CHAPTER 16

236 13 0
                                    

I've been contemplating if i stick to the original story..but i decided to changed some events to make it shorter than the original.

Thank you Desire for reading and voting my story..i need your comment.

Decision.





Aerial's POV

Hindi namin inaasahan ang paglala ng sitwasyon ni Shams.Palagi nalang itong tulala habang umiiyak.Palagi nitong tinatawag ang pangalan ng lalake.Alam ko kung gaano kasakit ang pinagdadaanan nito ngayon.At ang masaklap lang ay parang hindi na sila nito kilala at hindi narin ito kumakain.Nakalabas na ito ng ospital ngunit naging mas komplikado ang kalagayan nito.

"Ilang araw na siyang ganyan.Masyado na akong nag alala dahil hindi na siya nagsasalita.Hindi ko na alam kung anong gagawin."Puno ng pag alala na sabi ni tita Minerva.Nakatingin lang ako kay Shams na tulalang nakatingin sa labas ng bintana.Hindi ko nakayanan ang nakikitang ganun ang kaibigan kaya agad akong nagpaalam at pumunta sa boutique ni Cassidy.

" Pumasok ka nalang sa opisina ni Cass,Aerial.Naghihintay siya sayo." Nakangiting sabi ni Pamela ang assistant ng kaibigan ng makarating ako sa boutique.Agad kong tinungo ang opisina ni Cassidy at nakita ko siyang May inaayos na isang gown.

"Mukhang busy ka yata" Sabi ko ng makapasok.

"Hindi naman.Finishing touch nalang itong ginagawa ko dahil kunin na ito mamaya.Regular customer ko."Nakangiting sabi niya.

"What do you want.Baka may gusto kang kainin.?

"Just dont bother.Im good."

"Nabanggit ko ba sayo Aerial na nagpunta si Alexis sa hospital pagka alis mo? Hinahanap ka niya." Pagbabalita ni Cass.
Hindi agad ako nakapagsalita.Dahil kung pwede lang ayaw ko monang makarinig anuman tungkol sa kanya.Nasasaktan parin ako sa ginawa niya.Kahit may bahagi ng puso ko ang nagsasabi na namimiss ko na siya ngunit kailangan kong tikisin.Nakakapagod na kasi paulit ulit nalang. Mahal ko siya oo dahil hindi naman basta basta mawawala iyon.Pero gusto ko lang huminga kahit sandali dahil  kailangan ko rin ng space para sa sarili ko.
Its been two weeks na hindi na kami nagkikita.Iniiwasan ko rin na makita siya dahil pakiwari ko kasinungalingan na naman lahat ng sasabihin niya.Nandun naman si Cynthia na dapat pagtuunan nito ng pansin.Baka matauhan siya na si Cynthia talaga ang kailangan niya at hindi ako.The thought hurt me somehow.

"Hindi paba kayo nagkakausap Aerial?"Tanong ni Cass.Umiling ako.Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi.

"Kailan mo siya balak kausapin?Hindi mo siya habang buhay na maiiwasan.Alam kong mahal karin niya Aerial.Nararamdaman ko iyon.Dahil kung hindi pa ay hindi siya mag eefort na hanapin ka."

"Nakokonsensiya lang iyon."Walang emosyon kong sabi.Hindi ko na ulit nabuksan ang cp ko simula ng malowbatt ito.Mas gusto ko rin naman iyon upang hindi na ako makakatnggap ng anumang text o tawag sa kanya.

"Sa mahal ka man niya o nakokonsensya lang siya kailangan niyo parin magkausap."

"Natatakot na kasi ako.Na baka kasinungalingan lang lahat ng sasabihin niya."

"Eh ano bang binubulong ng puso mo?Na ganito nalang kayo hanggang sa magkalimutan?"Hindi ako sumagot sa tanong niya.Ito nga ba ang gusto ko?

"Alam ko na ang sagot mo.Alam mo minsan lang sa buhay ng mga tulad natin ang makakakita ng totoong nagmamahal sa atin.Maswerte ka kasi minahal ka ni Alexis.At lalakeng totoo iyon huh.Bihira lang mangyari ang ang mga ganyan kaya ingatan mo siya.Kahit Ilang beses man siyang magkakamali.Patawarin mo hanggang kaya mo pa.Ngayon ka paba susuko?Sa walong taon?"

May bahagi ng isip ko ang nalinawan dahil sa sinabi ni Cass.Tama lahat ng sinabi niya.Ayaw ko rin naman may pagsisihan sa bandang huli.I must admit na miss na miss ko na si Alexis.At kailangan bigyan ko siya ng panahon makapag paliwanag at mabigyan ng second chance.Maraming chances.Nasaktan lang ako ngunit alam ko lilipas din naman itong Nararamdaman ko.Ngayon nakapag decide na ako.Patatwarin kona si Alexis.
Nakauwi na ako ng condo ng makatanggap ako ng tawag mula kay Allen.

The Homeless Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon