This chapter is dedicated to you Alexis..I hope you will be happy with her.Aerial's POV
Ayaw kong maging masama ngunit ang pagtangkaan ang buhay ko ay ibang usapan na iyon.Pinilit ko siyang intindihin at nagpakababa ako kahit ilang beses niya akong ipinahiya sa karamihan.But not at this time.Kung dati nagawa kong magtimpi dahil kay Alexis ay hindi ko na magagawa ngayon.Panahon narin upang malaman niya ang mga masamang pinag gagawa ng girlfriend niya.
"Are you ready?"Tanong ni Sandy.Tumango lang ako.Kanina pa kami naroroon at nasaksihan namin ang kanyang pagpapasalamat sa mga bisitang dumalo.Masaya siya dahil makikita iyon sa mukha niya.Hindi pa naman ako ganun ka iskandalosa upang susulpot nalang bigla habang nagsasalita siya sa maraming tao.Ngayon ay kausap nalang niya ang mga kaibigan niya.Its time para pumasok na ako sa eksena.
"May the good girl win.Andito lang kami for back up."Nakangiting sabi ni Cass.
Nagsimula akong humakbang sa kinaroroonan ni Cynthia.Ngayon ko lang ito gagawin.Sana ay mapatawad ako ni Alexis.Kanina pa kami naroon ngunit hindi ko siya nakita.Kita ko ang pagkagulat ni Cynthia ng makita ako.
"You?!"Gulat niyang usal.
Ngumiti ako sa kanya.
"Yeah it's me.Nasorpresa kaba dahil hindi mo inaasahan na andito ako at buhay? Baka gusto mong alugin ko ang utak mo para bumalik ka sa realidad."Mahinahon kong sabi habang kumuha ng isang Champaign at ibinuhos ko iyon Sa kanyang mukha. Napasinghap siya ng tumama ang likido sa kanyang mukha.
"Oh gising ka na ba? Oh baka kulang pa?"Galit kong wika at sinampal siya ng ubod lakas.I heard the people grasped in shock.
"Hinayaan kitang ipahiya ako sa maraming tao at nawalan pa ako ng trabaho dahil sa ginawa mo.Pero yung pagtangkaan ang buhay ko ay ibang usapan na iyon.!
"You deserved! Dahil kabet ka ng asawa ko?!Galit niyang sabi.
"Anong sabi mo?Pwede pakiulit at pakilakasan upang marinig ng lahat ng tao dito ang sinabi mo? Asawa talaga ano?Pinakasalan kaba?Huy para sabihin ko sayo hindi ko kasalanan kung mas mahal ako ni Alexis kumpara sayo.Hindi ko naman siya pinilit eh.Lalot hindi ko kasalanan kung nakita niya sa akin ang isang bagay na kailanman ay hindi niya nakita sayo.!
"Whats happening ?!"Hindi ko inaasahang ang biglang pagdating ni Alexis.Galit itong nakatingin sa akin.Binawi ko ang composure ko.Ayaw Kong paapekto dahil sa muli ko siyang nakita.
"Hindi mo alam? Pinagtangkaan niya ang buhay ko!Sa susunod na gagawin mo ulit ang ginawa mo ay ipapupulis na kita!"Galit kong sabi at tumalikod na.Sumunod sa akin ang mga kaibigan ko.
Cynthia's POV
I was dumbfounded sa lahat ng sinabi ni Aerial sa akin.Nagsimula narin ang mga bulungan sa paligid.At ang hindi ko matiis ay ang mga galit na tingin ni Alexis sa akin.
" Is it true? Na pinagtangkaan mo ang buhay niya?!,",Galit niyang tanong. Napaiyak na lamang ako.
"Answer me! It is damn true?!"
"Im so sorry.Nagawa ko lang iyon dahil mahal kita at ayaw kong maagaw ka niya sa akin.Alam ko naman na mahal mo siya kaya natakot ako."Umiiyak kong sabi at nagtangkang yakapin siya ngunit umiwas siya sa akin.
"Kahit na!My god Cynthia!",Napahilamos niya ang dalawang kamay sa mukha.
"Im so sorry.Mahal lang talaga kita-".
"Kaya gusto mo nang pumatay ng tao?! Letcheng pagmamahal yan Cynthia!"Singhal niya sa akin at tumalikod.Ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Saan ka pupunta?"Tanong ko ngunit tinabing niya ang aking kamay at naglakad palayo.
"Kung aalis ka at pupuntahan mo siya ibig sabihin siya ang pinili mo kesa sa akin."Habol kong wika ngunit patuloy siyang naglakad palayo.
"Kung aalis ka i will tell your dad na may relasyon kayo ni Aerial!"
Nakita kong napahinto siya.Marahil ay natakot dahil sa sinabi ko."Then do It!"Sabi niya at tuluyang umalis.Napaiyak na lamang ako sa sobrang galit.
Hindi parin ako titigil!
Aerial's POV.
Hindi ko napansin na sumunod pala si Alexis at dagling hinawakan ang kamay ko.Nakita ko sa kanyang mga mata na gusto niya akong makausap.
"Please give us time to talk."Pakiusap niya sa mga kaibigan ko.
Tiningnan ako ni Sandy waring sa akin nagdedepende ang kasagutan.Tumango lang ako saka pa lamang sila umalis.Dinala ako ni Alexis sa isang lugar kung saan kami lang dalawa.Agad niya akong niyakap ng mahigpit.Tinikis kong huwag gumanti ng yakap sa kanya kahit ang totoo ay sobra kona siyang namiss."Namiss kita ng sobra."Nahihirapan niyang sabi.Pilit kong tinanggal ang kanyang mga kamay na nakayakap sa akin.
"May pag uusapan tayo diba?"Malamig kong sabi.
"Gusto ko lang magkaayos tayong dalawa."
"Mayroon paba tayong dapat ayusin?Mukhang grabeh ang pinsala eh."
"Gaano man kalaki ang pinsala gagawa parin ako ng paraan upang maayos lang ito."
"Tama paba itong ginagawa natin?Mukhang hindi talaga tayo ang nababagay eh.Masyado na natin nasaktan si Cynthia."
"What do you mean?sumusuko kana?Akala ko ba sabay tayong lalaban?"
"Pero ako lang iyong lumalaban sa ating dalawa!"Sigaw ko sa kanya habang unti unting nanubig ang aking mga mata.
"Hindi mo ba nakikita iyon.?Ni wala ka ngang nagawa eh. Ni hindi mo ako napagtanggol sa lahat ng pinag gagawa ng asawa mo sa akin.!"
Hindi ko maiwasang isumbat sa kanya."Dahil wala kang sinasabi sa akin.Paano ko malalaman?"
"Alam mo ang sagot diyan sa tanong mo.Ayaw mo ng gulo diba? Kaya ayon.Sinarili ko ang lahat kahit pinagtangkaan na niya ang buhay ko!"Tuluyan na akong napaiyak.
"I cant forgive her!Im so sorry kung hindi kita naprotektahan.Hindi ko rin inaakala na magagawa niya sayo ang bagay na iyon."
"Naintindihan ko naman kung bakit nagawa niya iyon.Mahal kalang niya at natatakot siyang mawala ka sa kanya.Tama paba itong ginagawa natin Alexis?Baka kailangan na kitang ibalik sa kanya.Siya naman ang tunay na nagmamay ari sayo."Mahirap iyon para sa akin ngunit sa tingin ko iyon ang makabubuting gawin.Kahit masakit.Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mga mata.
"So sinusuko mona ako?Ganun lamang ba iyon kadali?I want to be with you.Mahal kita.Bakit ba kailangan ikaw ang magdisisyon for what is best for me.?Ikaw ang gusto ko. Sayo ako nasanay Sana tinanong mo rin sa akin kung ano ang gusto ko bago ka magdecide!"Galit niyang sabi.
"Dahil iyon ang tama! Mahal kita oo pero may nasasaktan tayo eh.Bumalik kana kay Cynthia.Tapusin na natin to."
"Alam mo mas ako ang nasasaktan Sa ginawa mo.Mahal kita.Kailangan kita.Akala ko ba handa mo na ipaglaban?Bakit ngayon binibigay mo nalang ako ng basta basta?"
"Dahil hindi ako ang para sayo.Go with Cynthia.Siya ang taong dapat minamahal mo." Sabi ko at umalis na.Alam kong nasaktan ko siya at ganun din naman ako.
"Shaine.I give you time makapag isip.Hindi parin kita sinusuko."Narinig kong sabi niya.Ngunit hindi ko na siya pinansin at bumalik na sa mga kaibigan Kong naghihintay sa akin.
"Sinuko ko na siya kay Cynthia."Sabi ko sa kanila at hindi kona napigilan napahagulgol na ako ng iyak.
A/N
tinatamad akong magsulat.Hindi gumagana utak ko.
Hope you stil like this chapter.
![](https://img.wattpad.com/cover/113077671-288-k149380.jpg)
BINABASA MO ANG
The Homeless Love
General FictionThis is a gay and a straight guy relationship.The story of Aerial and Alexis as they both find the perfect place for their love.Paano ba haharapin at tatanggapin ni Aerial ang katotohanang dalawa sila sa buhay ni Alexis? Matagpuan kaya nila ang toto...