Egypt
February 28, 2014Sa loob ng isang napakalaking libingan para sa isang kinikilalang tao ay pumasok ang tagatala, ang lalaking nakaputi. Tila ba ay alam na alam na nito ang pasikot sikot sa loob ng napakalaking himlayan.
"Sa ngalan ng pinakamakapangyarihang nilalang, hinihingi ko ang presensya mo. Nakita na namin ang sugo, ang taong kinakailangan upang manumbalik ka sa mundong ibabaw. Ikaw na ang siyang matagal nang naghihintay sa himlayan na ito," bigkas ng tagatala.
Nakaharap siya sa isang ataul na kung saan ay inililibing ang mga sinaunang tao sa ehipto.
Isang nakakagimbal na presensya ang sunod na bumalot sa loob ng napakalaking himlayan. Bumalot ang napaka itim na usok sa lalaking nakaputi, tila ay kinikilatis siya nito. "Ikaw, ikaw ang tagatala tama ba?" tinig na nagmumula sa maitim na usok.
"Siyang tunay, hindi ba't matagal mo nang inaasam na makalaya mula sa lugar na ito?"
"Oo, milyong milyong taon ko nang ninais na makalaya dito. Pero bago 'yon ay ano nga ba ang 'yong tunay na sadya kaya ka naparito?"
"Pharaoh, hindi ba't gusto mong malaman ang 'yong tunay na katauhan? Hindi ba't gusto mong makalaya mula sa loob nito? Binibigay ko na sa'yo ang kalayaan na 'yong inaasam kapalit nang pagtulong mo sa isang tao na nag ngangalang Leon Santos," diretsahang sagot ng tagatala.
"Leon Santos? Bakit tila yata ay pamilyar sa akin ang pangalang 'yon?"
"Dahil siya ang SUGO, ang ipinadala nang ama upang sagipin tayong lahat. Sa tulong mo ay magagampanan niya ang kaniyang tungkulin at sa tulong niya ay mahahanap mo ang kasagutan sa iyong tanong."
"Leon Santos?" Tila ay interesado ang maitim na usok sa kaniyang narinig. "Gaano ako nakasisigurong hindi na ako mapapabalik sa lugar na ito oras na pumayag ako sa iyong alok?" paniniguro nito.
Inilabas ng lalaking nakaputi ang isang kwintas at iniangat niya ito sa himlayan ng pharaoh.
"Ang kwintas na ito ay naglalaman ng 'yong kaluluwa. Oras na matapos ni Leon ang kaniyang misyon sa mundong ito ay nangangahulugan nang paglaya mo. Uulitin ko ang tanong ko sa'yo nameless pharaoh, tinatanggap mo ba ang aking alok?" nakangiting bigkas ng tagatala.
"Ang kwintas na 'yan? Paano mo 'yan nakuha?" kalmadong tanong maitim na usok.
"Udjat eye of hour, sa'yo na ito kung tutuparin mo lamang ang kasunduan na hinihingi ko sa'yo."
Nag anyong tao ang maitim na usok at isang batang lalaki ang lumabas sa kaniyang anyo. "Tinatanggap ko ang 'yong alok. Ipadala mo na ako ngayon sa kung nasaan man ang taong nag ngangalang Leon."
Bahagyang napangiti ang lalaking nakaputi at pagkatapos ay pumitik ito at nagliwanag na ang buong paligid.
Unknown
Seattle, Washington, United States
February 28, 2014Samantala sila Leon at Gloria naman ay hindi manlang makagalaw sa kanilang kinatatayuan nang makaharap nila ang demonyong si Balor. Nasa anyo pa ito nang taong huli niyang sinaniban ngunit kahit na ganon ay ramdam parin nila ang kilabot na dala nito.
"Nagkita rin tayo sa wakas detective," nakangiting sambit ng demonyo.
Kahit na nasa loob pa nang selda niya si Leon ay ramdam na ramdam niya ang pagyanig ng lupa sa bawat hakbang ng demonyo papalapit sa kanila ni Gloria. Maski na ang makapangyarihang ginang ay walang magawa sa harap ng isang totoong demonyo.
Gagamitin na sana niya ang kaniyang kapangyarihan nang biglaan itong mapansin ng demonyo. "Ano sa tingin mo ang gagawin mo? Tila yata ay nahihibang ka na Gloria, isang pepityuging demonyo lamang ang nagbigay sa'yo nang kapangyarihan na 'yan kaya huwag mong isipin na may magagawa ka laban sa'kin."
Sa isang wasiwas lamang ng kamay ng demonyo ay nagawa na niyang ihagis ang makapangyarihang ginang. Napaupo nalamang si Leon sa sahig at sinusubukang maghanap ng sandata na pwede niyang gamitin laban sa mala imortal na hayop na kaniyang kaharap.
Parang isang malambot na bagay lamang ang rehas sa selda ni Leon kung sirain ito nang demonyo. Wala pang ilang segundo ay nagawa na nitong makalapit sa detective. "Ipaparanas ko sa'yo ang impyerno, ikaw na mismo ang hihiling sa'kin na patayin na kita," nakangiting bigkas nito.
Bago pa man mahawakan ng demonyo ang detective ay isang maitim na usok ang bumulusok papasok ng silid. Kasabay nito ay ang pagtalsik ng demonyo at pagkislap ng liwanag mula sa detective. Sa sobrang tindi ng liwanag na nagmumula sa detective maski ang demonyong si Balor ay nasilaw rito.
Narinig ni Balor ang yapak na nagmumula sa detective na kani-kanina lamang ay takot na takot pa. "Let's play a game," mahinang sambit ng boses na nagmumula sa detective. Tila nakaramdam ng kilabot ang demonyo nang marinig niya ang kakaibang boses na nagmumula sa detective. Nabaliktad ang sitwasyon sa isang iglap lamang.
Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay nagimbal siya sa kaniyang nakita. Isang anino nang isang hindi maipaliwanag na nilalang ang nasa gilid ng detective at isang kakaibang kwintas ang ngayon ay suot na ni Leon.
BINABASA MO ANG
Misteryo Remake
HorrorSi Leon ay isang sikat na detective sa Pilipinas. Napakarami na niyang nalutas na iba't ibang kaso at napakarami na rin niyang naipakulong na mga kriminal. Masasabing isa siya sa pinakamagaling na detective sa buong mundo. Merong paniniwala si Leon...