CHAPTER 11

256 13 0
                                    

ALL CHAPTER OF THIS STORY IS UNEDITED.I DONT HAVE SO MUCH TIME EDITING,SO I HOPE YOU UNDERSTAND.

DEDICATED TO NAN DAWANG.I HOPE ISALI MO ITO SA STORY LIBRARY MO.
...






HUMILIATED






After what happened that night hindi na ulit kami nagkaroon ng problema ni Alexis.Ayaw kong isipin na darating ang araw na pakakawalan ko siya.Mahirap.Masakit.Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyari ngunit buo na ang loob ko na ipaglaban ang anumang akin.Maaring wala ako sa katayuan upang isulong kung anuman ang akala koy tama bastat si Alexis na ang pag uusapan ay ipaglaban ko.
Maaaring may mga tao na  nag aakalang hindi katanggap tanggap ang relasyon namin dalawa ngunit wala na akong pakialam doon. Hindi naman iyon ang basehan dahil hindi nakasalalay doon ang kaligayahan ko.
On duty ako ng mga sandaling iyon sa coffe shop nang biglang dumating doon si Alexis.Sinalubong ko siya sa labas dahil hindi alam ng mga kasamahan ko ang tungkol sa aming dalawa.

" Hey Mr.Anong ginagawa mo dito? " Tanong ko sa kanya nang tanggalin niya ang kanyang helmet.

" Grabeh namang tanong yan.Bawal ba kitang dalawin? Miss na kita eh."Parang bata na sabi nito.

" Hindi naman.Baka kasi makita ka ng mga kasamahan ko at Baka ano ang iisipin nila."

"Huwag mo silang intindihin.Gusto kong samahan mo ako sa training namin ngayon."May sepak takraw training nga pala ang mga ito dahil mayroon silang nalalapit na laban sa Autralia nextweek.Magaling na sepak takraw si Alexis dahil passion na nito ang paglalaro.Marami na din itong mga medals dahil ilang beses ng nanalo ang team mates nito. At proud na proud ako sa kanya.

"Hindi kita masasamahan.On duty ako at hindi ako pwede na basta aalis nalang."Ang sabi ko sa kanya.

"Ganun ba? Sayang naman."May pagtampo sa boses niya ng sabihin iyon.

"Pasensiya kana huh."

" Hindi bale nalang.Ikiss mo nalang ako." Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

" Ano kaba..Hindi dito dahil ang daming tao.." Napatawa siya ng malakas marahil Sa reaction ko.

" Hindi biro lang  naman eh."

"Teka lang, nagdala ka ba ng extra tshirt mo? Ng towel at tubig? Baka matuyuan ka na naman ng pawis Sa likod?"Sumeryoso siyang nakatitig Sa akin.

" Maraming salamat dahil napaka alaga mo Sa akin.Hindi mo ako pinabayaan.Kaya mahal na mahal kita eh."

"Huwag ka na nga magdrama.Sige umalis kana at baka malate kapa."Masaya ako na naisipan niya akong puntahan kahit buong gabi kaming magkasama.I fight the urge na yakapin siya ngunit tinawid niya ang pagitan namin dalawa at niyakap niya ako.I hug him back at wala na akong pakialam Kung mayroon man makakita Sa amin.Ang mahalaga lang ay kaming dalawa Sa mga sandaling iyon.Na walang mga matang nakatingin Sa amin.Ilang sandali ay binitawan na niya ako.

"I love you"Sabi niya.
"I love you more.Sige na papasok na ako Sa loob.Ingat ka Sa pag drive."

" I will..Diritso ka Sa condo mo pagkatapos ng shift ko.Go home straight.Tatawagan kita mamaya."Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok na coffee shop na may ngiti Sa labi.Sinalubong agad ako ni Vidonnia na co-manager ko na isa ding binabaye.

"So what's the smile on your lips? May kinalaman ba dito ang lalakeng kausap mo Sa labas?" Hindi ko siya sinagot bagkus ay mas lalo pang lupad ang ngiti ko.Masaya ako at ayaw ko iyong ibahagi Kay Vidonnia.

Haha selfish!

" At talaga bang Hindi mo titigilan ang asawa ko?!Napatingin ako Sa may pintuan ng marinig ko ang isang galit na boses ng babae.Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Cynthia.Gulat ang mga taong naroon dahil Sa bigla nalang pagsulpot ng babae.

" I told you layuan Mona ang asawa ko! Bakla ka na nga kuma kalabet kapa Sa may asawa!

" Cynthia please..not here".Ang aking pakiuasap.

" Bakit?Dahil nahihiya kang malaman nila ang sekreto mo?Na Kabet ka ng asawa ko? Na isa kang panira ng pamilya?Na isa kang baklang malandi!" Hindi man lamang ako nakapagsalita Sa mga sinabi ni Cynthia.Bumalong ang mga luha Sa aking mga mata dahil Sa kahihiyan.Marami kaming mga customer Sa mga oras na iyon at halos nakatingin na sila Sa akin lahat.Ang iba ay nagbulungan na.

"Attention every one!Dapat bang pamaresan ang isang baklang katulad niya na naninira ng pamilya?Hindi na nirespito ang sarili!Patuloy ang pag iiskandalo ni Cynthia.Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang.

"Hindi ka Mahal ng asawa ko. And why would a faggot like you mamahalin  ng isang lalake? Baka naman marami kang pera kaya hinuhuthutan ka lang ni Alexis.Gumising ka na Sa panaginip mo!"Sabi niya at ibinuhos Sa akin ang isang soft drinks na hawak nito.Napasinghap ako pati ang mga Tao Sa paligid.

" Sandali lang. Sobra na ata Yang ginagawa mo.Umalis ka na dito bago pa ako tatawag ng pulis."Sabi ni Vidonnia at inakay ako papasok Sa opisina.Humagulgol na ako ng iyak.

" Ang kapal talaga ng babaeng yun!pinapakita niya ang pagiging desperada niya."

Labis akong napahiya at Hindi ko  alam Kung anong mukha ang ihaharap ko sa mga Tao.Naramdaman ko ang isang kamay ni Vidonnia Sa aking balikat.

" Its OK Aerial.Wala ka man sinasabi sa akin ngunit naintindihan kita.Nagmahal ka Lang."Mas lalo pa akong naiyak dahil sa sinabi niya.

Pwede akong mawalan ng trabaho dahil sa ginawa ni Cynthia.Nasira ang reputasyon at sigurado masama na ang tingin sa akin ng iba.

"Mas maganda umuwi ka nalang muna.Ako na ang bahala dito.Sige na."Sabi ni Vidonnia.
Tumango Lang ako at iniligpit ang gamit ko.Gusto ko nang umuwi at magkukulong sa kwarto ko.Its really a bad day for me.











A/N

Parang tinatamad akong magsulat.

But still please vote this chapter.

The Homeless Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon