If you Guys wonder why hindi masyadong mahaba ang update ko for every chapter is because 1000 words lang limit ko.
Cynthia's POV
"What have i done?"Hindi ko alam kung tama paba itong ginagawa ko.Hindi ko na maintindihan Ang mga nangyayari.Paulit ulit bumabalik sa aking isipan ang huling sinabi ni Aerial.
"Hindi ka talunan kung yan ang iniisip mo.Hindi naman tayo nagpapaligsahan para sa pagmamahal ni Alexis.Pareho lang tayong dalawa na nagmamahal.Ginawa ko naman upang ibalik siya sayo.Pero siya naman ang ayaw.May mga bagay talaga na minsan hindi talaga para sa atin.Kahit masakit.Kahit mahirap ay kailangan natin bitawan."
Hindi ko alam kung tama paba ang ipaglaban ang pagmamahal ko kay Alexis.Na hindi naman ako ang pinili niya.Kung tatanggapin ko nalang ang katotohanan na mayroon nang nagbago at kailanman hindi na maibabalik ang dati.
Hindi ko napigilan ang sarili na umiyak habang pinagmasdan ang natutulog kong anak."Mommy? Are you crying?"Agad kong pinahid ang aking mga luha.Lumapit ako sa kanya na hindi ko alam na nagising pala.Niyakap ko siya ng mahigpit habang impit na umiiyak.
"No baby..im not crying.Just go to sleep again. Mommy is always here for you."
"Opo Mommy..goodnight.I love you."
"I love you more baby ko."Tinabihan ko siya ng higa.
Kaya natin to Ian.
Mark's POV
Bumuhos ang napaka lakas na ulan kaya hindi agad ako nakauwi nang mahatid si Aerial sa aparment ni Sandy.Good thing wala siyang masyadong pasa dahil sa kagagawan ni Cynthia.Iniwan ko na si Aerial sa kwarto ng makatulog na siya.But still naging bother ako dahil sa pag uusap namin dalawa.Naging pala isipan sa akin ang huling sinabi niya.
"Im so glad kasi nakilala kita.Thank you so much Mark for stepping into my life.Youre such a lovable person.I wont forget you no matter what happen."Sabi niya habang inalalayan ko siya makahiga sa kanyang kama.
"Ano bang pinagsasabi mo?Para kang nagpapaalam."Saway kong sabi.I saw him smile.
"Masaya lang ako kasi nakilala kita.Your girlfriend is lucky enough to have you.Dapat marunong kang magpahalaga sa taong nagmamahal sayo.Masarap sa pakiramdam kung may taong nagmamahal sa atin."Hindi ko alam kung bakit masama ang kutob ko dahil sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
The Homeless Love
Ficção GeralThis is a gay and a straight guy relationship.The story of Aerial and Alexis as they both find the perfect place for their love.Paano ba haharapin at tatanggapin ni Aerial ang katotohanang dalawa sila sa buhay ni Alexis? Matagpuan kaya nila ang toto...