Project Wendigo and The Russian Sleep Experiment Final Act

112 8 2
                                    

Unknown
Seattle, Washington, United States
February 27, 2014
8:30 AM

Makalipas ang isang araw matapos ikulong sa isang selda ni senador Ian si Leon ay saka lang ito nagising. "Patawad detective ngunit kinakailngan ko itong gawin upang pansamantala kang mapigilan sa pakikielam," paumanhin ng senador na nasa labas ng selda matapos maimulat ni Leon ang kaniyang mata.

"Palabasin mo ako dito, hindi tama itong ginagawa ninyo. Hindi pala sila mga totoong kriminal, mga inosente sila kaya itigil niyo na ito," kalmadong pahayag ng detective. Kalmado 'to pero sa loob loob niya ay napakatinding poot ang kaniyang nararamdaman. "Hindi ko na uulitin pa ang sasabihin kong 'to, palabasin mo ako dito at itigil niyo na itong kalokohang 'to."

"Patawad, ngunit mananatili ka muna diyan hangga't sa matapos namin ang eksperimento." Tiningnan ni Leon ng diretso sa mata ang senador, labis na kaba ang kaagad na umukit sa pakiramdam ng senador habang nakatitig sa kaniya ang kalmado ngunit galit na galit na detective.

Bahagyang napa atras ang senador, inilabas nito ang kaniyang baril at itinutok sa detective. "Kung tutuusin ay pwede na kitang patayin dito ngayon, ngunit ang kinakatakot ko lamang ay kung ano ang gagawin sa'kin ni Claire oras na malaman niyang pinatay kita kaya pipigilan ko nalamang ang sarili ko."

"Bakit ba hindi ka nalamang bumalik sa Pilipinas at gawin mo ang trabaho mo doon bilang isang detective!? Bakit ba patuloy mong isinisiksik ang sarili mo sa itinadhana!? Bakit ka ba nakikielam!!?" gigil na sigaw ng senador habang patuloy na nakatutok ang kaniyang baril sa detective.

"Dahil isa akong detective," diretsong sagot ni Leon dito na nagpahinto sa pagwawala ng senador.

Office of the President
1600 Pennsylvania Ave NW, Washington, DC 20500, Estados Unidos
February 27, 2014
1:40 PM

Samantala, sa opisina naman ng presidente ng estados unidos ay may isang hindi inaasahang bisita. "Ginang Gloria, tumuloy po kayo," bati ng presidente.

"Nabalitaan kong naumpisahan na ninyo ang eksperimento, hindi na makapag aantay pa ang organisasyon. Gusto na namin ng agarang konklusyon sa inyong eksperimento," sambit ng ginang matapos niyang maupo.

"Pa-paano namin 'yon gagawin? Hindi ba't ang sabi ng mga siyentipiko ay kinakailangan nating maghintay ng tatlumpung araw upang makumpleto ang eksperimento at ganap na matapos ang Project Wendigo?" balik naman ng presidente.

Iniabot ng ginang ang isang vacutainer na naglalaman ng dugo sa presidente. "Ang bagay na 'yan ay naglalaman ng dugo ng isang tunay na wendigo. Gamitin n'yo 'yan upang pabilisin ang eksperimento." Isang hindi makataong eksperimento ang ngayon ay papasukin ng gobyerno alangalang sa pagbabagong inaasam ng lahat. Hindi magawang tingnan ng presidente ang bagay na ngayon ay kaniyang hawak, tila ay gusto niya itong ibato ngunit wala na silang ibang pagpipilian kung gusto nilang manalo sa digmaan ay kinakailangan nilang mag sakripisyo.

"Ginang, hindi ko alam kung dapat ko pa bang ito iulat sa'yo ngunit mayroong bihag ngayon si senador Ian. Ang fiancé ni Claire, hindi ba't ipinapahanap mo siya dati?" sambit ng presidente sa paalis na ginang. Natuwa naman si Gloria nang marinig niya eto, para siyang nanalo sa sugal at hindi na ito nagpatumpik tumpik pa.

"Ako na pala ang bahalang mag dala ng bagay na ibinigay ko sa'yo kay Ian, gusto kong makita sa personal ang fiancé ni Claire. Siya si Detective Leon kung hindi ako nagkakamali, tama ba?" nakangiting tugon ng ginang.

"O-opo."

"Magaling, hindi ko inaasahan na papanig sa'kin ang pagkakataon. Masusubukan ko na ang kakayahan ng Project Wendigo at makikita ko rin kung hanggang saan ang ibubuga nitong pambato ni Claire."

Unknown
Seattle, Washington, United States
February 28, 2014

Makalipas ang isa pang araw ay nakarating din sa gusali kung saan isinasagawa nila senador Ian ang kanilang eksperimento si Gloria. Sinalubong naman ni Ian ang ginang tanda ng malaking respeto at takot niya rito, agad silang nagtungo sa opisina ng senador.

"Nasaan ang detective?" bungad na tanong ng ginang.

"Nasa selda po sa ibaba, ano po ang sadya ninyo dito?" nauutal na tanong ng senador.

"Kunin mo ito, gusto kong gamitin ninyo ito sa mga taong pinag eeksperimentohan ninyo ngayon din. Ako naman ay magpapakilala sa ating munting detective," sagot ng ginang nang nakangiti.

"Masusunod po." Kaagad na nagtungo si Ian sa laborotorya nila upang isagawa ang inutos ng ginang sa kanila at si Gloria naman ay tinungo ang daan papunta sa selda na kung saan ay ikinulong ng senador si Leon.

Hindi maipaliwanag ng ginang ang nararamdaman niya, habang dahan dahan siyang humahakbang paibaba sa hagdan ay pabilis ng pabilis ang kabog ng kaniyang puso. Ilang sandali nalamang ay makikilala na niya ang detective na ipinagmamalaki ni Claire, ilang sandali nalamang ay makikilala na niya ang taong tuluyang babago nang lahat.

Lingid sa kanilang kaalaman na lahat sila'y nasa isang napakalaking panganib. Habang papatagal nang papatagal ang bawat sandali ay mas nagiging delikado ang kalagayan nang bawat isang tao na nasa loob ng gusali at kabilang na doon si Gloria.

Nang makarating si Gloria sa harapan ng selda ni Leon ay naabutan niyang nakatitig sa kaniya ang detective na tila ay hinihintay siya. "Ikaw si Leon Santos? Ang detective na patuloy na nangingielam sa hindi niya dapat panghimasukan?"

"At kung hindi ako nagkakamali, marahil ay isa ka sa mga boss ni Claire tama ba?" hinala ni Leon.

Nagkatitigan nang matagal ang dalawa, tila ay naglalaban ang mga ito gamit ang kanilang isipan. Kinikilala nila ang bawat isa gamit lamang ang tahimik na pagtitig at sa pagitan ng rehas ay nagaalab ang mata ng dalawang tao na parehong salungat sa pamamaraan ng isa't isa.

"Pababagsakin ko kayo, tandaan mo 'yan." Binasag ni Leon ang katahimikan gamit ang salitang nagpakunot ng noo ng ginang. Ngunit bago pa man makapagsalita ang ginang ay may isang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa gusali. Isang napakalakas na boses ang nangibabaw sa buong gusali.

"LEON!!!!!" sigaw ng demonyong galit na galit. "Papatayin kita!!!!" 

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon