Chapter 7- Dinner Trouble

35 1 0
                                    

*Tristan's POV*

Ang ganda taalaga dito sa Batanes. Nilibot-libot ko muna ang mukha ko habang lumalakad kami papunta kami sa loob ng airport. Hindi ko namalayan na nabunggo ko si Clark. Natumba siya pero nakuha ko din siya kaagad. Nakatinigan lang kami habang siya naman ay namumula.

"Oy! Ang aga-aga maggagangyan pa kayo! Hahahaha", natatawang sabi ni Janelle.

"Oo nga hahaha! Dumadamoves ka! Ang aga-aga naman Tristan! Hahaha", pandagdag ni Jali habang sila Kim, Precious at Shane ay tumatawa.

"Hi-hindi no. Tumahimik na lang kayo", nahihiyang sambit ko.

"Weh? Hahahaha basta bahala ka na", natatawang sambit ni Kim.

Ewan ko kung ano ang name ng hotel na tutuluyan naming dahil nakalimutan ko yung sinabi niya. Sumakay kami sa tricycle at nakarating kami sa hotel. Maganda dito dahil kitang-kita yung dalampisagan. Maganda din sa loob dahil mukhang cozy yung place. Parang normal house lang siya na magarang talaga.

"Okay, ito yung kuwart natin. Kim at Precious sa Room 16"

"Okay!", sabay sabay na sabi nilang dalawa.

"Ako at si Jali sa Room 17. Sa Room 18 naman ikaw at si Clark"

"Nice! Hahaha"

"Janelle, please! Puwede ba sa inyo na lang?", nagmamakaawa na sabi ni Clark.

"Wag kang mag-alala. Lagot siya sa akin kapag may nangyari sayo. Right Tristan?"

"Y-yes"

"Okay na ba Clark?"

"Oo"

"Pero ingat ka pa rin baka may gagawin siya sayo. Si Tristan pa naman yan tsk tsk hahaha!", natatawang sabi ni Kim.

Natakot tuloy bigla si Clark hahaha. Cute niya ngayon. I will not take his innonce, for now.

"Uy wag ka matakot ulit", may pagka-worry na sabi ni Janelle.

"Si-sige"

"Good. At ikaw Shane sa Room 19"

"Nice! Mag-isa lang"

"Okay, punta na kayo sa mga kuwarto niyo"

Nagsipuntahan na kami sa mga kuwarto namin. Kaming dalawa ni Clark ang magkasama at matutulog sa isang bed. Hmmm... mukhang naiilang siya sa akin. Well, I cannot blame him. Ganyan naman siya dati noong nakitulog siya sa amin.

"So ano na?", tanong ko sa kanya.

"Magpahinga muna tayo dito"

"Sige. Magpalit na siguro tayo muna?"

"Sige. Mauna muna ako", sinabi niya at pumunta na siya ng banyo. Nakalabas na siya at nakakulay blue na t-shirt siya ngayon at nakafitted jeans. Cute niya talaga hahaha. Pagkalabas niya ay umupo siya sa kama. Tinanggal ko na yung t-shirt ko at nakita ko na nakatingin sa akin si Clark ng malagkit. Natawa naman ako ng konti.

"O? Ano tinitigan mo dyan?"

"Wa-wala", sabi niya na habang namumula hahaha. Nilagay ko na lang yung bagong shirt ko na white. Pinalitan ko yung pantalon ko ng maong na short.

"So, ano na? Bukas pa ang gala, mamayang gabi ay dinner lang dyan"

"E-ewan ko", naiilang na sabi niya.

"Gusto mo magkuwentuhan muna tayo?"

"Sige"

"Ako muna magsisimula. Kamusta naman buhay mo at yung pamilya mo?"

Waiting For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon