CHAPTER 26

238 13 1
                                    

General's POV

Parang pasan ni Sandy ang mundo na malaman ang sinabi ng Doktor.Galing sila ng ospital para sa huling resulta sa mga tests ginawa kay Aerial.Pinilit niyang maging matatag kahit nang magtanong si Aerial kung ano ang nangyari  sa kanya.Inilihim niya dito ang totoo kahit gusto nang sumabog ang kanyang dibdib.

"Ano bang nangyari Sandy?"Tanong agad ni Flawn. Tinawagan niya ang kanyang mga kaibigan upang dito niya sabihin ang lahat.Umiyak na si Sandy sa mga oras na iyon.

"Hindi ko alam kung paano sabihin kay Aerial ang totoo.Nahihirapan ako.Naaawa ako sa kanya."

"Na ano?Sabihin mo sa amin ang totoo."Sabi ni Cass na kararating lang at narinig nito ang sinabi niya.

"Sabihin mona Sandy kung ano ang sinabi sayo ng Doctor."Sabi ni Siah na hindi na makapaghintay.Huminga ng malalim si Sandy bago nagsalita.

"Wala ng pag asa pang makakita si Aerial.Tuluyan na siyang mabubulag."Natahimik ang lahat matapos marinig ang sinabi ko.Walang nakapagsalita.

"Sandy,how about eye transplant?"Sabi ni Flawn ng makapag isip.

"Its possible pero saan naman na naman tayo maghahanap ng donor?Hindi iyon ganun lang kadali."Ang sabi ko.

"Lets just be positive.Marami pang paraan.Makakita pa ulit si Aerial."Positibong wika ni Cass.

Ang hindi nila alam ay kanina pa nakikinig si Aerial sa usapan nila.Alam niyang mag itinatago si Sandy sa kanya.Nagkunwari siyang natutulog ngunit agad siyang bumangon pagka labas ni Sandy sa kanyang silid dahil may kutob siyang may dapat siyang malaman.And now,narinig niya ang lahat.Hindi niya matanggap ang nangyari.Napaiyak siya.Paano na sila ni Alexis?Ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa ngayong mabubulag na siya ng tuluyan?Namalayan na lamang niya nangangapa ang kanyang mga kamay papalabas. Doon siya dumaan sa likurang bahagi ng bahay upang walang makakakita sa kanya.

Pilit ni Alexis bumangon kahit masakit ang ulo niya at pakiramdam niya ay lalagnatin siya.Bumangon siya ng marinig si Rance na may kausap sa labas. Bigo siyang makita si Shaine kagabi at kaya masama ang pakiramdam niya ay dahil sa pagpapa ulan kagabi.Pansamantalang kay Rance siya tumutuloy dahil pinalayas siya ng papa niya.Nagsumbong si Cynthia dito kaya galit na galit ang papa niya.Ngunit mahal niya si Shaine at walang magagawa ang mga ito at handa na niyang ipaglaban ito sa pamilya niya.Tatlong linggo na simula ng huli kaming nagkita kaya siguro ay nakapag isip na ito ng tama.Kailangan narin nilang mag usap.
Namimiss na niya si Shaine.Namiss niya kung gaano siya nito alagaan.Kung gaano ito kabugnutin kapag nagseselos Napapatawa siya sa panahong magkasama silang dalawa.Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng marinig ang boses ni Mark.Inamin ng lalake sa kanya na may gusto ito kay Shaine kaya mas lalo pa siyang nagalit dito.

"Mark,wala pang alam si Alexis sa nangyari.Binalak kong sabihin sa kanya ngunit nawala sa isip ko eh." Narinig niyang sabi ni Rance.Hindi mona siya lumabas at gusto niyang makinig lalo pa at narinig niya ang pangalan niya.

"Nagpunta ako dito upang sabihin sa kanya ang totoo.Naaawa na kasi ako kay Aerial eh.Alam kong may issue pa kami ngunit kailangan niyang malaman ang totoong kalagayan ni Aerial."Sabi ni Mark.Hindi na ako nakatiis at tuluyan na akong lumabas.Gulat sila ng makita ako ngunit tiningnan ko silang dalawa.

"Anong dapat kong malaman?"Tanong ko."Anong nangyari kay Shaine?.Hindi ko maiwasang magalit dahil bigla na lamang akong kinabahan.

"Pare kalma lang."Wika ni Rance
"May nangyari kay Shaine nung huling nakita ka niyang may babaeng kasama.Nahospital siya at napag alaman namin na hindi siya pwedeng malungkot.May nerve abnormalities siya kaya iyon dahilan kaya siya.."Putol ni Mark sa sasabihin.

The Homeless Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon