The Zodiac Killer Final Act- Case Closed

150 10 3
                                    


San Francisco Police Department
San Francisco, California, United States
February 24, 2014
5:15 PM

Nabalot ng madilim na usok ang buong paligid, kahit na nakasara ang mga bintana at ang pintuan ay tila mayroong malamig na hangin na bumubulusok. "Narito na siya, ang aking matibay na ebidensya!!" sigaw ni Leon pagkatapos ay binuklat niya ang aklat at kaagad na inihanda ang sarili.

"Anong nangyayari!?"

"Narito na siya, at hindi niya hahayaang maisara ko ang kasong ito kaya gagawin niya ang lahat upang mapigilan ako," nakangiting pahayag ng detective sa hepe. "Ang totoong Zodiac Killer!!"

Sa isang iglap ay mayroon ng taong nakasuot ng executioner robe ang nasa harapan nila Leon. Malaki ang katawan nito at tila ba ay galit na galit ito dahil kaagad niyang sinakal si Tenpenny. Maguumpisa na ang pagtutuos ng isang detective na pilit na hinuhukay ang kasong matagal ng nakabaon sa limot at ng Zodiac Killer ang isa sa pinaka notoryus na mamamatay tao sa buong Amerika.

"Pakielamero ka, wala akong ititirang buhay maski isa sa inyo!!" sigaw ng Zodiac habang patuloy na sinasakal si Tenpenny.

"Arthur Leigh Allen, ang totoong Zodiac. Dumating ka din, kanina pa kita hinihintay," bati ni Leon dito. Hindi makikitaan ng takot ang detective, tila'y planadong planado na nito ang magaganap sa gabing ito. Napabitaw ang Zodiac sa kaniyang pagkakasakal sa pulis, napunta ang kaniyang atensyon sa binanggit ni Leon.

"Hayaan mo akong magpaliwanag kung bakit sa tingin ko ay ikaw si Allen, Sa unang tatlong pag atake na nangyari apat-na-pung taon na ang nakararaan ay ikaw ang responsable doon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hayaan mo akong magpaliwanag kung bakit sa tingin ko ay ikaw si Allen, Sa unang tatlong pag atake na nangyari apat-na-pung taon na ang nakararaan ay ikaw ang responsable doon. Kaya mag kakaiba ang paglalarawan ng mga nakaligtas na biktima sa Zodiac killer ay dahil sa panahong iyon ay hindi lamang ikaw ang nag iisang Zodiac killer. Mayroong taong gumaya sa'yo at gumawa ng mga krimen gamit ang pangalan ng Zodiac," sunod sunod na paliwanag ni Leon.

"At sino naman sa tingin mo ang pangalawang Zodiac?" tanong ng kriminal.

"Noong una ay hindi mo siguro inaasahan na mangyayari ito. Sinubukan mong hanapin ang taong gumagamit sa pangalan ng Zodiac killer dahil sa tingin mo ay ginugulo niya ang mga plano mo. Pero hindi nagtagal ay naisip mong hindi pala ang plano mo ang ginugulo niya kun'di ang imbestigasyon na ginagawa ng mga pulis. Ang taong tinutukoy kong sumunod sa yapak mo bilang Zodiac killer ay si Lawrence Kane."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon