Exorcism of 13th Part 2

181 10 2
                                    


Whittier boulevard
Los Angeles, California, United States
February 19, 2014
1:35 AM

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nagkatagpo ang landas nila Jill, Chris at Claire. "Alam mo bang hindi magkandaugaga si James kakahanap sa'yo! Saan ka ba naglululusot!? Nasa kaligitnaan tayo ng isang napakalaking krisis ngayon, alam mo ba 'yon!?" bungad ni Jill sa kaibigang matagal na niyang hindi nakikita.

"Oo, alam ko. Alam ko ang lahat, pati narin ang mga bagay na hindi niyo pa nalalaman ay alam ko. Kaya ko kayo pinigilan sa inyong balak na gawin." Sumandal si Claire sa kotse ni Chris at napabuntong hininga ito. "Mabuti na lang at naabutan ko kayong dalawa. Highblood parin kayo grabe, sugod parin kayo ng sugod."

"Anong ibig mong sabihin? Mga bagay na hindi pa namin nalalaman?" naguguluhang tanong ng binata.

"May mga bagay na hindi niyo na dapat pang alamin, para narin ito sa inyong kaligtasan. Darating din ang araw na masasabi ko sa inyo ang buong katotohanan, sa ngayon ay pakinggan niyo sana ang pakiusap ko. Huwag muna kayong makielam," sensirong pakiusap ng babaeng kaharap ni Chris at Jill.

"Hindi, hindi ako makikinig sa'yo hanggat hindi mo sinasabi sa amin ni Jill kung ano ang nangyayari. Kung gusto mong pakatiwalaan ka namin ay pagkatiwalaan mo din kami." Matindi ang paninindigan ni Chris na malaman ang katotohanan, hindi nito inaalis ang titig sa mata ni Claire upang patunayan dito na seryoso siya.

"Tama si Chris, Claire. Hindi mo dapat solohin ang laban na ito dahil napili din kami upang lumaban para sa kinabukasan ng mundong ito. Lahat kayo ay minamaliit kami dahil bago palamang kami sa ganito pero papatunayan namin sa inyo na kaya din naming gawin ang nagagawa mo!" Maski si Jill ay ipinapakita na buo na ang kanilang loob na lumaban.

Ang ipinapakitang nagaalab na determinasyon ng dalawang baguhan na nasa harapan ni Claire ay sapat na upang buksan ni Claire ang pintuan ng katotohanan para sa dalawa. "Sigurado ba kayo? Kahit na ang maging kapalit ng katotohanang ito ay ang inyong buhay?" babala ni Claire sa dalawang matapang na baguhan.

"OO!!!" buong pusong sagot ng dalawa. Napangiti si Claire sa katatagan na ipinapamalas ng dalawa, naalala niya ang unang araw niya noong pumasok siya sa ganitong gawain.

"Sige, hayaan niyo akong ikwento sa inyo ang buong pangyayari."

Langley, Virginia, United States
December 17, 1992

"Nakita po naming palaboy laboy ang batang itong sa labas ng ating gusali, naisip ko po na baka pwede po siyang maglingkod dito bilang alalay ng ating mga tauhan," paalam ni James sa labindalawang nakatataas sa kaniya. Nakaupo ang mga ito sa iisang hilera at ang bawat isa sa mga ito ay pormal na pormal ang dating.

Dahil sa labis na takot na ipatapon na naman sa labas at mamatay sa lamig ay sinubukang kumbinsihin ng batang si Claire ang mga taong nasa harapan niya. "A-ako po si Claire Ocampo, ang alam ko po ay ipinanganak po ako sa Pilipinas pero dito po ako sa Amerika lumaki. Magaling po akong maglaba, magluto, magplantsa at marami pa po akong alam na iba't ibang gawaing bahay. Pwede po akong manilbihan sa inyo bilang isang alalay huwag niyo lamang po sana akong ipatapon muli sa labas," pagsusumamo ng batang walang kamuwang muwang sa kaniyang papasukin.

"Sandali lang, alam ko na kung ano ang pwede nating gawin sa kaniya," sabat ng isang babaeng naka amerikana. "Sa loob ng mahabang panahon ay puro matatanda na ang ating nasasanay para ipadala sa iba't ibang misyon. Sa pagkakataong ito ay bakit hindi natin pag eksperimentohan itong batang ito, sanayin natin siya. Sa murang edad na 'yan ay pwede na nating itatak sa isip niya ang lahat ng nalalaman natin at maari siyang maging isa sa pinakamagaling natin dito."

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon