Chapter 4- The Plan

28 1 0
                                    

*Jali's POV*

Hay nakakapagod ngayong araw na ito. Paano naman pumunta kami sa Sta. Ana tapos nagbeach ng konti tapos uwi agad. Hay nako sana di na ako pumayag eh kaso naman sila Tristan ang may pakana nito at ayaw ko magmukhang kj kaya sumama na ako.

Sinarado ko ang pintuan ko tapos tinignan ko muna kung may gising, hmmm... mukhang lahat naman ay tulog at sa huli ay ni-lock ko ang pinto ko. Tinawagan ko na si Janelle, bestfriend ni Clark tapos malapit ang pamilya nila dahil ang tatay nila ay magkakaibigan bago mamatay ang tatay ni Clark.

"Hello Janelle", bati ko sa kanya.

"O bakit ka napatawag? Sobrang late mo naman tumawag. Bakit pa kasi sa gannitong oras pa" *yawn*, tanong niya na mukhang kakatulog palang niya.

"Ready na ba ang plano natin bukas?"

"Anong planong pinagsasabi mo?"

"Ulyanin ka na ba ha? Yung plano na gagawin natin sa kanilang dalawa"

"Oo! Oo! wag ka nang mainis dyan. Sinabi ko na nga ito sa mga kaklase natin ang plano nating dalawa eh"

"Good. So pumayag naman sila?"

"Oo, actually natuwa nga sila ng marinig nila ang plano natin eh"

"Buti naman"

"Talaga naman. Kailangan nila ito dahil pareho lang sila na nalulungkot sa kanilang sitwasyon. Kahit mukhang masiyahin si Clark ay mababakas mo pa rin sa mukha niya ang kalungkutan, ganyun din si Tristan, pero mas obvious naman siya"

"Tama ka, hay sana magbati na sila"

"Sana nga, ayaw ko makita si Tristan na isang babaero. Hay nakakasakit sa siya sa ulo sometimes. Ewan ko kung bakit siya naging ganyan. Dati mabait siya at careful na tao eh pagdating sa Manila, boom naging playboy na"

"Tama ka bes. Sana magbago na siya kapag matapos na ang event at ng plano natin, ayaw ko siyang nakikitang ganyan. Ipray na lang natin na magkatotoo at maging successful itong plano natin"

"Sige! tulog na ako bes. Kailangan ko pa mag-beauty sleep para sa event bukas"

"Sige matutulog na din ako. Kailangan ko din ng beauty sleep. Goodnight"

"Goodnight din", sabi niya at ni-drop na niya na ang call at natulog na din ako. Iniisip ko talaga na maging successful itong plano namin na pagbabatian nila. Ay sana lang. And I will not tell the details of this plan sa inyo kasi baka masira surprise ko sa kanila at sa inyo bleh!!!

~The Morning~

Nagising ako sa tunog ng orasan kaya tumayo ako kaagad at pinunasan ko ang mga muta ko pagkatapos ay pumunta ako sa banyo para maligo at mag-toothbrush. Nagpalit na ako ng damit ko, I put on my red dress. May pagka-conservative ako kaya yung pinili ko ay hanggang sa may tuhod ko at hindi naman kita yung cleavage ko. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at namangha ako sa nakita ko, nice madaming mamangha sayo hahahaha. May pagkalandi ka no? Hahaha jk.

Bumaba na ako at nakita ko si Tristan na kumakain sa breakfast. Hmmm... bakit siguro na naka-pajama siya ngayon? Ay baka napagsabihan siya ng magulang niya na magdamit na matulog hahaha cute niya ngayon parang bata siya hahaha pero wag ka ah ang guwapo niya pa rin sa taas, mukha siyang greek god.

"Uy nakapagbihis na agad ah", ngiti niyang sambit sa akin.

"Oo naman, nakahanda na ako sa event mamaya. Ikaw di ka pa nakakapagbihis, bilisan mo, malapit na magsisimula ang event. It starts at 10 at tignan moa ng oras, 8:45 na kaya tsupi! Ligo ka na!"

Waiting For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon