This whole chapter is dedicated for Cynthia.
Cynthia's POV
"Kahit saan saan ako naghahanap sayo andito kalang pala."Mahinahon kong sabi when i found him.Nasa condo unit siya ni Rance at siguro may kasalanan ako kung bakit nagkaganun.And there i saw him,parang pasan niya ang mundo.Tumingin lang siya sa akin at nanlalalim ang kanyang mga mata.Mukhang wala siyang sapat na tulog.
"Bakit ka nandito?"Walang buhay nitong sabi.Nakatingin na ito sa kawalan at parang naging okupado na ang isip niya.
"Bakit nga ba ako nandito?Dahil hinahanap kita."I just stood there at pinagmasdan ko siya.Hes holding a beer in can in his hand.Napansin ko ang nangangayat niyang katawan maging ang pagtubo ng mga bigote nito.Nakaramdam ako ng kirot kung ano ang posibleng dahilan ng ikina ganito niya.
"At bakit mo ako hinahanap?"Hindi parin siya nakatingin sa akin.
"Dahil asawa kita."Sabi ko habang pinapalakas ang aking boses.Pilit kong pinatatag ang aking dibdib dahil pakiramdam ko anumang sandali ay maiiyak ako.
"Hindi naman tayo kasal."
"Dahil may anak tayo.At para sa akin isa tayong pamilya."Matigas na sabi ko.
"Hindi tayo maging pamilya hanggat hindi ako tanggap ng pamilya mo."
"Hindi naman iyon ang issue dito Alexis!Ang sabihin mo hindi tayo maging pamilya dahil hindi kami ng anak mo ang gusto mong makasama!"I blurted out.Napaiyak na ako.I know some people think na malakas ako at matapang.Ngunit ang totoo napakahina ko.Tinitiis ko lang ang lahat ng sakit at ipinapakita na Okey ako at palaban.But deep inside,im dying in pain.I know my defeat ngunit kailangan ko parin ang lumaban para sa aking anak.
"Bakit ka umiiyak?Hindi dapat ako iniiyakan."
"Dahil mahal kita!Ano bang pagkukulang ko sayo at bakit nagawa mo ito sa akin?!Ginawa ko naman ang lahat.May kulang paba?Sabihin mo at nang mapunan ko.Hindi mo naba kami mahal ng anak mo?"Sabi ko sa gitna ng aking mga hagulgol.Nakita kong tumayo siya at niyakap ako.
"Mahal ko kayo.Mahal kita.Pero mas nagkataon na mas mahal ko siya at siya ang gusto kong makasama."Sabi niya na animoy patalim na bumaon sa aking dibdib.Pakiramdam ko ay nayurakan ang aking Karapatan at ang pagka babae ko sa sinabi niya.
Nasampal ko siya ng ubod lakas.
"Hapoy ka!Hayop ka!"Pinaghahampas ko siya dahil sa galit na aking nararamdaman."Ano bang nakita mo sa kanya!Babae ako at kaya kong ibigay sayo ang lahat!Pero Bakit siya pa?Ano bang Meron sa kanya? Bakla siya at limitado lang ang pwede niyang ibigay sayo!Ano bang gust mo?Ang maghubad ako sa harapan mo para matauhan ka?!"Siguro desperada na nga talaga ako upang ako iyong piliin niya.Nagsimula akong maghubad sa harapan niya ngunit pinigilan niya ako.
"Stop that ok?Mahal ko siya Cynthia.Wala kang pagkukulang sa akin.Mahal din naman kita ngunit nagkataon lang na mahal ko siya dahil siya iyong una."
Again para akong sinampal sa sinabi niya.Pinagsasampal ko siya ngunit nahawakan niya ang dalawa kong kamay."Im so sorry Cynthia.Hindi ko balak ang saktan ka.Mas lalo kalang masasaktan kapag nagsama tayo.Sana maintindihan mo rin ang nararamdaman ko."Nasa boses niya ang pagsusumamo.
"No! Hindi ko kailanman matanggap na ang baklang iyon ang ipagpalit mo sa akin!Insulto sa pagka babae ko ang ginawa mo!"
"Hindi siya kung sinong bakla lang Cynthia.Kailangan ko siya sa buhay ko."
"Ano paba ang kailangan kong gawin upang piliin mo kami ng anak mo?Mahal kita.Kung maaaring lumuhod ako sa harapan mo ay gagawin ko."Sabi ko at akmang luluhod sa harapan niya ngunit bigla akong pinigilan ni Rance.

BINABASA MO ANG
The Homeless Love
Aktuelle LiteraturThis is a gay and a straight guy relationship.The story of Aerial and Alexis as they both find the perfect place for their love.Paano ba haharapin at tatanggapin ni Aerial ang katotohanang dalawa sila sa buhay ni Alexis? Matagpuan kaya nila ang toto...