Dedicated to you..
Alex G.Aerial's POV.
Hindi ko alam kung bakit naroon si Mark ngunit masaya ako ng makita siya. Buong akala ko ay katapusan ko na.Nang makababa siya ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit at nag iiyak sa kanyang dibdib.Dahil iyon sa aking sobrang takot na nararamdaman.
"Its ok now.Im here." Sabi niya habang hinagod hagod nito ang aking likod.
"Im so thankful na dumating ka.Takot na takot ako."Humagulgol ako ng iyak dahil sa sitwasyong nangyari si Mark pa ang nagkataong nakatagpo sa akin.
I owe him everything.Medyo tumila narin ang ulan.Nang bumitaw ako ay sinubukan ni Mark maghanap ng paraan upang makaalis kami doon ngunit mahirap.Masyadong madulas at walang makakapitan.Mas madali ang pagbaba ngunit napaka hirap ang pag ahon.
So we are stucked.Madilim narin sa mga sandaling iyon at huminto na si Mark sa kakahanap ng paraan dahil hindi rin uobra.Nakaramdam ako ng guilt habang tiningnan siya.Kasalanan ko lahat ng ito.Dinamay ko pa siya."Mark im sorry."Naiiyak kong sabi. Tiningnan niya ako.
"Sorry saan?"
"Sorry kung pati ikaw nadamay pa dito."Marahan niya akong nilapitan.
"Ano kaba.Hindi mo kagustuhan ang nangyari.Makakaalis din tayo dito ok.? Magtiwala ka.May makakatulong din sa atin dito.But i think we just have to wait a couple of hours." Madilim na sa mga sandaling iyon.
Wala kaming choice kundi magpalipas ng gabi doon. Nilalamig na ako dahil basang basa ako.
Ilang sandali ang lumipas ay pareho kaming tahimik.Nanginginig na ako ng mga sandaling iyon habang nakahalukipikip ang dalawa kong kamay sa dibdib."Come here."Narinig kong sabi niya at hinawakan niya ang aking kamay.Iginiya niya ako sa isang bahagi na hindi masyadong basa at naupo kami doon.
"Mukhang kailangan natin magpalipas ng gabi."Mas lalo akong nakonsensiya dahil sa sinabi niya.I felt so sorry about it.
"Im so sorry if i dragged you into this."Ang sabi ko.Tinitigan niya ako sa mga mata habang hawak parin niya ang mga kamay ko.
"Dont be sorry.Masaya ako kasi nakita kita.Kung hindi pa baka ano na ang nangyari sayo.Ako nga ang magsorry dapat eh.Dahil hindi kita mailabas dito."Narinig kong napabuntung hininga siya.
"Nilalamig ako."Mahina kong usal.Naramdaman ko ang pag galaw niya at hinubad ang kanyang tshirt.
"Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong.Hindi siya sumagot bagkus ay inuumang niya sa akin ang kanyang mga bisig.
"Nilalamig ka diba?Hug me.Para hindi ka masyadong lamigin.Body heat."Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.
Yayakap ba talaga ako sa kanya?Naku Aerial huwag kanang magpakipot.Yumakap kana sa kanya..Nilalamig ka diba?
Wika ng isang bahagi ng aking utak.Tao din naman ako at natutukso lalo na at kasama ko ang isang gwapo na kagaya ni Mark.Nakakababae talaga sa pakiramdam.Ngunit kailangan kong isipin na may boyfriend na ako.Kahit ganun si Alexis ay mahal ko parin iyon.Higit sa lahat ay hindi ako dapat nag iisip nang kung anong may malisya.Gusto lang akong tulungan ni Mark lalo na sa sitwasyong kinasasadlakan namin dalawa.Matapos kung kumbinsihin ang sarili ko ay agad na akong yumakap sa kanya. At agad kong naramdaman ang init ng kanyang katawan na nagsimulang nagbigay dumantay sa aking mga ugat.
Pakiramdam ko nawala ang takot ko ng mga sandaling iyon.Parang ligtas ako sa mga bisig ng lalaking kayakap ko.Naramdaman ko ang kanyang mga kamay na yumakap narin sa akin.Ganun lang kaming dalawa.Tahimik.Tanging mga kuliglig at kulisap lang ang naririnig sa paligid at ang tibok ng puso ng lalaking kayakap ko.
BINABASA MO ANG
The Homeless Love
General FictionThis is a gay and a straight guy relationship.The story of Aerial and Alexis as they both find the perfect place for their love.Paano ba haharapin at tatanggapin ni Aerial ang katotohanang dalawa sila sa buhay ni Alexis? Matagpuan kaya nila ang toto...