Chapter 13- Sunset Kiss

6 1 0
                                    

*Clark's POV*

Nasa entrance na ako ng beach at 7 na ng gabi. Pagkatalikod ay may nakaparada na sasakyan, bumukas ang pinto at inuluwa nito si Adam. Since casual, naka polo shirt siya na white and a dark blue jean and sa shoes is naka-black na converse, seriously, ang guwapo niya ngayon kumpara sa akin.

"Good Evening Clark. You look great", sabi niya at binigay sa akin ang isang kapirasong pulang rosas.

"Uhm thanks and you too", sabi ko nauutal. Siya naman ay tumawa ng konti.

"Halika na at may naisip ako na lugar", sabi niya sa akin habang inilahad niya sa akin ang kamay niya at kinuha ko naman. Napansin ko na may dala siyang basket, tumakbo kami papunta sa beach at huminto siya kaya nagtaka ako.

"Dito, dito tayo. Wait, ilalapag ko lang yung blanket", sabi niya at inilabas niya yung blanket sa loob ng basket, pagkalagay ay sinabahan niya ako na umupo na, pagkaupo ay tumabi siya sa akin.

"So ito yung basket natin na may mga pagkain", pinakita niya sa akin at may dala siyang spaghetti sa styro, bread, apples and grapes.

"Wow ang dami ah hahahaha"

"Sorry hehehe. Ewan ko lang kung gaano kadami ang kakainin natin hehehehe"

"Okay lang yan. So ano gusto mo pag-usapan natin?"

"Casual lang. Okay, ano yung work mo?"

"Accountant, ikaw?"

"Engineer"

"Saan?"

"Sa Manila, nagbakasyon lang ng konti dito. Matanong pala kita, sino yung lalaking ang lapit sa'yo kanina?"

"Yun? Si Tristan lang yun, kaibigan ko lang yun. Nanliligaw sa akin yun"

"Okay. Sana payagan mo din ako ligawan"

"Ano yun?"

"Hehehe wala", sabi niya sabay kamot sa ulo niya.

"Sigurado ka?"

"Oo", sabi niya at saka tumahimik na kami.

"Uhm Clark", sabi niya na binasag ang katahimikan.

"Ano yun?"

"Uhm I know na bagong kilala tayo sa isa't-isa but I know na you are the one for me so puwede ba na ligawan kita?

"Uhm", sabi ko nahihiya pero wow ang lakas ng charm ko hahaha!

"Okay lang na wag muna..."

"No, uhm I mean is okay lang, okay lang na ligawan mo ako"

"Thanks!", sabi niya na niyakap niya ako ng biglaan ng mahigpit kaya niyakap ko din siya. Nagbigayan kami ng number para pwede kami mag-usapan.

"Uhm late na, 9 na ng gabi", sabi ko sa kanya.

"Sige, ihahatid na lang kita", puayag na lang ako kasi ayaw ko na masaraduhan ako. Tahimik ang naging byahe namin pero nakikita ko na pasulyap-sulyap siya sa akin.

"Goodnight sa'yo"

"You too", sabi ko at humarurot na siya palayo. Pumunta na ako sa kuwarto ko at nakita ko si Tristan na nakaupo sa higaan na nillalaro ang cp niya at naka-boxer lang.

Pero nagulat na lang ako ng nakatingin siya sa akin ng parang masama at tumayo siya, naglakad siya sa akin habang nakatitig siya ng masama sa akin kaya natakot na lang ako. Sobrang lapit niya sa akin tapos bigla na lang niya tinaas ang dalawang kamay niya sa pader kaya nakulong ako sa kanya.

Waiting For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon