*Clark's POV*
Dalawang araw kaming hindi nag-uusap, except kapag kailangan pero mostly hindi na kami nag-uusapan. Alam ko na sinaktan ko siya pero kailangan talaga. Kailangan ko lumayo sa kanya para maging ligtas ako.
Papasok na ako sa trabaho nang biglang kinausap niya ako.
"Kailangan diretsyo kang umuwi kapag tapos na ang trabaho mo", sabi niya habang nagbabasa ng dyaryo.
"Alam ko at hindi ikaw ang boss ko"
"Edi hindi, sabihin na lang natin na protector mo ako"
"Ugh, ikaw nga ang naglagay sa akin dito sa panganib na ito"
"Fine but put in your pretty little head of yours that you unfortunately become the lover of one of the dangerous man, at saka maraming perks ito kaya maging masaya ka"
"So kung lover mo ako, kahit may perks yan wala akong pake"
"Go, hintayin mo ang Agosto at aalis na tayo para maging leader ng mafia", sabi niya at umalis na ako.
Nagmuni-muni ako sa byahe papunta sa office, kainis siya, hindi ko siya matakasan. Mabilis ang dating ko sa office at mukhang early bird na naman kaya okay.
"Kamusta weekend mo bes?", pambungad ni Anne sa akin.
"Hello Anne, okay naman"
"Oh, may nangyaring masama ba? Mukha kasing may problema ka"
"Ni-reject ko si Tristan noong sabado, yun nagmakaawa, hindi ko pinayagan. Naging malamig na ang pakikitungo namin"
"Hay, okay lang yan, madami pa namang iba"
"Si George pala, nasaan na yun?"
"Hindi makakapasok, may sakit eh, nag-three days leave siya"
"Oh ok", sabi ko at nagtrabaho na kami. Ang tahimik ng trabaho ko pero ngayon parang hindi ko na makakaya, parang nasusuka ako sa katahimikan.
"Lunch na Clark, halika na para hindi ka ma-overwork", sabi niya at umalis na kami papunta sa karinderya.
"Okay ka lang ba sa desisyon mo?"
"Oo, nilagay niya kasi sa panganib ang pamilya ko, ayaw ko nang ganun pero may kakaiba eh"
"Ano naman yun?"
"Feeling safe ako sa kanya, naniniwala ako sa kanya na proprotektahan niya ako"
"Yun pala eh, bakit mo kasi ni-reject?"
"Sinabi ko na eh, nilagay sa panganib kami"
"Yun nga pero sabi ng instincts mo na safe ka sa kanya, remember marunong humawak siya ng baril"
"Baka tama ka dyan at teka nga, bakit parang kinakampihan mo siya?"
"Hindi ko siya kinakampihan at hindi ako nangengelam, nagbibigay lang ako sa'yo ng advice para ang desisyon mo"
"Fine, baka i-take back ko sa kanya ang sinabi ko"
"Sa'yo na lapa yan", sabi niya. Habang papunta kami sa office ay may nabangga ako kaya napatumba ako.
"Sorry po, tulungan na kita dyan pre", sabi sa akin ng lalaki pero teka, parang kilala ko yang boses na yan.
"A-adam?"
"Clark? Ikaw nga! Hindi ko alam na magkikita pa tayo"
"Ako din, saan ka papunta?", tanong ko kasi may helmet siya sa ulo.
BINABASA MO ANG
Waiting For You
RomanceDo you believe in destiny? And true love waits? Maghihintayan ba sila para maging sila? O mawawala ang paghihintay nila at mapupunta ito sa ibang tao? Sila ba talaga ang nakatadhana sa isa't-isa na mamuhay na maging masaya? O sa tadhana na mamuhay s...