Hindi madaling kalimutan ang isang tao na naging bahagi na buhay natin.Nagkakahiwalay man ngunit nandun parin sa puso ang pagmamahal kahit sa ilang taon pa ang lumipas.
ONE MONTH LATER
Arrial's POV
Its been a while ngunit nasa puso ko parin ang sakit.Ang pangungulila.At minsan naisip ko na mali ang naging disisyon ko na makapaghiwalay kay Alexis.Dahil sarili ko lang mismo ang aking sinasaktan.Maraming mga bagay na kailangan pag isipan ng maigi hindi dahil masaya ka lang ay sapat na.Masaya ka nga ngunit may ibang tao naman ang nasasaktan.Kailangan din ng sakripisyo kung minsan.Its been two weeks ng huminto na si Alexis na suyuin ako.Siguro napagod na dahil sa tuwing pumupunta siya dito ay tanging mga kaibigan ko lang ang pinahaharap ko.Siguro masyado lang matayog ang pride ko.Ngunit ramdam ko ngayon sa dibdib ang pagsisisi.Dahil kahit anuman ang gawin ko,ay mahal na mahal ko parin siya.
"Umiiyak kana naman."Si Cass na hindi ko namalayan ang paglapit.Pinahid ko ang aking mga luha.
"Alam mo..masyadong nakakapagod ang sitwasyon ninyong dalawa.Tumatakbo ka at hinahabol ka niya.Pwede ka naman sigurong tumigil sandali at hintayin siya upang hindi kayo masyadong mapagod.Pagkatapos maglakad naman kayo ng matiwasay."Hindi kona napigilang ang umiyak at yumakap kay Cass.
"Hindi ko na kaya.Nasasaktan na ako ng sobra."Ang aking sabi.
"Alam mo naman ang dapat mong gawin eh.Talk to him at ikaw naman ang susuyo.Huwag mona siyang tikisin.Mahal mo eh."
"Paano kung mayroon na siyang iba?"Ayaw kong isipin kung totoo man na ipinagpalit na niya ako.
"I knew Alexis . Mahal ka niya.Si Cynthia lang kaagaw mo sa kanya."Sabi ni Cass.Bumitaw ako ng yakap sa kanya at tiningnan ko siya ng masama.
"Cass naman eh."
"Totoo naman sinabi ko eh.Basta tawagan mona siya.Kausapin mo and say sorry.Ganyan lang kadali.Hay naku kaya ayoko ng magmahal.Magulo!"
Buong magdamag kong pinag isipan na kakausapin kona si Alexis.Ako na naman ang magpapakumbaba at aminin sa kanya na nagkamali ako.Sabihin ko sa kanya na mahal ko siya at hindi ko siya kayang mawala.At anuman ang mangyari ay kaya kona siyang ipaglaban.Alam ko paulit ulit nalang ako sa ganito.But at this time,totoo na ako sa aking mga salita.
I called his phone pero unattended. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko alam kung saan.Hindi rin naman siguro pwede na hanapin ko siya sa bahay ng mga magulang niya.
I heard the doorbell rang.I run to it and open the door.
Mukha ng isang dalagita ang aking napagbuksan.Atubili siyang ngumiti sa akin but i knew her.Nakababatang kapatid siya ni Alexis at ngayon ko lang siya nakita sa personal.Kinabahan ako at baka awayin niya ako."Come. "Alok ko sa kanya.
"No need.Im here because Im looking for my brother."Napatda ako sa sinabi niya.Looking? Bakit, saan ba nagpunta si Alexis?"Just incase andito siya.Its been two weeks na hindi na siya umuuwi ng bahay.Pinagalitan siya ni dad when Cynthia told him na mayroon kayong relasyon ni kuya."
Hindi ako nakapagsalita sa narinig.So sinabi ni Cynthia sa family niya ang tungkol sa amin?
Ang laking gulo to!Ano bang nakain ng babaeng iyon?"I've been calling him up but dini deactivate niya lahat ng contacts eh.Is he inside?"
Hindi agad ako nakasagot.Anong sasabihin ko?Its been two weeks nang huli ko siyang makita at sa malayo pa.
BINABASA MO ANG
The Homeless Love
General FictionThis is a gay and a straight guy relationship.The story of Aerial and Alexis as they both find the perfect place for their love.Paano ba haharapin at tatanggapin ni Aerial ang katotohanang dalawa sila sa buhay ni Alexis? Matagpuan kaya nila ang toto...