South Norton Avenue Midway Leiment Park, Los Angeles ang address kung saan natagpuan ang bangkay ni Elizabeth Shorts o mas kilala sa tawag na Black Dahlia noong January 15, 1947. Nang makita ang bangkay nito ay hati na ito sa dalawa, ginawa itong parang manika. Inakala din ng taong nakakita ng bangkay na ito ay sirang manika lang ito na itinapon sa gilid ng kalsada.
Nang tingnan niya ito ng malapitan ay saka niya lang napagtantong isa pala itong bangkay ng tao.
Naging isang malaking palaisipan ang kaso ni Black Dahlia sa mga pulis at hanggang ngayon ay hindi parin ito nalulutas ng kahit na sino at wala ng umaasa pang may makakalutas pa nito.
Sa paglipas ng mga taon ay halos makalimutan na rin ng mga tao ang nangyari kay Black Dahlia naging tahimik na ulit ang lugar nila at bumalik na sa normal ang lahat. Lingid sa kanilang kaalaman na mababasag muli ang katahimikan na ito.
Madaling araw, nageehersisyo sa daan ang isang dalagang babae ng bigla itong mapadaan sa gilid ng isang kalsada na kung saan ay may parang isang manika na nakahalandusay. "Ano na naman kayang klaseng trip ito? Nananakot na naman ng mga tao ang mga walang magawa sa buhay," bulong ng babae habang dahan dahang naglalakad patungo sa kaniyang nakita.
"KYAAHH!!" Isang malakas na tili ang pinakawalan ng dalaga matapos niyang makita ng malapitan ang inaakala niyang manika. Nang mag silabasan ang mga tao mula sa kanilang mga tahanan ay nagulantang silang lahat sa kanilang nakita. Isang babae na hati ang katawan at tila ba ay naging isang manika ang nakahalandusay sa pwesto kung saan mismong nakita ang bangkay ni Black Dahlia.
South Norton Avenue Midway Leiment Park, Los Angeles
February 15, 2014Makalipas ang isang oras matapos matagpuan ang bangkay sa gilid ng kalsada. Nakita ni Leon ang pagkukumpulan ng mga tao at mangilang ngilang mga pulis na nakapalibot sa lugar. "Na naman? Bakit pakiramdam ko lahat na lang ng address na ibibigay sa akin ay may ganito?" Napabuntong hininga na lang si Leon habang naglalakad papalapit sa crime scene.
"Off limits po dito sir." Agad na pinigilan ng isang pulis si Leon bago pa man ito makalapit sa bangkay. Inilabas ni Leon ang ID niya at pagkatapos ay ipinakita niya ito sa pulis.
"Ako si detective Leon Santos, galing ako sa Pilipinas. Napadaan ako dito dahil may hinahanap ako, baka sakaling makatulong ako sa inyo kung papayagan niyo akong tumulong," pakilala ni Leon sa mga ito.
"Ah!! Ikaw si Leon!?" sabat ng isang babaeng pulis. Lumapit ito kay Leon para tingnan ito ng malapitan at kilatisin ng mabuti. "Hindi mo naman kami ginogoyo noh? Sigurado ka ba talagang ikaw si Leon??" pangaasar ng babaeng pulis.
"Bakit pakiramdam ko nilalait na ako ng babaeng 'to?" bulong ni Leon sa sarili.
"'Di bale na, kung inaalok mo ang tulong mo buong puso namin itong tatanggapin. Halika, tingnan mo 'yong bangkay," paanyaya nito. "Ay oo nga pala, ako nga pala si Angel, Angel Lewis." Agad na nagtungo sila Leon at Angel papalapit sa bangkay upang suriin ito.
BINABASA MO ANG
Misteryo Remake
HorrorSi Leon ay isang sikat na detective sa Pilipinas. Napakarami na niyang nalutas na iba't ibang kaso at napakarami na rin niyang naipakulong na mga kriminal. Masasabing isa siya sa pinakamagaling na detective sa buong mundo. Merong paniniwala si Leon...