Chapter 8- At the Park

20 1 0
                                    

*Clark's POV*

Natapos ang dinner namin ng 7:30. Pagkatapos nun ay lumabas kami at pumunta muna sa park nila kahit gabi kasi sabi ng mga staff na maganda sa park ng gabi dahil madaming ilaw at malamig at tahimik ang lugar. Kaya yun, napagpasyahan namin na pumunta dun at sinabi ng staff na sa hatinggabi pa ang closing kaya puwede pa gumala.

Umalis kami sa hotel at pumunta sa park. Tama nga ang sinabi ng staff na maganda ang lugar kasi nakaopen ang streetlights at saka madaming mga bushes na may bulaklak na Daisy, I love them kasi it symbolizes true love and most importantly, patience. Napangiti na lang ako habang tinitignan ko. Napansin ko naman na nakangiti si Tristan sa akin.

"Oh bakit ngumingiti ka dyan?", tanong ko sa kanya.

"Wa-wala lang. Nakikita ko na masaya ka talaga ng totoo", nakangiti niyang sagot. Hindi ko maiwasan mapula at ngumiti.


*Janelle's POV*

Ang saya pagmasadan nilang dalawa. Nakikita ko na nagbabago na sila sa isa't-isa. Hmm, may naisip ako na plano.

"Jali, halika may pag-uusapan tayo ng sandali"

"O sige, ano yung pag-uusapan natin?"

"Tignan mo sila oh", tinuro ko kay Jali sila Tristan at Clark na nagkakasiyahan.

"Hmm, ang sweet na nilang dalawa"

"Oo nga, kaya nakaisip ako ng plano"

"O sige, ano yun?"

"Well, gawa tayo ng parang date nilang dalawa"

"Okay pero paano?"

"Ito ang gagawin natin(sorry, cannot tell you guys, buuin niyo na lang yung pieces mamaya) hihihi"

"Oh my god! Siguro ka? Baka ikamatay natin itong dalawa? Hahaha charr!"

"Hahaha oo, don't worry, masamang tingin lang maibibigay niya sa atin"

Pagkatpos ng pagplano ay sinimulan na namin gawin ang plano namin hihihi! Excited na ako, ewan ko ba kung magpakatorpe pa siya.

"Uhm Tristan?", bulong ko kay Tristan.

"Bakit?"

"May ibibigay lang ako kay Clark, puwede ba ikaw na lang magbigay? Hihihi"

"Oh sige ba, teka bakit bulaklak tapos isang weird na box?", oh god mukhang hindi ko naisip ng tuluyan ito, paano naman kinausap ko pa si Manong na...wait...muntik ko pa naisabi plano namin.

"Uhm wala naman. Basta ibigay mo na lang kasi...uhm...kasi...ay pinapakuha niya?...oo, pinapakuha niya"

"Pinapakuha niya?", please sana gumana, mukhang hindi gumana pero lumuwag ang hininga ko ng sinabi niya na sige.

"Wait, bago ibigay mo sa kanya, basahin mo itong card sa kanya pagkatpos mo basahin ay ibigay mo na sa kanya ang bulaklak"

"Okay", hay obvious ang kalungkutan at selos mo sa boses mo. Don't worry bes, hintayin mo at tinulungan namin ikaw. Dahil dyan ay gagawin na ang next step.


*Tristan's POV*

Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Janelle, hindi niya pinapakuha ito kasi sino naman ang nagpapakuha ng bulaklak tapos ibibigay sa iba hindi sa nagpakuha? Hay, nakakalungkot at nakakapagselos dahil may ibang nagkakagusto sa kanya, baka mahulog pa siya sa kanya.

"Uhm Clark", tawag ko sa kanya habang nakaupo siya sa isang bench sa may gilid ng isang lamppost, ang romantic ngayon pero panira ng mood itong mga to na hawak ko.

Waiting For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon