*Tristan's POV*
"Hayy!!", sabi ko habang ako ay nagigising sa pagtulog ko dahil sa sa tunog ng orasan habang ininilagay ko ang aking salamin. Malabo na talaga ang mga mata ko, nagsimula ito noong High School student pa ako at ngayon mas lalong lumala. Nakatira ako sa isang condo unit sa Mandaluyong. Tama lang ang laki at saka kumpleto ang iba't-ibang parte ng condo.
Anyway, back to the topic.
Bago yan, ipapakilala ko muna sarili ko, I am Tristan Paul Ackerman, isang PAG-ASA Employee, yup, maliit lang ang suweldo pero hindi yan hanap ko dahil gusto kong magtrabaho dito at dahil din mayaman na kami dahil malaki ang sahod ni kuya sa trabaho niya. Anyway, I am 25 years old, matangkad ako, mga 6'5, maputi, nerdy pero guwapo at maganda ang hubog ng katawan ko kaya noong college ako ay madaming nagtitilian sa akin pero kahit yan ay may isang tao na espesyal sa akin, si Clark Neil Villanueva.
"Yes! walang pasok ngayon. Makakapagpahinga na ako ng konti", sabi ko sa sarili ko.
Habang imuinom ako ng gatas, (ano pakialaman niyo? kahit matanda na ako ay ayaw ko talaga ng kape kasi di ako sanay sa lasa niya) may kumatok sa condo ko.
*knock*
*knock*
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Jali, kaibigan ko simula pa noong High School.
"Taby, gusto mo labas tayo? Punta tayo sa mall. Please?!! Please?!!", sabi ng crazy ko na bestfriend.
"Sige, pasok ka muna at bibihis muna ako", sabi ko sa kanya habang pinapapunta ko siya sa sala. Pumunta ako sa kwarto, naligo at nagbihis ako ng polo at brown na slack then I put my glasses on, pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa sala. Nakita ko siyang nagcecellphone, I cleared my throat para malaman na niya na nandito na ako at salamat din dahil narinig niya.
"Ang guwapo mo talaga taby", mangha niyang sabi.
"Naks, thanks Jali. Baka magustuhan na niya ako", ngiti kong sabi.
"Hindi no! Hahahaha!. Wait, may gf ka na ba?"
"Wala pa. Alam mo naman na hinihintay ko siya"
"Hay nako, kalian mo ba titigilan siya? Alam mo naman na ayaw ka niyang makita at saka baka may iba na siya"
Nalungkot ako ng konti kasi alam ko na una, ayaw niya talaga akong makita simula pa noong High School student pa kami at pangalawa, malaki ang tsansa na meron na siyang iba. Pero kahit na ganyan, malakas ang loob ko na meron pa akong pag-asa na makuha siya.
"Kahit na, malakas pa rin ang loob ko na kahit ganyan na, ay may makikita pa akong Clark"
"Hay nako, wag ka na ngang umasa pa na babalik pa kayo"
"Ewan natin, baka sa huli ay maging kami na", natatawa kong sagot.
"In your dreams! Hahahaha", natatawa niyang sabi.
"Tara na nga", may pagka-inis na sabi ko.
"Hay nako, naiinis na naman hahaha. Sige, halika na"
Hindi ko pa pala naipakilala ang kaibigan ko sa inyo, siya si Jali, mabait at matalino siyang kaibigan. Maliit siya, medyo payat, maputi, kagaya ko din ay may salamin siya at huli ay tama lamang ang ganda niya. Not too much or little, it's just right. Isa siya sa tatlong kaibigan ko na sobrang close, meron pa si Cien at Shane.
Sumakay na kami ng jeep papunta sa mall. Tapos binasag ni Jali yung katahimikan.
"Kamusta naman buhay mo?", tanong niya.
"Okay naman. Boring din kasi Home-Work-Home-Sleep-Wake and repeat ang routine ko. Well sometimes lumalabas kami ng mag kabarkada ko sa trabaho. Ikaw naman?"
BINABASA MO ANG
Waiting For You
RomanceDo you believe in destiny? And true love waits? Maghihintayan ba sila para maging sila? O mawawala ang paghihintay nila at mapupunta ito sa ibang tao? Sila ba talaga ang nakatadhana sa isa't-isa na mamuhay na maging masaya? O sa tadhana na mamuhay s...