Langley, Virginia, United States
February 26, 2014
11:45 AM"Gusto kong alamin ninyo kung sino ang sugo na tinutukoy ng lalaking aking nakaharap! Gawin ninyo ang lahat upang malaman lamang kung sino ang sugo," utos ni Gloria sa sandamakmak niyang tauhan na ngayon ay nakahilera sa kaniya. Matapos siyang maglaho noon sa paliparan ay namulat nalamang siyang nasa loob na ng kaniyang silid.
"Sigurado ka ba sa mga narinig mo sa nilalang na 'yon ginang Gloria?" paniniguro ni Glen. Ang bawat isa sa mga nakatataas sa organisasyon ay labis na nagulat sa inilahad sa kanila ng kanilang kasamahan. Ang buong akala nila'y sa alamat lamang nila mababasa ang salitang SUGO. Labis silang naguguluhan sa kung sino nga ba ang nilalang na nakaharap ng ginang at kung ano ang papel nito sa nakatakdang digmaan.
"Sa-sandali lang! Sino itong sugo na tinutukoy mo!?"
"Sino siya kamo? Siya ang taong lulutas ng pinaka malalalim na misteryo sa mundong ito."
"Ang taong lulutas ng pinaka malalalim na misteryo sa mundong ito, siya ang tinutukoy na SUGO ng lalaking nakaputi," sambit ng ginang sa kaniyang mga kasamahan. "Sino nga ba ang taong 'yon?"
"Hindi kaya si Claire ang kaniyang tinutukoy? Aaminin ko, lahat tayo dito ay umaasang bumalik si Claire dahil sa lahat ng ating kawal ay siya ang pinakanaiiba. Siya din ang itinuturing nating pinakamalakas na armas para sa darating na digmaan," pagsasaad ni James ng kaniyang opinyon sa mga nakatataas.
Laking gulat ng lahat dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita ang lalaking nasa gitna. Ang lalaking nagtatag ng organisasyon, naka amerikana ito at kahit na ilang dekada na ang lumilipas mula ng itinatag nito ang organisasyon ay wala paring pagbabago sa panlabas na anyo nito. Napaka bata parin ng anyo nito at tila ay hindi ito tumatanda sa bawat paglipas ng panahon.
Sa labindalawang nakatataas ay ang taong ito ang may kontrol sa lahat ng sangay ng organisasyon, maski ang ibang mga nakatataas ay walang impormasyon ukol sa taong ito. Ang tanging alam lamang nila ay siya ang nagtatag at wala ng iba pa.
"Labis akong nababagabag, nakasisiguro akong hindi si Claire ang tinutukoy ng nilalang na nakaharap mo Gloria. May isa pang karakter na pilit na inilalagay ang sarili niya sa papel na itinakda, isang tao na nakikielam sa daloy ng mundo," misteryosong sagot nito. "Ang tanong ngayon ay, sino nga ba ang taong ito? Ang taong pilit na isinisingit ang kaniyang sarili sa itinakda at pilit itong binabago?"
Unknown
Seattle, Washington, United States
February 26, 2014
11:46 AM"Ipinangako ko nga pala sa'yo na kapag sumama ka sa'kin ay ipapaliwanag ko sa'yo kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Ngayon na siguro ang tamang oras upang malaman mo ang lahat lahat, detective Leon," bigkas ng senador habang nakaupo sila ni Leon at nagkakape.
Tahimik lamang si Leon at inaabangan nito ang mga susunod na sasabihin ng senador. "Si Claire, siya ay isang kawal, hindi 'yung mga kawal na ipinapadala mo sa ordinaryong digmaan. Paano ko nga ba ito sisimulan?" magulong paliwanag ni Ian na nakapag pakunot ng noo ni Leon. "Si Claire ay isang miyembro ng pinakamalaking organisasyon sa buong mundo."
"Anong organisasyon ito?"
"'Yan ay hindi ko lubos na masasagot dahil kakarampot lamang ang nalalaman ng gobyerno ng Amerika ukol sa organisasyon na 'yon. Ang alam lamang namin ay ang organisasyon na ito ang dahil kung bakit hanggang ngayon ay buhay parin ang mga tao," muling paliwanag ng senador. "Narito ka ngayon dahil gusto kong balaan ka na huwag ng makielam pa sa gulong ito. Alam kong hahanapin mo si Claire at hindi ka titigil hangga't hindi mo siya nahahanap kaya ngayon palamang ay binabalaan na kita Leon Santos."
BINABASA MO ANG
Misteryo Remake
HorrorSi Leon ay isang sikat na detective sa Pilipinas. Napakarami na niyang nalutas na iba't ibang kaso at napakarami na rin niyang naipakulong na mga kriminal. Masasabing isa siya sa pinakamagaling na detective sa buong mundo. Merong paniniwala si Leon...