Cecil Hotel

330 13 7
                                    


"Dali na, wala namang masama kung susubukan natin 'yon hindi ba!? Saka isa pa umamin ka nga sa akin, natatakot ba kayo?" sulsol ng isang trabahador sa kaniyang mga kasama. Hating gabi na at wala ng ingay na maririnig sa hotel na kanilang pinagtatrabahuan.

"Alice, ano sasali ka ba?" tanong naman ng isang babaeng staff sa kaniyang kaibigan.

"Ayaw ko, hindi ako mahilig sa mga ganitong laro! Saka isa pa, hindi niyo nga dapat ito ginagawang laro eh!" sagot naman ni Alice habang nagpupumiglas sa kamay ng mga kaibigan niyang humahatak sa kaniya.

"Huwag ka ng maarte, malay mo tayo pa ang makalutas sa nangyari noong nakaraang taon dito sa hotel na ito!" Nagawang mahatak si Alice ng kaniyang mga kaibigan papasok sa loob ng elevator at wala na siyang nagawa pa lalo na't sumara na ito.

Los Angeles, California, United States
February 13, 2014

Nang makarating si Leon sa Cecil hotel ay agad niyang hinanap si Alice ang natatanging tao na nakasaksi sa nangyari sa kanyang fiancé. Dumiretso siya sa receptionist para magtanong. "Excuse me, pwede ko po bang makausap si ms. Alice?" tanong ni Leon sa receptionist.

"Pasensya na po pero dalawang linggo na pong hindi pumapasok si ms.Alice dito sa hotel." Napaisip si Leon na baka ang suspect sa pag kawala ng fiancé niya ay may kinalaman sa biglaang hindi pag pasok ni Alice sa trabaho. Minarapat niyang manatili muna sa hotel dahil baka may makuha pa siyang karagdagang impormasyon.

Pagkapasok ni Leon sa kwartong tutuluyan niya ay agad niyang binuksan ang laptop niya at nag research agad siya ng tungkol sa Cecil hotel. Ang Cecil hotel ay kilala sa malagim nitong nakaraan. May mga taong nag pakamatay sa hotel na ito at may mga pagpatay rin na naganap. Dito rin nag tago ang serial killer na si Richard Ramirez noong 1985 at si Jack Unterweger noong 1991.

Dito rin sa Cecil hotel huling nakita si Elizabeth Shorts o mas kilala sa tawag na Black Dahlia bago siya matagpuang patay. "Parang tapunan ng krimen at kamalasan itong hotel na ito ah?" bulong ni Leon sa sarili habang patuloy na nagsasaliksik. "Sigurado akong may nangyaring masama kay Alice."

"Makaligo na nga lang muna!" Habang naliligo si Leon ay napansin niyang madumi ang tubig na ginagamit niya. Mas lalo lang itong umitim at dumumi sa paglipas ng mga segundo. "Anong nangyayari? Ganito ba talaga kadumi ang tubig nila dito?" Sa kaniyang pagmumuni muni ay biglaan niyang naalala ang isa pa sa kanyang mga nabasa na nangyari sa Cecil hotel. Ang kaso ni Elisa Lam nuong 2013. Natagpuan ang bangkay ni Elisa Lam sa loob ng watertank na makikita sa roof top matapos itong mawala ng ilang araw.

"Imposible, masyado lang akong nag iisip. Napakalaking pagkakataon naman no'n kung mangyayari ulit ang ganoong krimen," sa isip isip ni Leon. Para makasigurado ay agad na nagbihis si Leon at nagtungo sa lobby ng hotel. Dito ay naabutan niya ang sandamakmak na hotel guest na nagdadabog at nagwawala sa harapan ng manager.

"Bakit ganoon ang tubig ninyo!? Wala ba kayong pakundangan sa mga customer ninyo!?" reklamo ng isang babaeng halos lumabas na ang ugat dahil sa galit.

"Te-teka lang, hindi ba't ganito din ang nangyari noong nakaraang taon dito sa hotel na ito!? 'Yong kay Elisa Lam!?" sabat naman ng isang natatarantang lalaki. Nagkagulo ang lahat ng guest sa hotel nang marinig nila ito, pamilyar ang bawat isa sa kanila sa kagimbal gimbal na nangyari kay Elisa Lam.

"Ngayon din mismo ang araw ng kaniyang pagkamatay!" dagdag pa ng ibang mga tao. Agad silang nagimpake ng kaniya-kaniyang gamit at nagsialisan sa hotel.

"Huminahon lamang po kayo, sinisiguro po naming nakakandado ang pintuan sa rooftop at walang kahit na sino man ang makakaakyat doon maliban sa akin!" sigaw ng manager na pilit pinapahinahon ang mga natitirang tao. Habang nagkakagulo ang lahat ng mga tao ay napagpasiyahan ni Leon na libutin muna ang hotel.

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon