Si Leon ay isang sikat na detective sa Pilipinas. Napakarami na niyang nalutas na iba't ibang kaso at napakarami na rin niyang naipakulong na mga kriminal. Masasabing isa siya sa pinakamagaling na detective sa buong mundo. Merong paniniwala si Leon...
Hindi lamang sa gusali na kung nasaan si Leon makikita ang matinding epekto nang paglabas ng nilalang na nagmula sa kawalan patungo sa katawan ng detective. Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buong bansa nang Amerika sa mga oras na ito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang Lunar eclipse ang biglaan nalamang naganap na labis na ikinagulat ng lahat. Maski ang ilang siyentipiko ay nabigla sa kanilang nasaksihan. Sa loob ng ilang minuto ay naging isang napakalaking balita na kaagad ng pangyayaring ito. Umabot ito sa Asia at sa iba pang bansa, lingid sa kaalaman ng lahat na ang pangyayaring ito ay kagagawan nang isang detective at nang isang hindi kilalang espirito na pumasok sa katawan nito.
Langley, Virginia, United States February 28, 2014
"James, ano ang nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga tao sa labas?" kaagad na sambit nang kakagising lamang na si ginoong Glen. Nagulat ito nang makarinig siya nang sigawan na nagmumula sa mga taong nasa loob ng kanilang headquarters.
"Isang hindi kapani-paniwalang kaganapan, ginoo. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari," sagot naman ni James. "Ano ba ang nangyayari?" Natulala nalamang silang lahat sa kanilang nasusulyapan mula sa bintana.
"Isa itong senyales, may isang makapangyarihan na nilalang na nag desisyon nang makielam sa agos ng tadhana," sabat naman ng pinakamataas sa kanilang lahat na si Lazarus.
Ang bawat saksi sa kaganapang ito ay nakaramdam ng matinding pagasa, pagasa na tila ay bumubuhay sa kanilang patay na pagkatao. Isa ba itong milagro mula sa itaas? Isa ba itong himala na ipinagkaluob ng Diyos upang mabago na ang nangyayari sa mundo? Walang nakakaalam maski na kahit na sino.
San Francisco, California, United States February 28, 2014
"Claire, nakikita mo ba ang nakikita namin!?" manghang manghang sambit ni Jill nang hindi inaalis ang kaniyang paningin sa itaas.
"Si-sino ang may kagagawan nito? Bakit biglang nagkaroon ng eclipse?" sabat naman ni Chris.
"Ang sugo, ang sugong tinutukoy nang lalaking nakaputi siya ang may kagagawan nito," sagot naman ni Duke sa mga ito. "Ang taong lulutas sa pinakamalalalim na misteryo sa mundong ito, ang natatanging sugo na babago sa mga pangyayari."
"Dumating na ang oras para sa pagbabagong ating hinahangad, heto na ang umpisa," nakangiting saad ni Claire. "Leon, naniniwala akong kaya mo 'yan."
Unknown Seattle, Washington, United States February 28, 2014
"Si-sino ka ba!? Sino ka, sumagot ka!!!" sigaw ng demonyong humahakbang paatras. Tila ay takot na takot ito sa nilalang na naglalakad patungo sa kaniya.
"Balor, may gusto akong iparating sa mga nilalang na kagaya mo. Subukan niyo lang na pigilan ako sa aking misyon ay ipaparanas ko sa inyo ang pagdurusa na mas matindi pa kaysa sa naranasan ninyo sa impyerno," mahinang sambit ng kakaibang boses na nagmumula kay Leon.
Mula sa likuran ng demonyong si Balor ay sumulpot ang kanina lang ay mukha pang taong mga kriminal na ngayon ay halos hindi na matatawag na tao.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dahil sa labis na takot mula kay Leon ay hindi kaagad napansin ni Balor na bumalik na siya sa kaniyang anyong tao at unti unti nang nawawala ang kaniyang lakas. Dahil doon ay nagkaroon nang pagkakataon ang mga nilalang na nasa likuran niya na atakihin siya at pag piyestahan ang katawang tao na kaniyang ginagamit.
"Arghh!!! Layuan ninyo ako mga peste!! Isa akong demonyo at isa lamang kayong pesteng nilalang!!"
"Tagumpay ang eksperimento, naging isang ganap na wendigo ang mga kriminal na aming pinag eksperimentohan. Tagumpay ang Project Wendigo," nakangiting bigkas ni ginang Gloria na nanghihina pa dahil sa pinsalang kaniyang natamo.
Isang nakakabulag na kadiliman ang pinakawalan ni Leon, na naging dahilan upang lamunin nang kadiliman ang lahat nang bagay na nasa paligid niya. Ang tanging makikita lamang ay ang kumikislap na anino nang isang hindi maipaliwanag na nilalang na nag mumula sa detective.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Crasher!" isang sigaw ang mas nagpatindi pa nang pwersang bumabalot sa buong gusali.
"Arghh!!!!" sabay sabay na sigaw nang mga tao, mga halimaw at demonyong nasa loob ng gusali. Sino nga ba ang nilalang na ito? Kakampi ba siya ni Leon o kagaya din siya nang mga sinasagupang nilalang ng detective? Ano ang papel niya sa buhay ni Leon at ano magiging epekto nito ngayon na iisa nalamang sila ni Leon?
Magpapatuloy ang kwento ng taong lulutas sa pinaka malalalim na misteryong bumabalot sa mundong ito.