero pilit niya itong sinisikmura alangalang sa kaniyang ipinangako matagal na panahon na ang nakalilipas. "Tumahimik ka na lang kung gusto mo pang mabuhay."

"Bleh!! Pipigilan kayo ni daddy kahit na anong mangyari!"

Lake Herman Road, California, United States
February 24, 2014
7:20 AM

Samantala, nadatngan naman nila Leon ang kalunos lunos na sinapit ng dalawang lalaking estudyante na bangkay na nang matagpuan. Tadtad ng bala ang katawan ng mga ito at ang dibdib ng dalawa ay may nakaukit na marka, ang marka ng Zodiac Killer. Iniukit ito gamit ang kutsilyo, halos masuka ang ibang pulis sa kanilang nakikita.

"Ang Zodiac, siya na naman ang may gawa nito!" sambit ni Tenpenny nang makita ang dalawang bangkay.

"Pero bakit siya papatay muli sa isang lugar kung saan ay nakapang biktima na siya ilang araw palamang ang nakararaan? takang takang tanong ni Leon. "Hindi ba't kung ang Zodiac talaga ito at inuulit niya ang pagpatay na ginagawa niya ay hindi na dapat siyang muling aatake dito sa Lake Herman Road?"

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon