The Zodiac Killer Act 6- Modern Day Grim Reaper

143 9 1
                                    


San Francisco Police Department
San Francisco, California, United States
February 24, 2014
4:45 PM

"Detective, aabutin ng dalawa hanggang tatlong araw bago mailabas ang resulta ng DNA test kung ipagpapatuloy natin ang plano mo," sambit ng hepe sa kararating lang na lalaki. Kapansin pansin ang misteryosong ngiti ni Leon matapos nitong makabalik mula sa pagsusuri niya sa bangkay na natagpuan nila Tenpenny malapit sa estasyon.

"Hindi na kailangan, alam ko na kung sino ang mga Zodiac Killer noong nakaraang apat-na-pung taon at kung sino ang pekeng Zodiac na nagpapagulo ng imbestigasyon na ito," nakangiti nitong bigkas. "Sa katunayan ay sigurado akong hindi magtatagal ay lalabas din ang ebidensyang magpapatibay sa aking konklusyon."

Naglakad si Leon patungo sa pintuan ng estasyon at pagkatapos ay isinara niya ito. "Uumpisahan ko na ang pagbibigay ng aking konklusyon sa inyo habang hinihintay natin ang ating munting bisita na siyang may dala dala ng pinakamalaking ebidensya." Kumuha ng upuan ang detective at ipinwesto niya ito sa tapat ng pintuan. Umupo siya rito at tiningnan ng diretso sa mata ang hepe.

Napalunok ang hepe, tila ay sabik na sabik itong marinig ang mga susunod na sasabihin ng binata. "Ang kasong inabot na ng apat na dekada na matagal ng ibinaon sa limot ng lahat ay muling bubuksan ng isang detective!? Isang tagalabas na pilit na hinuhukay ang bukas na kaso at pilit itong isinasara. Sino ka ba talaga Leon Santos!?" bulong ng hepe sa kaniyang sarili matapos nitong mapalunok ng laway dahil sa kasabik sabik na pangyayaring na nagaganap sa kaniyang harapan.

"Walang imposibleng kaso, kung sa tingin mo ay imposible na ang kasong kinakaharap mo ay gawin mo itong posible. Kung wala ng susi para sa pintuang nakaharang sa'yo ay ikaw na mismo ang gumawa ng susi para buksan ito."

Pati ang ibang mga pulis na nasa paligid ay hindi mapakali sa kanilang kinatatayuan, ang bawat isa sa kanila ay sabik na sabik na marinig ang konklusyon ng sikat na datective. "Hindi inakala ng nagpapanggap bilang Zodiac ngayon na magbabalik ang tunay na Zodiac at maghahasik muli ito ng lagim sa buong San Francisco."

"Ang balak niya sa una ay ang gumawa ng panibagong decada na kung saan ay muling makikilala ang Zodiac at katatakutan muli ito ng karamihan, ayaw niyang mabaon sa limot ang alaala ng Zodiac." Inilabas ni Leon ang kaniyang telepono at ipinakita niya sa mga pulis ang larawan ng bangkay na kaniyang pinuntahan kani-kanina lamang. "Ang bangkay na ito, mayroon siyang marka ng Zodiac sa kaniyang dibdib."

"Hepe, ang ama mo matagal siyang nakasubaybay sa kaso ng Zodiac hindi ba? Sabihin mo nga sa'kin kung ugali ba ng Zodiac na ukitan ng marka ang niya ang kaniyang mga biktima sa dibdib ng mga ito?"

"Hi-hindi, so ang sinasabi mo ngayon ay ang pekeng Zodiac ang may kagagawan ng mga pagpatay na may mga nakaukit na simbolo ng Zodiac?"

"Oo, sa makatuwid ay pinipilit nitong taong ito na paguluhin pa lalo ang imbestigasyon ngayon sa kadahilanang ayaw niyang mabunyag ang sikreto ng totoong Zodiac," paliwanag ni Leon habang kinakalkal ang laman ng kaniyang bagahe. Nang makuha niya ang libro ng archbishop mula sa loob ng kaniyang bagahe ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagpapaliwanag.

"Naniniwala ba kayo sa mga patay na muling binuhay? Kung tama man ang aking konklusyon ay nakasisiguro akong may isang tao na bumuhay sa Zodiac sa kadahilanang hindi ko pa alam sa ngayon at naging isang malaking pagkakataon naman na may isang tao rin na gustong bumuhay sa kasaysayan ng Zodiac sa pamamagitan ng pag ulit sa mga krimen na nagawa nito ngunit sa sarili niyang pamamaraan."

Binuklat ni Leon ang aklat at tiningnan nito ng halinhinan ang hepe at si Tenpenny. "Ang mga katanungan ngayon na kailangan kong sagutin ay kung sino nga ba ang pekeng Zodiac at kung sino ang bumuhay sa totoong Zodiac sa pamamagitan ng tinatawag nating Necromancy."

Misteryo RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon